Apartment

3.6K 81 2
                                        

Apartment

Sa may Sta. Ana may inupahan ang nanay ko na isang apartment na katabi lang din ng apartment na inupahan namin at yun ay para maging staff house. Yun yung panahon na medyo malakas pa yung bilyaran namin. Kaya kumuha si Mama ng apartment para may matulugan yung mga pinsan ko na nagtratrabaho kay mama pati yung iba pang staff ng bilyaran.

Unang Yugto 2001:

Noong unang binuksan yung apartment para linisin, medyo kinilabutan na daw yung mga pinsan ko pagpasok pa lang nung apartment, di nila alam kung bakit. Pag akyat nila sa hagdan may salamin dun na nakatapat sa hagdan na medyo creepy at di na pinapaalis ng may-ari dahil nga daw luma na at isa sa mga orihinal na gamit sa bahay. Tapos edi akyat na sila para maglinis kaso pagpasok sa isang kwarto medyo mabaho daw, parang amoy patay. Tapos napansin nila na galing sa kabinet kaya tiningnan nila, nakalock daw kaya sinira. Pagbukas ng kabinet may isang daga, isang pusa at isang manok sa loob na patay na lahat at may gilit sa leeg. Di nila alam kung saan gaaling or para saan kaso medyo sariwa pa daw. Sabi ng isang pinsan ko baka inalay daw sa isang ritual.

Pangalawang Yugto 2001:

Mga ilang buwan na nakalipas pagkatapos nila linisin yung bahay. Yung mga pinsan ko pati ibang staff madalas mag inuman sa kwarto sa taas bago matulog nakagawian na nila yun. Pero isang gabi may palaro sa bilyaran kaya medyo late na sila nagsara at nakauwi. Dahil sa sobrang pagod na, napagpasyahan na nilang lahat matulog, pero itong isang staff namin di daw siya makatulog kasi ang ingay daw sa may hagdan. Parang may nag aakyat baba daw na mabigat ang paa. Itong pinsan ko naman medyo shunga, sabi niya wala daw yun baka pusa, pero yung staff namin tinatayuan na ng balahibo. Edi yung pinsan ko tumayo, titingnan daw niya. Edi lumabas siya ng kwarto. Nagulat siya kasi maingay nga sa may hagdan, sinilip niya. Nung pagsilip niya napansin niya na may babae sa may salamin. Hindi nakatayo sa tapat kundi nasa loob. Tapos natulala lang siya, di siya makagalaw. Bigla daw lumabas yung babae sa salamin tapos bumaba ng hagdan. Yung staff namin nasa likod pala ng pinsan ko at nakita din niya kaya dali daling hinilia niya yung pinsan ko. Simula nun dun na sila natulog sa bahay namin.

Madami pa to. Sa sunod ulit mga bes. Experience ko naman, kapatid ko at Lola ko.

Bunini

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon