Lasing

3.6K 78 0
                                    

Lasing

OH PARA TO SA MGA MAHILIG MAGLASING DYAN!

Sariwang sariwa pa to, kagabi lang. Mga past 10, nagstart yung party nung kaibigan nung kaibigan ko. Napasama lang naman ako kasi ako lang yung pinagkakatiwalaang kaibigan nung mama niya. Edi siya, sige, cheers dito, cheers doon, kahit kaninong babae, cheers siya.

Lumapit sakin yung nagpaparty, let's call her Rina.
""Alalayan mo si Red (kaibigan ko), nakakakita yan pag lasing haha"" Sabi niya.
""Nakakakita din naman yan kahit hindi lasing wahahaha"" Biro ko.

""T*nga! Siyempre, I mean yung alam mo na""
Sabi niya, umalis na siya. Tango tango na lang ako kahit di ko alam.

""PARE! T*NG*N* MAY CHICKS DON G*G* PARE ANG GANDA TINGNAN MO!"" Halos kaladkarin niya ko papunta dun sa chicks na tinutukoy niya.

""Hi miss, si Hans nga pala, kaibigan ko."" Pagpapakilala sakin ng lasing kong tropa.
""Uhm, hi, I'm Dezza."" Kinamayan ko naman, maganda nga siya pero parang mahiyain.

Nagkwentuhan kaming tatlo, habang si Red kung ano ano ng pinagsasasabi dahil sobrang lasing na siya, as in.

""Bakit?! Ano bang pake mo?!"" Biglang tumayo si Red, nagulat kami ni Dezza dahil bigla na lang siyang sumigaw e wala namang kausap.

""E t*rant*d* ka pala, kita mong kausap ng kaibigan ko diba?!"" Natatawa lang ako nung una dahil mukhang sinapian ng sampung alak si Red, pero nung sinabi niya...

""T*ng*n* mo, patay ka na ah!"" Naalala ko yung sinabi ni Rina. ""Alalayan mo si Red, nakakakita yan pag lasing haha""

Biglang nagulat din si Dezza. Nakatulog naman sa kalasingan si Red.

Fast forward, nasa sasakyan na kami.

""T*ng*n* pre, angas ni Don kanina!"" Nagulantang ako sa sinabi niya.
""T*nga! Sino tatakutin mo?!"" Kunwari nagtanong tanungan ako pero medyo kinikilabutan na din ako.
""G*G* KA BA?! HA?!??! BAT KITA TATAKUTIN HA?!! EX NI DON SI DEZZA. T*NGA KAYA TAYO NILAPITAN KANINA!! TAKOT TAKOT KA DYAN G*G*! UMUWI NA NGA TAYO!"" Astang magdadrive na si Red, sabi ko, ako na lang.

Nung pauwi na kami, bandang Daang Hari.
P*t*, pakiramdam ko, ang tagal ng byahe namin. Hindi rin tumatakbo yung oras, tapos wala na kaming nakakasalubong na ibang sasakyan. Biglang may lalaking dumaan, hininto ko yung sasakyan para padaanin siya. Ang bagal niya maglakad pero hindi naman siya matanda, binusinahan ko siya. T*ng*n*, pagtingin ko duguan yung mukha. Mangiyak-ngiyak ako sa takot p*t* si Red, tulog na tulog. Kinuha ko na yung phone ko tapos pinaandar ko na yung sasakyan namin, nasagasaan ko yung lalaki pero wala naman akong narinig. Tinawagan ko na yung ate ko, sabi ko pasundo na kami....

Put*, ayoko na nga, takteng yan.

Driver

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon