PARI
"Etong story na isheshare ko ay hindi sakin nangyare kundi sa bunso naming kapatid. Nangyare ito this 2016 lang nung Jan. 8, last night na namin sa probinsya. Nagbakasyon kasi kami sa province ng papa ko then nung time na yun ay last night na namin dun sa province namin kaya magkakasama kaming lahat nang mga kalaro naming mga bagets sa province at kasama rin mga pinsan at mga pamangkin namin doon sa isang bahay ng tito namin. Around 7 ng gabi nung naglalaro kaming lahat sa bahay ng tito namin. Naglalaro kami ng pasan pasanan tapos naghahabulan kaming magpipinsan tapos naglaro rin kami ng tagutaguan tapos pinapatay namin yung ilaw sa buong bahay kaya madilim tapos sa labas sa may bakuran din ng bahay ng tito ko ay madilim din kaya napakadilim sa paligid namin kasi palayan na yung nasa gilid ng bahay ng tito ko at patay na rin mga ilaw sa mga kalapit ng bahay nila pero hindi naman kami natatakot kasi sa loob ng dalawang linggo namin doon ay wala naman kaming naeexperience na nakakatakot. Kaya enjoy na enjoy pa kami nun kasi wala rin mga tito namin doon sa bahay nila kasi nasa kabilang bahay sila, doon sa tita namin gumagawa ng pang pasalubong namin pauwi sa maynila kaya kami lang mga pamangkin nila ang nandoon. After namin maglaro nagpahinga na muna kaming lahat, natapos kami ng mga 8 na.
Tapos tinawag na kami ng tito ko para kumain na daw. Nung nandun na kaming lahat sa kabilang bahay sa bahay ng tita ko ay nagkwento mama ko samin after namin kumain, sabi nya may nakita daw pari yung kapatid ko doon sa bakuran ng tito ko tapos nung narinig namin yung halos lahat kami natakot kahit parang napaka simple lang ng nakita ng kapatid ko. Sabi ng mama ko after daw namin maglaro doon sa bahay ng tito ko, yung kapatid ko ay nagduyan muna sa labas ng bahay sa may bakuran kahit madilim kasi di naman yun matatakutin. Tapos kaming magpipinsan ay nagpuntahan na daw nung time na yun sa kabilang bahay sa bahay ng tita namin kaya ang kasama ng kapatid ko doon sa bahay ng tito ko ay yung tito ko lang na nasa loob ng bahay nila at nanonood ng tv. Nagulat daw tito ng biglang pumasok sa loob ng bahay yung kapatid ko at pinagsasara lahat ng pinto sa bahay nila (dalawa kasi pinto sa bahay nila) tinanong sya ng tito ko kung anong nangyare tapos sagot ng kapatid ko may PARI daw sa labas tapos yung mukha daw ng kapatid ko ay takot na takot at nagtalukbong ng kumot.
Natakot kaming lahat kasi yung kapatid ko ay di yun nagkikwento kung hindi nya talaga naexperience. Kaya tinanong ulet namin sya sabi nya nasa duyan daw sya nagpapahangin tapos may nakita syang nakasuot ng pangpari. Ehh wala naman masyadong tao sa lugar nila nung time na yun kasi mga tulog na, kami kami na nga lang ata gising nun ehh hehe. Di naman natatakot kapatid ko sa Pari. Sabi nga namin baka nabulabog namin kasi nga ang ingay naming magpipinsan. Kinabukasan nagkwento sakin kapatid ko na napanaginipan nya daw yung pari.
Ganun kapatid ko pag may kinakatakutan ay napapaniginipan nya. Sorry kung medyo mahaba. Thanks sa pagbabasa."
M&M
Quezon City
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!