Tito

7.3K 155 5
                                    

Tito

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagkamatay ng aking tito, ilang araw lamang bago ang kanyang kaarawan Dec 16, 2012 dahil sa isang malubhang karamdaman.

Taong 2012, sa Cabuyao, Laguna

Sa mga maagang buwan ng 2012 ay nagkasakit ang aking tito, tila ba alam na nya na paparating ang karamdamang ito dahil May ng taong ito ay ipinaghanda nya ako para sa aking kaarawan.

""To, eto ipaghahanda kita, sulitin mo na kasi baka huling pahanda ko na yan sayo"" sabi niya ng may ngiti, ayon sa aking pagkakaalala. Di man halata sa kanyang pisikal na anyo na siya ay may sakit, halata ito sa kanyang kilos. Matamlay siya at halata ang napapadalas niyang pagliban sa kanyang trabaho.

Ilang buwan lamang ay na bedridden siya. Pansin ang malaking bawas sa kanyang pisikal na anyo. Namayat siya ng sobra, at ayon sa kanya nanlalabo daw ang kanyang paningin. Kaming tatlong magkakapatid ay hindi pumasok sa eskwela ng halos ilang buwan upang maghalinhinan sa pag aalaga sa kaniya. Si ate sa umaga, ako sa gabi. Sabi nga ng tito sa amin ay naaawa na siya sa amin.

""Nako, baka ikabagsak mo sa eskwela ang pag aalaga mo sa akin? Kaya ko naman, bakit hindi ka pumasok?""

Ngunit patuloy namin siya inalagaan. Ang pamilya ay mananatiling pamilya. Sa loob ng mga panahong ito ay maraming kakaibang pangyayari ang naganap.

Una. Ang lalaki.

Hirap nang tumayo ang tito. Wala na siyang ginagawa kundi ang mahiga sa papag, kumain at matulog. Isang araw, nagpaalalay siya sa terrace ng bahay upang sumagap ng sariwang hangin. Matagal ang tito sa terrace at pansin ang pagkabalisa at pagkatulala niya sa may tuod na pinagtataniman ng orchids ng aking lola. Tinanong namin siya ng ate ko,

""Tito bakit po?""

Sagot ng tito, ""May lalaki kasing itim dyan sa may malapit sa kahoy, nakatayo lang kanina pa, di umaalis.""

Napatingin kami ngunit wala kaming nakita. Napakusot na lamang ng mata ang tito at sinabing ""Lumalabo na nga yata ang mata ko"" at saka nagpatulong pabalik sa kanyang papag.

Pangalawa. Ang magkapatid sa likod bahay.

Hapon noon, mga alas 3. Nagsasalo kami ng tito sa tinapay bilang meryenda. Nakikipagkwentuhan ako sa kanya. Masaya siyang kumakain habang nakikipagkwentuhan, nang bigla siyang may hinabol ng paningin. Napalingon naman ako, nagtataka sa kung anong tinitignan ng tito.

""Tito ano po iyon?"" tanong ko sa kanya. Tila hindi naman siya makausap. Nakangiti lang at tango ng tango.

""Ha? Ah, may magkapatid kase, sabi nila gusto daw nila makipaglaro, pero nakabaon daw ang mga katawan nila sa likod bahay, pasabi naman sa ate mo pakihukay.""

Kinilabutan ako, nagtayuan lahat ng balahibo ko. Nagpanggap nalang ako na sinunod ang utos niya ngunit sa loob ko ay natatakot ako. Ilang araw din akong hindi bumisita sa likod bahay non.

Ikatlo. Si ""Mika""

Lubos na malubha na ang karandaman ng tito ng mga panahong ito, hindi na nakauupo at hindi na nakakakita. Payat na payat na rin siya at nahihirapan na magsalita. Nakahiga siya, habang pinapakain ng ate ng biniling sopas. Ako naman ay nakatabi sa ate, kinukwentuhan ang tito habang nakain ng chichirya. Biglang sabi ng tito,

""To, bigyan mo naman si Mika.""

Sabi ko naman ""Sinong Mika tito?""

""Si Mika. Yung babae.""

""Saan tito? Kapitbahay naten?""

""Hinde! Ayan o pabalik balik, kanina pa, naiinggit sayo. Bigyan mo naman.""

Napatingin ako sa ate ako at napatingin din siya. Nagtataka kami kung paanong nalaman ito ng tito, ngayong hindi na siya nakakakita pa. Napabitaw na lamang ako sa chichirya at nagsumiksik sa tabi ni ate habang kinukwento ni tito ang paghingi ni Mika. Nanginginig ako non sa sobrang takot.

Huli. Ang sundo.

Dec, ilang araw bago ang birthday ni tito.

Binibisita na siya ng kanyang mga dating katrabaho at kaibigan. Pati ang aming mga kamag-anak at kapitbahay ay bumisita na rin. Masaya at maayos ang aura ng aming bahay noong mga panahong iyon. Halata din sa mukha ng tito ang galak, kahit pa hindi na siya nakakikita, nakatatayo, o nakapagsasalita man lang. Lahat ay nabawi na sa kanya na tila ang tanging itinira na lamang ay ang kaniyang buhay.

Nagtagal ng ilang oras ang kasiyahan. Nang magsiuwian na ang ibang mga bisita ay naiwan ang aking mga pinakamalalapit na pinsan at ang mga kapatid ng tito. Si mama naman na noon ay nasa ibang bansa ay katawagan namin sa Skype, kinakausap ang tito.

""Utol, konting tiis nalang, uuwi na ako sa birthday mo, maghahanda tayo, magcecelebrate, para gumaling ka.""

Punong puno ng tuwa at pag asa ang mga mata ng tito. Unang beses niyang makatawagan ang mama simula ng magkasakit siya dahil laging busy si mama. Matapos ang tawag ay nagpasya ang mga pinsan ko na magsiuwian na. Magaan na ang pakiramdam ng tito at natulog na. Kami rin at ang lola ko ay natulog na.

12:00 PM.

May kumatok sa pinto ng tatlong beses. Nagising ako, at nakita ko din sila ate na gising pa. Kayat ginising namin ang lola.

""Lola may nakatok po.""

Sumigaw ang lola at sabi ""Maaga pa, saka ka na bumalik""

Pinilit kong matulog ngunit hindi na ako mahimbing pang muli. Matapos ang ilang minuto ay may kumatok muli ng tatlong beses. Mas malakas ito kesa nung una. Hindi namin ito pinansin gaya ng sabi ng lola. Ngunit sinundan ito ng tatlo pang malalakas ng katok sa kahoy naming pinto, tila galit na galit ito dahil nadagundong ang katok hanggang sa mga pader at bintana ng bahay.

Sabi ng lola ""Ikandado ninyo lahat ng pinto at bintana, walang iiwang bukas.""

Sumunod naman kami at matapos maikandado ang lahat ay tumahimik na. Nakatulog na kaming muli.

Alas sais ay nagising ako. Naiyak ang lola at ang isa ko pang tito sa tabi ng ngayo'y yumao ko ng tito. Hindi nabura ang ngiti sa kanyang mga mata at labi ngunit may patak pa ng luha sa gilid ng mga mata niya na tila ayaw pa niyang mamahinga. Matapos nito ay naiburol at nailibing na ang tito...

BTW, tatlong araw matapos mamatay ang tito ay nakatanggap ang ginagamit niyang cellphone ng isang blank text message mula sa ""My Number"".

Mahal ka namin tito. Sana ay maayos ka kung nasaan ka man ngayon.

The Nephew

LikeShow more reactions

CommentShar

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon