Ang batang lalaki sa Cr

1.8K 28 0
                                        

Hindi ko na matandaan ang month at date pero ng yari ito noong ako'y grade 8 pala mang. Hayaan niyong ilahad ko sainyo ang pangyayari, hindi ako magaling mag kwento so sorry.

Nangyari ito noong saturday ng umaga bandang 6:00am, 3 kaming mag kakapatid at ang libangan namin ay ang mag puyat habang kumakain at manood ng movies or anime, tawanan kulitan at hindi mawawalan ng takutan. Palagi nila akong tinanong kung may nakikita o nararamdaman na naman ako sa kwarto ng aking kuya, pero ang tanging naisasagot ko lamang ay sa may hagdan may nakatingin saatin naka dungaw sa rehas (kapitan pababa o paakyat ng hagdan) hindi ko malinaw kung bata o lalaki or babae ang nakatingin saamin dahil hindi ko siya nakikita nararamdaman ko lang na may nakatingin saamin at kada baba ako ng hagdan para mag cr sa tuwing dadaan ako don parang may nadadaanan ako na malamig at nag sstay paito minsan sa may kaliwang braso ko na parang may nakahawak sa isang part ng kamay ko? Yung parang sa part nayon ang lamig at naka tayo ang balahibo ko. So eto na nakatulog ako ng hindi ko inaasahan dahil balak ko sanay di na matulog dahil may practice din ako sa school, isa kase akong pep squad sa public school ko at co-captain ako so ayon back to the topic. Pasado 5:00am ng nakatulog ako at naalimpungatan ako bandang 5:40, nagisngan ko na gising pa ang aking kuya at bunsong kapatid sila patuloy na nanonood ng anime na once piece (Fav namin), 5:50 ng mag desisyon akong bumaba na sa sala upang mag handa at maligo na. Niyaya ko sila na tara kuya, per baba na tayo samahan niyo ko sa baba dahil nga natatakot ako, ngunit sinabi lang nila na sige na mauna kana susunod kami sa baba, so i have no choice kundi bumaba na at tumungo sa sala. Bumaba nako ng hagdan at agad tumungo sa sala binuksan ang ilaw at kumuwa ng tuwalya then pumasok ako sa cr namin. Pag ka pasok ko ng cr insaktong 6:00 nilock ko ang pinto at ako'y nag simulang maligo, nag shampoo bag sabon nag banlaw, sabon again, conditioner then banlaw tas sabon ulit at banlaw na naman (ganyan talaga ko maligo) so eto na sa hindi inaasahan habang ako'y nag tutoothbrush at nakatingin sa salamin sa cr (nag palagay kase ako ng salamin para makita ko sarili ko habang nag sasabon ng muka at toothbrush) may humawak sa binti ko napaka lamig ng kamay niya kagaya ng sinabi ko sa isang part lang ng binti bandang muscle sa lukod ng tuhod?  Pa simple naman akong yumuko at hinawakan yon then nag buhos ng tubig, pag angat ko saking pag kakayuko at agad akong tumingin sa salamin para ipagpatuloy ang akin pag tutoothbrush
may nakita akong bata sa may likod ko, batang lalaki na maputi super puti bg kanyang balat, itim ang mga mata, bandang butas ng ilong at kanyang mga labi, naka full bangs siya kamuka niya yung bata sa the grudge na palabas ? Yung color blue? Ganon kamuka niya kaso ang pinag kaiba maputi ito at nakasuot ng damit oang espanyol, short long sleeve na puti? Na may abubot sa damit bandang mga butones at ang dulo ng sa braso niya parang ribbon chuchu na basta design eh parang yung sa costume ng clown? Yung parang paikot sa kamay non na alonalon na parang pabulaklak chuchu? Alam niyo naman siguro yon diba? So back to the topic. Gulat na gulat ako dahil umatras siya ng isang hakbang at yumuko then biglang nag laho sa sobrang pag kakagulat ko napa atras ako kung saan ko siya nakita kase sa salamin ko lang siya nakiya shempre sa palabas pag ganon nasa loob ng salamin diba ? So napaatras ako at natulala ng 5seconds then agad agad kong binuksan yung pinto kase nilock ko nga pag labas ko ng cr sumigaw ako ng malakas tinawag ko sila kuya at bunso kong kapatid na kababa lang at patungo na sa sala tinanong ako ni kuya kung bakit sinabi ko na wala wala kuya habang nakatitig kung san ko siya nakita at agad na nag bihis at tumungo sa school upang makapag praktis.

Ilang years ang naka lipas at yung tita ko ay umuwi galing america last year lang nomung december buong month ng december andito si tita kasama family niya from america. So eto na to make the story short, nag kwekwentuhan sila tita about sa lolo ko na namatay na sa side nila tita/nila papa na kapag papasok sa cr si tita eh sinasabi niya na tay wag moko takutin ah (don kase binuhos sa cr yung dugo ni lolo) mag ccr lang ako. Nabanggit ni mama kila tita at ninang na nakakakita at nakakaramdam ako. Habang nasa sala sila nag kwekwentuhan sinabi ni mama na naka kita ako ng bata jaan sa cr at agad naman akong tinawag ni tita doon sa kwarto ni kuya ( ako na nakakwarto sa kwarto ni kuya kase nung august 26 nung taon din nayon naka alis na si kuya papuntang america kasama si papa). So agad akong bumaba at tinatanong ako ng ninang ko si ninang evelyn anak (anak tawag niya sakin) ano itsura ng batang nakita mo so ayon ni describe ko sa kanya tas bigla niyang sinabi na may koloreta sa dibdib tas kamay ? Sabi ko opo ninang meron tas tinanong niya gano na kalaki sabi ko hangang dibdib ko nang then sinabi niya na ah yung batang yon ayun yung anak ng pinsan mo si ate phebie namatayan kase siya ng anak na lalaki at dito ibinurol sa inyo yung bata na sinasabi mo siya yon kase kasama ako nung pumili ng damit na isusuot ng bata. Eh si tita medyo matatakutib sabi niya ay nako ayoko na dito may bata pala dito creepy then ayon naputoo yung usapan at agad akong bumalik sa kwarto ko. Naisip ko na so pinsan ko pala yon kung nabuhay siya. Simula nung araw na yon hindi na siya nag pakita o nag paramdam sakin at sana wag naman na ayoko lalo't ngayon na masyado nakong open minded ayaw na . Madami pakong pedeng ikwento na karanasan ko sa bahay padin sa school sa bahay ng classmate ko :). Sa susunod nalang ulit kapag ginanahan ako mag share, sa mga close friends ko lang kase shinishare yung ganto. So ayon sorry ah? Kung medyo magulo? Kase ang hirap ikwento eh ayun lang salamat. Titignan ko nalang response niyo then kapag wala namang basher mag shishare ulit ako ng pangyayari na diko malilimutan habang nag papraktis kami ng gabi sa paaralan ko.

~The gifted
Bagong barrio caloocan city

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon