Kamay ni Bunso

2.3K 46 0
                                    

Kamay at si Bunso

Hello po! I just want to share a story na nashare lang din sa akin. I'm not a good writer, so pasensya na kung di nyo masyadong maintindihan.

Kamay
Nung maghiwalay ang parents ko, dun kami tumira sa payatas temporarily with my father. Ang dami kong naging friends dun and one of them is Rex (not his true name). So, nakwento sa akin ni Rex yung kwento kwento tungkol kay Mia, isang batang babae na namatay nung kaarawan daw nya, same brgy lang din na tinitirhan namin. Medyo tactless daw si Mia. Bandang hapon nung birthday nya kinausap daw si Mia ng isang bisita nilang may kaedaran na at lasing. ""Mia halika, happy birthday sayo"" sabi nung lasing. ""Ayoko nga, ang pangit mo at ang baho ng hininga mo"" sagot ni Mia na pasigaw. Maraming nakarinig ng sinabi ni Mia. Umuwi yung lasing pagkatapos nun, ngunit bumalik din eto na may dalang itak at hinabol si Mia. Walang nakapigil kase daw lasing tapos may itak pang hawak. Si Mia naman, dahil sa takot, imbis na tumakbo papasok ng bahay tumakbo sya palabas. Dahil bata pa nga, naabutan sya ng lasing at walang pagdadalawang isip na initak si Mia. Unang natamaan ang kamay nito at tumalsik palayo. Natumba si Mia at dun na sya chinopchop nung lasing. Napakabilis ng pangyayari, hindi inakala ng lahat na dinibdib pala nung lasing yung sinabi ng bata. Sabe sabe hindi daw nakita ang isang kamay ni Mia na tumalsik. Pagkatapos ng libing, di nagtagal ay pumunta ng probinsya ang pamilya ni Mia.

Bunso
Sila Rex ay lima na magkakapatid, pero namatay yung bunso nila na si Jeff (not his true name) at the age of 5. Naglalaro lang daw ang mga bata nun kasama si jeff ng bola nang matamaan daw ito sa ulo. Nangisay daw si jeff tapos nahimatay and dinala sa ospital. After 3 days ay nakalabas na ng hospital si Jeff. Nilagnat daw eto, dahil nga kapos sa pera ay di na nila naibalik sa hospital ang bata dahil nga rin kalalabas lang nila ng hospital. Isang gabi, habang natutulog si Jeff, si aling Rosa (mama ni jeff at Rex) ay nagluluto ng hapunan. Movember 1 nun at marami ng nagpapaputok kase uso yung paputok noon at tyaka mga halloween costume. Nasa galaan sila Rex at nasa trabaho naman ang papa nila. Nang matapos si aling Rosa sa pagluluto at papatayin na nya ang gasul ng kalan na malapit sa pintuan ng CR nila ay biglang may nakita si aling Rosa na kamay na nakahawak sa pinto. Bali yung kamay nasa loob ng CR, nakabukas kase ng kaunti yung pintuan ng CR nila. Mga daliring nakahawak lang sa gilid ng pinto ang nakikita ni aling Rosa nun. Half of the hand is color red and the other half is black na parang kinulayan ng pintura. Akala ni aling Rosa eh gino-good time lang sya ni Rex kase nga halloween at may kulay ang kamay.

""Hoy Rex! Kanina ka pa ba jan? Etong batang to. Mag igib ka nga muna ng tubig para jan sa CR bago yang kalokohan mo. Ako pa tinatakot nito.""

Sabe ni aling Rosa at tinuloy ang pagpapatay sa gasul nang biglang mahulog ang kamay na nakahawak sa CR. As in nahulog talaga sa sahig. Napatili si aling Rosa sa gulat at dahil na rin sa nakita nya na kamay lang na putol, wala ng iba sa sahig. Nang mahimasmasan na sya, galit syang sumigaw.

""Anak ng! Ano ba Rex?! Balak mo bang atakihin ako sa puso ha?! Bata ka!"" sabay tulak nya ng pintuan. Dun na sya kinabahan ng walang Rex syang nakita sa madilim nilang CR. Tiningnan nya ang kamay at akmang pupulutin nang bigla etong gumapang gamit ang mga daliri nito papunta sa kwarto kung saan natutulog si Jeff. Dali dali si aling Rosa papunta sa kwarto, pagpasok nya naabutan nya si Jeff nakatayo at nakaabang sa pinto na para bang hinihintay talaga ang pagpasok nya.

""Jesus name! Jeff, anak. Nagulat ako sayo. Bat ka ba nakatayo jan?"" gulat na sabi ni aling Rosa.

""Hehehe hinihintay po kita ma. Di ko kase maakyat ang bintana, may kumakaway po sakin"" sagot ni Jeff.

"" Hindi! Hindi! Walang kumakaway sayo!"" galit na sigaw ni aling Rosa.

Nagulat si Jeff sa inasta ni aling Rosa at akmang iiyak na. ""Mama saglit lang naman. Titingin lang kung may nagpapaputok"" pakiusap ni Jeff.

""Sige, saglit lang ha. Pagkatapos kakain ka at matutulog na"" konsensyang sagot ni aling Rosa.

Binuhat si Jeff at tinungtong sa bintana ng kwarto nila, pagkatapos ng ilang minuto, nahimatay eto at binawian ng buhay.

Maraming nagsasabi na baka ang kumakaway kay Jeff ay ang kanyang sundo, meron ding nagsasabi na kamay yun ni Mia, nagpaparamdam at naghahanap ng makakasama.

RAMZKIE

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon