Bahay Engkanto 1
Hello nais ko lang share to.
Based on my experience totoo talaga to.
Back in 2014, may liga sa barangay namin nang bigla nalang akong tinawag nang papa ko, para tulongan yung asawa nang pinsan ko nang pumunta na kami sa kanilang bahay nakita ko sya na sumisigaw na ""indi nyu ko pagdal.a"" ilonggo term for ""wag nyu akong dalhin"" agad-agad namin syang binuhat palabas limang katao ang bumuhat sa kanya pero parang ang bigat di naman sya mataba sobrang payat naman siya tapos narinig ko naman syang nagsalita nang ""papa buligi ko kuwa.on ko nila sang mga nakaputi apat sila"" tagalog ""papa tulongon nyu ako kukunin nila ako apat silang nakaputi"" nang bandang nasa paradahan na kami nang nang tricycle ni isang motor wala talagang nakaparada tsaka ako tumakbo sa akin tito upang humingi nang tulong sumigaw agad ako nang emergency,emergency kung pwede ba niya kaming tulongan dalhin yung sasakyan niya. Dali-dali namin syang isinakay para umalis sumama ako tsaka yung isa ko pang tita at yung asawa nya dala ang 3 nyang anak pero may problema kami kaunti nalang gasolinang natira kaya pumunta kami malapit na gasolinahan tapos dumating yung isa ko pang tito sinabihan kami na ilipat sa sasakyan niya pero di namin magawa kasi nataranta na kami tsaka mabigat rin sya. Nang bumabiyahe na kami agad naman siyang nagsalita na ""palayo kamu indi ko mag-upod sa inyu"" lumayo kayu sakin di ako sasama sa inyu""
Biglang nagsalita yung tiyo ko sabi niya kung ano daw ang nangyari bakit nagkakakaganyan siya sabi ko naman di ko rin alam eh. Nagsalita ang asawa niya na bigla nalang syang natumba tsaka nangisay tapos nagsasalita nang kung ano-ano. Nagsalita ang tito ko na saan sya natin dadalhin sabi ko dun sa papa niya sa talisay sabi ni tito bakit di sa ospital baka nabaliw nayan. Bigla natahimik at sumabat yung tita ko sundin nalang natin kung anong gusto niya. Nung papunta na kami bigla kong kinarga yung bunsong anak nila at nagsalita na ""palayo kamu kay papa"" lumayo kayu kay papa. Nabigla ako na para bang mayroon siyang nakikita at itinataboy. May 2 truck na nasaunahan namin karga2 ang mga tubo. Nakatingin ako sa goma niya at may nakasulat na ""Tsamba mo lang"" bigla akong kinilabutan kasi nga parang kaming sinusundan. Hanggang sa nakarating na kami na parang compound nung pamilya nila mag-aalas 8 na nang gabi nun kaya tulog na mga tao dun malapit narin yun sa bukid. Bigla akong lumabas tsaka sumigaw na tulong,tulong dito. May gate sila na gawa sa cyclone wire pero may konting sira sa gilid hanggang sa narinig ako nang kanilang pamilya sabi ko asan po natin sya papasukin sabi nung isa na ipasok mu dyan sa sirang cyclone. Namangha ako kasi maliit lang talaga sya pero naipasok pa namin hanggang lahat kami nakapasok na pumunta kami sa bahay nila pero naiwan yung tito ko sa sasakyan agad ko syang binalikan lumakad ako medyo malayu pa may nararamdaman akong malamig na hangin na humahaplos sa likod ko ginawa ko kumanta nalang hanggang sa makarating ako sa tito ko. Ginawa naman namin naghanap kami nang daan na maayos para makalapit sa bahay nila tsaka naman dumating yung tito ko pang isa na dala2 yung iba pa naming tita. Dali2 kami sa bahay nila nakita ko na pinapagalitan siya nung papa niya sabi na ""Abi ko baskog ka nga.a nangayu ka bulig sakun haa.?"" Akala ko matapang ka bakit nanghingi ka sakin nang tulong. Tsaka dinasalan nya yung anak niya at inihipan yung tenga niya biglang nawalan nang kuryente at naghangin nang malakas tapos biglang bumalik yung kuryente at nakita namin may lumabas na ipis,butiki mga insekto sa tenga niya. Ang papa pala niya ay isang ""sorano"" o mangagamot parang di ako makapaniwala kasi first time ko naexperience yung sabi nung papa niya na buti di nyu dinala sa ospital kasi kung naturukan siya nang gamot patay ang kahihinatnan niya may napulot pala syang isang maliit na bote na buhangin kasi construction worker yung trabaho niya tinago niya tsaka nung gabi binuksan niya at inamoy mabango daw at ilang minuto pa bigla syang natumba dapat daw nyang itapon. Para bang pilit kami pinipigilan nung mga engkanto kasi nung una biglang bumigat pangalawawalang motor pangatlo walang gasolina pang-apat iba ang dinaanan namin panglima yung word na chamba mo lang pang-anim yung cyclone wire na maliit. Di pa po to tapos may iba pa akong experience 2015 ikkwento ko naman yung namatay si papa niya.
Dan
Bacolod City
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
