Yosi

2.5K 60 2
                                    

Itong susunod ko na story also took place during my college days sa isang Hospital sa may Trece Martires, Cavite. By the way sa mga hindi nakabasa ng first story ko, dati po akong nursing student.

Night shift ulit kami ng team ko (10pm-6am). Nakadestino kami ngayon sa Emergency Room. Buhay na buhay ang area namin dahil nung gabi na iyon ay madaming sinugod gawa ng food poisoning so kami ay busy talaga sa dami ng kailangan i-attend na pasyente.

Around 1am nagbreak kami ng grupo para kumain, naging tambayan namin noon yung labas ng morgue ng hospital kasi kakwentuhan namin yung embalsamador doon. At doon kami nakakapag yosi kasi sa may bakuran yun ng hospital so may pwestuhan kami para makapag sigarilyo. Around 1:30 yun dahil kakatapos lang namin kumain sa canteen. Hinanap namin yung tropang embalsamador dahil wala kaming lighter ng mga tropa ko. Wala sya noon at buryong buryo kami kasi bawal kami lumabas ng hospital dahil madilim na sa daan at di naman kami taga doon. So ang eksena naghanap kami ng mga may lighter kahit gwardiya wala din panindi. Hanggang hopeless na, bumalik kami ulit doon sa may labas ng morgue, baka nandoon na yung embalsamador kaso wala.

Hanggang may isang lalaki ang lumapit sa amin at nagtanong kung may yosi daw kami, sabi ko oo madami hahaha. Binigyan namin siya ng dalawa, sabi ko pang extra kasi magtatime na at duty ulit kami, baka wala sya mabilihan sa labas. Hiniram namin yung lighter nya tapos habang nagsisindi kami ng yosi naglakad papasok ng ospital yung lalaki, mga 1:45am yun. Eh syempre di kami makakapasok dahil nagyoyosi kami so sabi ko hahanapin na lang namin yung lalaki sa loob, maliit lang naman yung ospital. Pagkatapos namin magyosi pabango muna para di amoy, naglakad na kami pabalik sa loob. Hinahanap namin sa lobby yung mamang nagpahiram ng lighter kaso di namin nakita.

Nang pabalik kami sa ER may isang pasyente ang DOA (Dead on Arrival), nakatakip na ng kumot yung katawan at mukha. Ako ang inutusan dalhin sa morgue para malinisan na yung bangkay so ako naman normal na yun sakin. Dinala ko ng morgue, saktong sakto nandoon yung tropa namin na embalsamador. Sakto makakapagyosi muna ako pero nakipagkwentuhan muna sya sakin habang inaayos nya yung mga gamit. At habang binabasa ko yung record ng pasyente na patay na, nakasulat doon 1:30 dumating at namatay yung pasyente, may emphysema at COPD (sakit sa baga) patient pala at ang cause of death ay heart attack. Nung binuksan ng embalmer yung kumot laking gulat ko na yung patay ay yung nagpahiram samin ng lighter! Ang malupit pa dun, nasa bulsa ng polo nya yung dalawang yosi!

Simula noon, madalang na hanggang sa hindi na ako nagyosi.

Takasu Ryuji

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon