Cellphone
I work in a BPO company, it happened last September. Since gabi ang pasok ko, minsan tanghali na ako nakakauwi ( uso kasi OT samin). I woke up 4 pm, nauna pa ko sa alarm ko. Dun ako sa kwarto nila mama natutulog madalas, mas gusto ko ambiance dun kesa sa kwarto ko. E di ayan, fb fb mo na since mahaba pa naman oras ko bago magprepare sa work, 8 pm pa pasok ko. Chat chat post status, yung battery ng phone ko is nasa 5% na lang. Tumatawag bigla yung pinsan ko, since kakagising ko lang nun, at wala talaga akong gana makipag-usap din, binitawan ko phone ko, nilagay ko sa ilalim ng unan ko since ayaw pa din tumigil ng pinsan ko sa pagtawag. Hinayaan ko lang baka kasi mapindot ko bigla yung answer button. 2% na lang that time yung phone ko. Pumikit ako saglit, baka sakaling maidlip pa ko. Kaso di na ka dinalaw ni antok. Pagdilat ko kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng unan, wala. Bumangon ako, tinaas yung unan ko at kumot, pati punda wala pa din.Tinignan ko ilalim ng kama paulit-ulit. Wala talaga . Nababdtrip na ko, kasi nakakaloka. Paanong mawawala yun bigla. Pati mga damit nila mama na nakatupi tinignan ko wala talaga. Tinaas ko na nga yung kutson para makita ko yung buong ilalim ng kama wala talaga. Lahat ng posibleng gawin ko. Sa sobrang inis ko binuksan ko pinto namin, wala namang tao, nasa baba yung kapatid kong 4 years old. Imposible talagang mawala yun, tapos sumilip yung mama ko sa pinto, sabi sakin akala nya daw di pa ko bumabangon. Sakanya ako nagreklamo, sabi ko "" mama yung cellphone ko nawawala nasa ilalim lang ng unan ko eh. Tumawatawag pa naman si Boknoy! Di ko lang sinagot! "" . Sabi nya "baka pumasok dito kapatid mo habang tulog ka." Pero imposible sabi ko, nakalock yung pinto tsaka yung kapatid ko wala naman. Tumulala lang ako ulit sa kwarto, takang taka san na napadpad phone ko, yung unan na hinihigaan ko kinapa ko ulit, binalibag ko pero walang tumatalsik. Nagmumura na ako that time. Nawawalan na ko ng pag-asa. Tapos dumapa ulit ako, sinisilip ko ulit yung ilalim ng kama kahit alam kong imposible na nandun yun kasi sa ilalim ng unan ko lang naman nilagay.
Tapos bigla na lang may narinig akong nalaglag sa kama, wala namang nagbukas ng pinto.Wala si mama bumaba na. Pero habang nakadapa ako, nasipa ko bigla yung cellphone ko. Nasa paanan ko na. Kinilabutan ako. Sigurado akong walang pumasok ni isa, tsaka binaliktad ko na yung kutson. Hinawakan ko yung phone, lowbat na talaga sya pero medyo mainit. Yung takot ko, dinaan ko sa galit. Hindi ako sumigaw sa takot, humiga ako ulit. Sabi ko na lang, "" Kung mangtitrip kayo, wag ako ah! Di ako natatakot t*ng in* lang, nananahimik ako dito tigilan nyo ako!"" Kung may spirit man sa kwarto, alam ko narinig nya kasi ang lakas ng boses ko. Then yun na nga after 10 min. yung mama ko pumasok, may kinuha. Nagsumbong ako. Haha.
Sabi ko "" Mama, may multo ata dito sa kwarto nyo! Nakailang baligtad ako sa higaan nyo,tapos biglang nalaglag sa paanan ko to!"" galit na galit ako mga bes. Haha. Kasi naman ako pa pinaramdaman eh. Haha! Yung mama ko ayaw maniwala, pero medyo natakot yung hitsura, baka daw nga kasi kinuha ng kapatid ko habang tulog ako. Pero imposible talaga, gising na gising ako nun. Totoo talaga siguro yung mga bantay sa bahay.Pero nuhhh, wag ako, nang-aaway ako eh. Hahaha kahit di ko sila nakikita at nararamdaman ko. Pero deep inside I'm scared. Dati naman yung speaker namin, humihina sya kahit nilakasan ko na, pag hininaan ko hihina ulit. E di nag galit-galitan nanaman ako, sabi ko "" Wag nyo kong ginaganyan ah, nananahimik ako dito."" Ang tagal ko nagdaldal nun para maibsan takot ko. Tapos nawala haha. Di na pinakialaman yung speaker. lol. Pero natatakot padin ako minsan sa bahay, lalo na pag mag-isa. Nararamdaman ko yung aura. Buti na lang di ako nakakakita. At sana wag makakita.
Hello na lang sa mga may hawak ng phone, ingatan po lagi ang phone ah. Baka itago ng alam nyo na. :)))
Ms. G
San Mateo, Rizal
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!