Baliw na si bess
hi admin sana mapost tong kwento lang sakin ng bestfriend ko
😄. Madami na syang kwento sakin kababalaghan,but eto lang talaga yung naging kakaiba. mga readers wag nyo po akong raratratin si bess na lang hihi joke! basta ano man po mabasa nyo,its up to you kung maniwala kayo or hindi,basta nasa side ako ni bess. so ito na nga ang kwento.
Month of August daw yun(di ko na tanda yung exact date) nang nagpabili daw si mudrakellss ng mantika kay bess. hindi naman kalayuan ng tindahan,tas nung pabalik na sya,dun kasi sa gilid ng bahay nila,may malaking puno ng sampalok,tas napatingin sya dun,may nakita syang nakauniform na pang private school (halata na naman kasi yun pag private) na lalake. dinescribe nya sakin nung kinukwento nya,medyo chinito daw ang mata,matangkad,at eto pa walang ano mang bahid ng dugo sa mukha,basta malinis hindi pati transparent ang katawan na gaya ng karaniwang nakikita nya. balik tayo dun sa nakita nya yung boy,nung napatingin sya dun,umiwas daw talaga sya ng tingin kasi ayaw nya na maulit yung past na nangyari sa kanya (saka ko na ikrkwento yung past na yun,super nakakaawa lang si bess) tapos napaisip si bess nung binubuksan nya na yung gate nila na ""pano magkakastudent dito?? e napakabundok naman nitong lugar namin para magkaroon ng private skul"" tapos nagulat na lang sya nung may bumulong sa kanya na ""nakikita mo ko hindi ba??"" muntik na daw nyang mabitawan yung isang boteng mantikang pinabili sa kanya,at dahil ayaw nga nyang pansinin yung student boy,dedma lang nya kahit kabog na kabog na daw yung puso nya,basta diretso lang sya sa paglakad,hanggang sa bigla na lang daw sumulpot si student boy sa harap nya..as in napatitig sya sa mga mata daw nitong seryoso..at hinawakan daw sya braso at sabay sabi nung student boy ""nakikita mo ko wag mo ng ideny! sa laht ng taong tinitigan at hinawakan ko ikaw lang ang nagresponse!"" at dun,pinansin na ni bess si student..yung pakiramdam daw nya nun,hindi na takot,kundi pagkainis na daw,sinabi ni bess na tigilan sya,ayaw nya ng magulong buhay (si bess may kakayanan syang makipag usap sa mga spirits gamit lang ang mind nya,hindi na bumubuka ang bibig nya,okay lang na wag maniwala,iba iba naman kasi tayong mga tao) nung pag kasabi ni nun at nung paalis na sya,bigla daw sumakit ang ulo at dibdib nung student..dahilan na nagpatigil sa paghakbang ni bess..pero tiningnan lang nya daw ito,at pumasok na sa kanilang bahay kasi mas matatakot daw sya sa ratrat ng mudrakells nya kasi nga yung pinabibiling mantika..
tapos nun,nung naibigay na daw nya yung mantika,nakita na naman daw nya yung student sa salas nila nakaupo,at parang daw bisita kung umasta..nung time daw na yun wala ng takot pang nararamdaman si bess,agad syang pumunta sa isang kwarto nila at dun nanalangin..pero nung pagkamulat nya,katabi na daw nya yung student! at ang sabi daw nito ""hindi ako masama,kaylangan ko lang ng tulong mo"" snob lang daw nya ulit hanggang sa matulog sya. lunes na,saka lang nya nakwento yung about dun,at habang nagkekwento sya,iritang irita sya dun sa may pinto..tinanong ko kung bakit,yun naman pala sumunod yung student boy sa skul namin..oo sumunod kay bess..tas sabi nya yamot na yamot sya kasi nga ayaw syang tigilan..hanggang sa nag advice ako na pag isipan muna baka pwedeng tulungan ang kagaya nila. tinanong ko pa sya nun kung natatakot pa sya sabi nya ""oo natatakot akong baka gumulo ang buhay ko Na naman dahil sa mga gaya nila..pero di ako natatakot physical appearnce nya,malinis syang tingnan,pero yung I.D lace nya malabo na at wala ng I.D pang nakasabit,pero nakita ko yung mala toxido nyang uniform may name sa kaliwa na ""Rafaell"" at sa baba nung name may nakalagay na ""SHS"" it means na senior high na sya! at kaninang umaga nung kakain na ko,alam mo sabi nya sakin?? gutom na daw sya?!!?"" that time na nagkekwento sakin si bess,nattawa na din ako,di ko alam kung maniniwala nako o maluluka! pero syempre sa side na pa rin nya ko.
yun yung unang kwento sakin ni bess(kasi naging busy na kami sa skul activities,pero alam kong nakasunod pa rin lagi si ""Raf"" kay bess) at ang huli nyang kwento ay nitong oct.19. kinwento nya sakin lahat ng nangyari at mag pinag usapan nila ni Raf.
""august diga nung unang kwento ko about kay Raf. Sinunod ko yung sinabi mo sakin na pag isipan ko na pwedeng tulungan. tinulungan ko sya,kung anong kaylangan sakin,sabi ni raf-raf sakin nung daw hinawakan at tinitigan ko daw nung una kaming magkita,may naalala daw sya,takbo daw sya ng takbo na parang may humahabol sa kanya,tapos ang tanda nya parang nasa malapit sya sa high way,at nung pagod na sya kakatakbo,parang daw may tumulak sa kanya,dahilan ng pagkabangga nya. naguluhan ako,yun pala walang maalala si Raf sa past na nangyari sa kanya,maraming tanong si raf sa isip nya na bakit sa ating probinsya sya napadpad..at nung bago daw sya mapadpad dito,nasa madlim syang lugar at may makapal na boses daw syang naririnig sinasabi na ""patayin mo ang taong makakakita sayo,para makabalik ka sa katawan mo"" pero di nya daw yun intensyong gawin sakin..tulong ko daw ang kaylangan nya,tulungan syang maalala yung past na nangyari sa kanya,kung taga san sya,at anong buong name nya and parents nya. ang ginawa ko agad nun kay Raf tinitigan at hinawakan yung kamay nya besshhy..kasi parang awa na yung naramdaman ko..nung time na yun ewan,parang may spark akong naramdaman..biglang dating naman ni ate sa kwrto kaya agad akong nagtransform like a normal..natawa sakin si Raf nun..Timeflies besshh..kasama ko sya lagi,datnan man ako ng period ko andyan sya hahaha! yamot ako,andyan sya,maliban sa pagtulog at ligo haha syempre. pag may quiz tayo,lagi nyang sinasabi pagmababa daw ako ililibre ko daw sya ng stick o,kaya pag hapon madalas akong nabili nun,pero di ko kinakain,at sya ang lumalamon kahit walang bawas yung pagkain sa paningin ng karaniwang tao,sa paningin ko nauubos nya,ang wierd talaga beshh. Hanggang sa sumapit yung birthday ko September,gabi nun,nasa hagdan kami ni Raf..iniintay ko kuya ko nun kasi may binili daw para sakin. habang hinihntay namin,may binigay sakin si raf-raf..bracelet na white sabi nya kami lang daw makakakita nun,made yun sa tela..tas sinuot nya sakin sabay sabing happy birthday *name* sabi ko ang wierd naman tayo lang ang makakakita,pero maganda naman,ganto pala ang mga type mo made in tela haha..biglang napatitig sakin si Raf raf..may di ako inaasahang maririnig sa kanya,sabi nya,.....GUSTO KITA..mahal na yata kita..
that time,tameme ako,at bigla syang nataranta,na wag na daw akong magsalita kasi alam na daw nya ang sasabihin ko,at yun bigla syang naglaho kasi nahiya yata. alam ko sa sarili ko na nahulog din yung loob ko..pero pinag aaralan kong wag mahulog sa kanya. Umaga na,may pasok,akala ko di na sya bumalik,pero ang awkward namin,parang nakakAkaba,nahahalata na din ako ni mother sa kabaliwang nangyayari sakin. Ayun nga,bihis nako,pagkabukas ko ng pinto,may gwapo palang naghihintay sakin beesshhh! napatitig ako,bigla kong naisara yung pinto..ang awkward nung time na yun. pero di naman n@gtagal yung awkward na yun,kasi nung gabi,naglaro kami ng bato bato pick! at dahil di na naman naalis yung mga tao sa bah@y namin,pinagbigyan ko at may wish kung sinong unang makarating sa may gate namin. mukhang ewan ako nun besshh kasi sa totoo lang sa paningin ninyo wala akong kalaro nun,buti na lang wala ng taong nadaan. Sya yung nanalo sa laro,at yung wish nya sabi nya kalimutan ko na daw yung sinabi nya nung b-day ko yun lang yung paraan para daw mawala yung awkward..at para manatili lagi sa tabi ko. ngumiti lang ako sa kanya. then nitong october napapadalas yung pagsakit ng ulo at dibdib nya,at may mga naaalala na sya,ang pinaka ayaw kong naalala nya ay,komatos sya,pikit daw sya nun pero may mga naririnig syang nag uusap,boses babae daw ito at lalake,sabi ""doc kelan po ba magigising si rafaell??"" sabi dw nung doc ""komatos po ang anak nyo"" at yun,sobra akong nalungkot,imbis na ikatuwa ko kasi possible buhay pa sya. Agad akong nagtanong kay melany,na possible bang bumalik ng kusa yung kaluluwa sa katawan na komatos lang?? oo,pwede daw pero...sapagbalik sa katawan nya,wala syang maaalala nung syay nakahiwalay sa katawan nya. Parang lalagnatin nako that time,ewan ko ba,wala akong sinayang na panahon,umamin na din ako kay Raf na gusto ko na rin sya..na nahulog na yung loob ko sa kanya..sobra sobra yung ngiti nya,alam ko sa sarili ko na hindi pwede..di ko masasabing naging kami,pero basta naging masaya kami sa panahong magkasama. nung nalaman ni raf na wala syang maaalala sa past naming dalawa,hinawakan nya yung kamay ko at tinignan sa mata sabay sabing pipilitin kong maalala ang pangeet mong mukha. Dumating na yung araw na ikasisira ng puso ko oct.19.may pasok nun,pagsilip ko sa sofa,wala na yung raf na nakahiga,wala ng raf na sasaby sa pagkain ko,wala ng raf na kasabay kong pagpasok at pag uwi. wala na yung lalakeng di ko aakalain na mamahalin ko!""
ako ulit to si sender,yan yung kwento ni bess nung oct19 iyak sya ng iyak sakin..
yung melany na nabanggit nya,di ko sya kilala,pero noon ko pa naririnig yung name na yun sa kanya.
Paulit ulit kong pinakwento yun kay bess,nung 19 and 22 kaya paulit ulit din syang umiiyak nagamit nya na yung panyo ko kasi wala ng mapaglagyan ng luha nya.
balak ko talagang ishare to dito,at saka ko sasabhin kay bes pag napost na. sorry bess,alam kong heartbroken ka pa,nagandahan lang ako sa lovestory mo,magiging okay ka din,kasama mo pa ko,aasbaran kita pag dika nakamove on! haha labyuuu naman. bata pa tayo g10 palang tayo,kung kayo talaga,maaalala ka nya.
sorry kung napahaba! magulo man ng konti,sinikap ko talagang ichatdown yung kwento ni bess. Salamat sa pagbabasa.
bestfriends
batangas city
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
