House For Rent

5.1K 100 4
                                    

HOUSE FOR RENT

3 years ago na nung mangyari to. Naghahanap kami ng malilipatan na house that time kasi pinasok ng magnanakaw ung apartment na tinutuluyan naming magkakapatid. Talagang tinaob ung buong bahay that time so nagdecide kaming lumipat. Until nakahanap kami ng bahay, may kalakihan din, up and down, maluwag ung sala, pati kitchen super luwag din. Tas ung bintana sa kitchen natatakpan lang siya ng screen at may nakapatong pa ulit na screen na kulay green. Kitang kita ung mga puno sa likod tas kapitbahay na school, yep ung likod ng bahay na un school siya. Dun sa hagdan paakyat meron siyang storage room na maliit, sa baba parang ung kwarto ni harry potter sa ibaba ng hagdanan, ganon na ganon siya.

So ayun na nga sa taas may dalawang kwarto, isang napakalaking masters bedroom (Kwarto namin ni kuya ko). Sa pinto sinabitan ko siya ng nakabalot na malilit na birhen ng Manaoag bale 4 un, tas ung kabilang room (Room ng ate ko at asawa niya) may terrace siya, paharap mismo sa school. Kaya pag gabi mejo di ko gusto ung vibes sa kwartong un, tas tabi ng room nila ate ung bathroom. So ayun na nga first night namen na matutulog dun, nag invite ako ng 2 friends tas ung gf ng kuya ko, inuman konti tas soundtrip. Natapos kami mga bandang 1:30am na un, dun na din nakitulog mga kaibigan namen pati gf ni kuya, kanya kanya na kaming higa nun. Pindot sa doorknob tas nilock ko din ung double lock sa loob. Pumwesto ako sa may pinto hanggang sa nakatulog na ko, nagising ako bigla mga 2:30am kasi ung pinto nagbubukas sara, as in bubukas siya dahan dahan tas biglang sasara na may kalakasan din. Paulit ulit un, pinagmamasdan ko kung titigil, siguro nakatingin ako for 10 mins kaso hindi siya tumitigil. Hanggang sa ginising ko na mga kasama ko sa kwarto kasi natatakot na ko.

Lumabas si kuya at ung isang friend namin para tignan, baka napagtripan kami nila ate kaso ayun tulog na tulog sila sa kabilang kwarto. Tinanong ko sila kung may lumabas ba para umihi, sagot nila wala naman daw. Kung wala pano nabuksan ung pinto eh nakadouble lock pa nga un? T*ng*na napapamura na ko sa takot that time. Mga 3am sabi ni kuya back to sleep na so ako tumabi na sa kuya ko tsaka sa gf niya dahil sa takot. After 15 mins nakukuha ko na ulit ung tulog ko nang may narinig akong malakas na parang humampas sa pinto tas may nalaglag. Tanong ko sa gf ni kuya kung narinig niya un.. sabay tango niya. Inutusan ko siya na gisingin ulit si kuya, sabi ko "Kunwari mag ccr ka, magpasama ka. Check mo ung nakasabit na birhen, feeling ko un ung hinawi eh" so ginawa niya. Pagbukas nila ng pinto sabay tili nung gf ni kuya tas takbo sa tabi ko. Ung mga birhen nasa sahig na, putol na lahat ung ulo. T*ng*n* ung takot namin walang paglagyan. Umiiyak na ko sa takot. Nung lumiwanag na dun lang kami nakatulog ulit. Kinabukasan kinwento namin kila mama ung nangyari, sabi tinatakot lang daw namin mga sarili namin. After 3 days galing akong work, may friend ako na sinama, he's gay at gifted siya (I mean nakakakita). Sabi niya may mga nakatira daw nga dun na di namin nakikita, ung isa nasa kitchen, ung isa palakad lakad daw sa hagdan at dadaan sa pinto ng kwarto namin diretso sa banyo. Ung isa nasa terrace ng kwarto nila ate.

Mismong araw na un nagdecide kaming maghanap ulit ng bahay pero di kami agad nakahanap. Nagstay pa kami dun for one month. Gabi gabi kaming di nakakatulog kasi ung mga kabinet sa baba naririnig namin nagbubukasan tas minsan may humuhuni sa banyo t*ng*n* eto pa matinde. Nagsasalamin ako sa may banyo nung biglang may dumighay sa mismong tenga ko.. as in lahat ng balahibo ko nagsitaasan sabay takbo palabas. Tas si ate naman nagsasampay sa may terrace ng nilabhan nung biglang may umihip na malamig na hangin tas may bumulong daw sa kanya na parang nag orasyon.. di niya maintindihan ung language..

Salamat sa pagbabasa. First time ko magshare ng story kaya sorry kung di maganda pagkakasulat 😄 Salamat sa pagbabasa.

-Eros
Pasig City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon