Bata

2.5K 40 1
                                    

BATA

Nasa byahe kami nun papuntang manila para magbakasyon. Nasa may bandang quezon na po kami around 2am. Maraming ginagawang kalsada nung mga time na yun kaya medyo mabagal pagpapatakbo ng mga driver ng bus. Nagstop yung bus para pagbigyan naman na makadaan ang mga sasakyan sa kabilang lane. At nung kami naman ang dadaan, dahan dahan ng gumalaw ang pila ng mga bus sa lane namin (Hindi po ako nun makatulog) Habang nakasilip ako sa bintana para bang may batang nakatayo sa gilid ng ginagawang kalsada at para bang may tinuturo ito. At sa mga oras na yun ay wala namang mga construction workers na nagtratrabaho dahil nga 2am na.

Pero di ko na pinansin at nakalampas na nga kami sa part nung maraming ginagawang kalsada. Dire-diretso na ang andar ng bus nang bigla naman itong tumigil at may nadaanan kaming kalunos lunos na aksidente. Isang truck ang tumagilid at ang mga sakay nito ay nasa kalsada at wala ng buhay. Bigla kong naalala ang bata dun sa dinaanan namin kanina. Di ko alam kung may senyales bang binigay yung nakita ko. Basta bigla akong kinilabutan.

edward

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon