Mirror

1.7K 34 0
                                    

Magandang gabi sa inyo Spookifiers. I hope na mai-post ito dahil marami pa akong mai-shishare na creepy experience.

5 years ago, nag movie marathon kami ng mga friends ko sa bahay ng isa naming kaibigan. Napag desisyonan narin namin na mag sleep over since wala namang pasok kinabukasan. First time kong matulog sa bahay ng friend ko non. Mga 12 midnight na kami natapos manood then yung friends ko nakatulog na kaya ako nalang ang nag OFF ng TV. 20 minutes passed pero hindi parin ako makatulog, namamahay yata ako non. Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Maya-maya naiihi ako, so sinubukan kong gisingin ang kaibgan ko na may ari ng bahay pero hindi naman siya magising, mahimbing na yung tulog niya. Well ako, of course kailangan ng bumaba baka maihi pa ako no 😅 so bumaba ako mag-isa kasi nasa baba yung CR nila.

Tahimik at napaka dilim sa baba ng bahay ng friend ko, tanging cellphone ko lang ang tanging nagbibigay liwanag sa mga oras na yun. Nagmadali akong pumasok sa CR at binuksan yung ilaw. Nakahinga ako ng maluwang nung nakarating na ako sa CR. Pagkatapos kong umihi ay naghilamos muna ako ng mukha at para ma refresh yung pakiramdam ko. Pagkatapos kong sabunan yung mukha ko, humarap ako sa salamin na nasa loob lang din ng CR ngunit laking gulat ko nung hindi ko reflection ang nakikita ko.

Isang babae na mahaba ang buhok, nanlilisik ang mga mata at naka angat ang kilay. Natakot ako at nanginig ang buong katawan ko. Kinumbinsi ko ang sarili ko na imagination ko lang yung nakita ko at pumikit ako ng panandalian. Ngunit nung dumilat ako ulit, nandun parin yung babae at nakangiti ng nakakaloka.

Hindi ako nag dalawang isip na tumakbo paakyat sa kwarto ng kaibigan ko. Nagising sila dahil sa ang ingay ko raw. Kinuwento ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Guni-guni ko lang daw yun dahil sa sobrang kapapanood ko ng gore movies.

Binalewala ko nalang sila at yung nangyari but hindi ako nakatulog hanggang sa mag umaga na. The next day, back to normal. Nasa bahay na ako non pero hindi ko sinabi kina mama yung nangyari doon sa bahay ng friend ko dahil for sure hindi rin sila maniniwala. Hanggang sa mag gabi na ulit, hindi ko na iniisip ang mga nakakatakot na bagay. Nakatulog ako ng maayos but nagising ako kasi nauuhaw ako. Lumabas ako sa kwarto ko at kumuha ng tubig sa kusina. Pagkatapos kong uminol ng tubig, babalik na sana ako sa kwarto ko ngunit sa may bandang sala namin may nakasabit na mahabang salamin yung pang whole body mirror, then nakita ko na naman yung babaeng naka angat ang kilay at nanlilisik ang mga mata. Sumigaw ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako namamalikmata. Nagising sina mama pero bago pa nakalapit si mama sa akin ay nawalan ako ng malay.

Kinabukasan, pagka gising ko, nagulat ako dahil nakatingin sila lahat sa akin, sina mama at mga kapatid ko. Then kinuwento ko sa kanila pero wala lang silang reaction. It's either natatakot sila or hindi sila naniniwala.

Hanggang ngayon nakakaramdam parin ako ng mga ganoong bagay at parang hindi pa niya ako tinitigilan. Habang nagsusulat ako neto nararamdaman kong may nakatingin sa akin. I wish you luck kapag nagising ka in the middle of the night. One tip, wag kang tumingin sa salamin kapag gabi at magdasal, yan ang PINAKA IMPORTANTE. May continuation pa itong MIRROR if nagustuhan niyo.

Faye
SJDM Bul

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon