The devils Pass

2.6K 47 1
                                    

Pasensya na kung may kulang na detalye sa aking post. Isinalin ko lang poi to mula ingles – tagalog. 😊

Dahil February 2 ngayon, naghanap ako ng isang mysterious incident na nangyari ng mismong date na ito. Ito ay walang iba kundi ang misteryosong pagkamatay ng 9 na katao sa Northern Ural Mountain noong February 2, 1959.

Naganap ito noong February 2, 1959 sa Ural Mountain, Russia. Ang target na destinasyon ng 10 hikers ay ang Otorten, 10 kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente. Ang miyembro ay pinamumunuan ni Igor Dyatlov. Isang miyembro nila, Si Yuri Yudin, ang ibinalik sa kabayanan dahil sa masama ang pakiramdam. (Swerte mo brad)

Nang malapit na nilang marating ang Otorten, dumaan sila sa gilid ng bundok papunta sa bundok na pupuntahan nila. Dahil sa matinding snowstorm, nagpasya si Igor na mag camp kinagabihan at magpatuloy pagsapit ng umaga. Nangako si Igor na magpapadala ng telegram ng February 2 sa mga kinauukulan upang ipahatid ang kanilang kaligtasan. Inaasahan ng mga otoridad na magkakaroon ng kaunting delay dahil sa masamang panahon, at maaaring February 23 na matatanggap ang mensahe ng telegrama. Sumapit ang February 20 ngunit wala ni isa mang telegram ang nakakarating sa mga kinauukulan. Dito na nagtaka at nag-alala ang mga kaanak ng mga hikers. Nang araw ding iyon ay nagpadala ang Ural Polytechnic Institute ( Hindi ko alam kung sila ay mag – aaral o empleyado ng institute na iyon) ng mga volunteers upang hanapin sila,umahok na ang army sa paghahanap gamit ang mga sasakyang panghimpapawid. Natagpuan ng mga researchers ang camp ng Feb.26. Nagulat sila dahil walang tao sa tent. Ang tent ay nahati sa dalawa, hiniwa ito mula sa loob at nababalot sa labas ng snow. Natagpuan ang mga bakas ng paa,ang iba ay nakasapatos at ang iba ay yapak, papunta sa kakahuyan malapit sa camp. Ito ang natagpuan ng mga researchers:
2 katawan ng patay na tao, parehong naka underwear
3 katawan ng patay na tao na naka pwesto na animo’y pabalik sa campsite
Ang natitirang 4 na katawan ng mga hikers ay natagpuan 2 buwan matapos ang insidente. Hindi tulad ng mga naunang bangkay na kakaunti o halos wala nang suot na damit, ang apat ay naka damit panlamig, ang mga damit ay galing sa mga kasamahan nilang namatay. Ang isa sa mga ito ay kulang ang isang mata, nawawala ang dila, ilang bahagi ng labi at mukha, at ilang bahagi ng buto sa bungo.

Ilang teorya ang nagpapaliwanag sa insidenteng ito:

Avalanche- Ang grupo ay inabot ng avalanche habang natutulog sa campsite. Nang maramdaman na nagkakaroon na ng avalanche, dali – dali silang lumabas ng tent, kung kaya ang ilan sa mga katawan ay hindi naka damit panglamig.

Infrasound – Isang uri ng tunog mula sa lugar na iyon na maaaring magsimula ng panic attack sa makakarinig na tao.

Military Tests – May mga nagsasabing ang mga hikers ay biktima ng isang military experiments.

Paradoxical Undressing – Kapag daw ang isang tao ay nakakaranas ng matinding lamig, nalilito na ang utak, inaakala na mainit kung kaya ang ilang hikers ay naka underwear nang makita.

Lahat ng biktima ay walang sugat o kinakitaan na nanlaban o lumaban. Ngunit sa findings ng mga forensic experts (naks napa ingles na naman ako), ang internal parts ng mga biktima ang nabugbog ng masyado, kung kaya’t namatay agad ang mga ito.

Kaya sa mga mahilig mag – hiking dyan, ingat po kayo sa inyong pupuntahan.

Thanks admin!

P.S. Si Yuri Yudin, ang tanging hiker na nakaligtas dahil pinabalik siya sa kabayanan dahil nagkasakit, ay namatay nito lamang taong 2013.

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon