MIRACLES ARE EVERYWHERE
Hi. Ako nga pala ay suicidal at depressed na tao DATI. Nung una nag overdose ako, muntikan na ko mamatay. Di ko na maalala kung bakit ko nagawa yun. Nangako akong di ko na uulitin yun. Pero sa halip na tuparin ko yun, lumala mga ginagawa ko. Nagsusugat ako tuwing depressed ako, kung minsan ay trip ko lang. Ang sama e noh? Tapos isang araw, sobrang lungkot ko, in short depressed. Ang tanging iniisip ko lang nun ay magpakamatay para matapos na, para di na ko nakakaramdam ng sakit. Pero mali pala ako.
Nag attempt ako magsuicide ako, overdose ulit. Dahil iniisip ko nun na wala nang nagmamahal sakin at lagi akong sinasaktan ng tao. Ayun nacomatose ako, 8 days. Sa walong araw na yun, may nilakbay akong kakaiba. Sa maniwala kayo o hindi, totoo po ito. Madilim, mapula na parang madugo yung paligid, may mga taong patay na, at may isang puno. Habang nandun ako naglalakad, may nadadaanan akong mga tao na para bang humihingi ng tulong tapos para silang umiiyak. So yun, naglakad lakad na ko hanggang sa nakita ko yung isang puno. May mukha siya, yung nakakatakot na mukha tapos yung mga sanga niya, matatalim. Sa mga sanga niya na yun, may mga taong nakatusok tapos hinahagis. Natakot ako nun. Lalo na nung nakita kong nakita ako nung puno, parang hahabulin niya ko. Ngayon ginawa ko, tumakbo ako palayo, takot na takot ako hanggang sa may biglang lumitaw na matanda, maganda, maputi, itim at straight ang buhok na babae. At inalay niya kamay niya, ginawa ko naman ay ibinigay ko kamay ko.
Simula nun, nagmulat ang mata ko at nagulat akong nasa ospital ako. Wala na ko sa pagka-comatose nun. Pagkagising ko, hilong hilo, naghahallucinate pa ako. Panay tulog ko, malabo pa ang mata, bulol pa magsalita, at mahina pa katawan dahil side effect din ng madaming gamot na ininom ko. After 3 days, bumalik na sa normal pakiramdam ko. Ikinwento ko yung nilakbay ko sa mga magulang ko, sabi nila na baka daw si Mama Mary ang nagpakita sakin. At nakwento din nila na habang tulog ako, nagparamdam daw ako kay mama ko. At dahil dun iyak daw sila ng iyak kasi sa pagkakaalam nila patay na ko. Dun ko narealize na isang milagro ang nangyare sakin, at binigyan ako ni God ng second life kahit napakalaki ng kasalanan ang nagawa ko.
Para sa mga nagtatangkang magpakamatay, wag na wag niyo po gagawin yun. Madaming pong nagmamahal sa inyo, lalo na si God. Isipin niyo na may pamilya at mga kaibigan na nagmamahal sa inyo. Ang buhay natin ay hiram lang, kaya alagaan, ingatan at mahalin natin ang ating mga sarili. Mag-isip muna tayo bago natin gawin ang isang bagay dahil di natin alam kung ano idudulot nito pagkatapos mo itong gawin. Kung depressed, suicidal, at kahit ano pang negative feelings yan, ang tanging gawin mo ay magdasal, magtiwala lagi kay God dahil siya alam niya ang nakabubuti sayo 😊
P.S. Di po sakin yung story, sa kaibigan ko po.
Qwertyuiop
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
