PUTING KRUS
May hindi inaasahang pangyayari na halos naging isang bangungot ng mga tao rito sa'ming probinsya. Sino bang mag-aakala na iyon na pala ang huling sandali na makikita ko ang anak ng kapitbahay namin na katatapos pa lang ng kolehiyo.
Taong 200*. Pagadian to Bayog ang route nung bus. Parte ito ng Zamboanga del Sur, ang nasabing lugar. Puno ang bus, maraming pasahero, may mga bata, matatanda, katatapos lang ng kolehiyo, may highschool, galing trabaho, buntis, yung iba pauwi sa kanilang pamilya at kapapanganak pa lang.
Habang tinatahak na ng sasakyan ang mahabang kalsada, may malaking sasakyan ng tangke na umuusok sa unahan. Pwede naman sana silang dumiretso na lang at 'wag ng makiusyoso pa pero huminto 'yung driver at nakiusyoso kung ano ang nangyari. 'Yung mga pasahero naman nakiusyoso rin. Hindi nila alam, 'yun na pala ang huling oras na makikita at masisilayan nila ang mundo dahil ilang minuto lang ang nagdaan... biglang nagkaroon ng malaking pagsabog! Sumabog 'yung tangkeng sasakyan. Sa sobrang lakas ng pagsabog na ginawa no'n, gumuho ang lupa at nasali ang ilang malalapit na bahay na nando'n.
Naging laman iyon ng balita sa ABS CBN, ang pagsabog na nangyaring iyon. Ang mas nakakaawa pa, ang lahat ng pasahero nung bus walang nakaligtas. Patay silang lahat. Nagsikalat ang mga hiwa-hiwalay nilang katawan, ang iba ay nagkadurog-durog at wasak ang mga lamang loob, nakasabit sa mga puno at poste ang mga kamay at bituka, biyak na ulo at labas ang mga utak. Hiyawan at iyakan ang mga pamilyang naiwan at nalaman nilang isa sa myembro ng kanilang pamilya ang nasawi sa bus. Ang mas malala, kanya-kanya silang hablot ng mga patay na katawan na nagsikalat sa daan para lang may maiburol. Ang iba nga, pinagkikilo na parang karneng baboy at ibibigay sa pamilyang nawalan para may maiburol lang. 'Yung kapitbahay namin, puro kaliwa ang paa niya at wasak ang bituka. Ang mas nakakaawa ay 'yung mga katawan na walang nagclaim dahil hindi alam ng kanilang pamilya sa ibang lugar na namatay sila.
Naging isang bangungot ang pangyayaring iyon sa buhay namin. Takot at awa ang lumukob sa'min ng mga sandaling iyon. At tuwing gabi, ang napapadaan doon sa lugar na kung saan nangyari ang pagsabog na ngayon ay nilagyan ng malaking puting krus, may nagpaparamdam doon. Sumisigaw, humihingi ng tulong at umiiyak. Kaya sa tuwing dumadaan ang mga sasakyan sa kalsadang iyon, bumubusina sila at nagtatapon ng barya do'n sa malaking puting krus.
Kaya sa tuwing bumabyahe tayo, 'wag kalimutang magdasal at humingi ng proteksyon sa Diyos. Prayer is the most powerful weapon.
GodIsFaithful

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!