Pugot na Ulo

2.9K 64 2
                                        

Pugot na ulo

Hi, I'm an avid reader sa page na to and I find it interesting. Since nasa shipping world ako, di ko maikakaila na kahit na sa barko may mga multo din na nagpapakita at nagpaparamdam. Depende ito sa history nito - namatay o aksidente ng mga nagtratrabaho doon.

Anyways, lingid sa kaalam ng nakakarami, ang pagiging seaman ay napakagandang hanap buhay - pera, magandang bahay, sasakyan at mga ari-arian. Ngunit may consequences din itong lahat kagaya ng malayo ka sa pamilya, lungkot, at minsan naman takot.

This started noong OJT/Cadet pa ako year 201*. Ang barko ko noon ay 2* years old na. Pitch cargo/juice. At ayon sa mga naririnig ko, marami na daw doon ang namatay. Ang iba doon ay sanhi ng aksidente, worst na aksidente ay yung electrician na nag aayos ng elevator at naputulan ng ulo dahil nalimutan nyang mag emergency stop ng elevator. Para kung may pumindot doon sa kahit anong palapag di aandar ung elevator. Dahil sa aksidenteng iyon, marami ng kababalaghan ang nangyari.

Ito na nga, ang barko namin ay may palapag from upper deck (Which is sa main deck galing), A - F (pinakataas) tapos bridge yung wheelhouse. 11:55pm na yun, galing ako sa regular fire and safety rounds ko. Dahil may inutos ang duty officer ko sa taas na magdala ako ng timba at mop, wala akong choice kung di mag elevator. Pero noong nalaman ko ung history ng elevator, di na ako sumasakay doon pag gabi. Since tinatamad/inaantok na akong maghagdan, so ayun napilitan ako. Pinindot ko na ang button para sa elevator. Ang tagal bumaba ng elevator dahil sa luma na din ang barko. Noong bumukas na ito at pumasok na ako, parang there's something weird akong nafeel noong time na yun. Dahil yung elevator usually manggagaling yun sa Fdeck dahil yun ang setting noon. Pero dinedma ko na lang dahil antokyo japan na din ako. Umakyat na at maririnig mo ung langitngit na tunog ng cable sa itaas. Dumaan sa A, B at nang saktong dumaan sa C, biglang nagkapower black-out as in totally black out. Nalimutan ko pa yung torch light ko.

Tumawag ako sa Duty officer gamit ang walkie-talkie pero swerte nga talaga ako nung time na yun dahil lowbat ako. Kinabahan ako dahil alam ko na sa C-deck yung kwarto ng namatay na electrician. Naupo nalang ako sa isang sulok dahil alam kong bababa ang mga engineers para icheck ang generator at power generator dahil hindi nagback up power. Dahil nasa gitna ng C at D yung elevator, naisipan kong sumilip sa C dahil parang may naaninag akong ilaw sa pagitan ng pinto. Noong time na sinabi ko ""Hello, kuya? Sir?"" Walang sumagot. Madilim pa din. Sinilip ko uli nang biglang bumalik yung power. Tapos nagulat ako sa nakita ko, nakita ko yung walang ulong tao na nakaharap sa elevator. Napaatras ako at bumalik sa kinauupuan ko sa sulok. Yung ilaw sa loob ng elevator patay sindi. Parang gusto kong sumigaw pero di ko magawa dahil may natutulog at wala din lumalabas na tunog o boses sa bibig ko. Nanginginig ako sa takot na nakabaluktot sa isang sulok, habang tinabunan ko yung mukha ko.

Pero di ko pa din naiwasan tumingin sa gilid ko, nakita ko yung ulo na nakatalikod sa akin at biglang humarap. Nakangiti at duguan. Doon na talaga ako tumayo at nakasigaw ng malakas. Kinalampag ko ang pintuan ng elevator. Dahil doon labasan ang mga tao sa kwarto nila, nagulat sila. ""John (not my real name) ano yun?"" Umiiyak na ako. ""Sir, si elec, nagparamdam."" tapos noon sinubukan nilang buksan ang pintuan ng elevator para makalabas ako. Yung parang nakikita nyo sa horror movies. Pinadaan nila ako sa C deck. Tapos nanginginig ako sa takot at parang magcocollapse. Tapos biglang naayos yung elevator na umandar ulit (weird). Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at yun nagdasal kami. Kinausap ako ng kapitan kung gusto ko ba daw umuwi. Sinabi ko nalang na ""Di na sir, tapusin ko nalang contract ko.""

After noon di na ko nagpaduty ng gabi. Nagday work na ko. Since patapos na din yung kontrata ko noon, tiniis ko nalang. Nagpaparamdam pa din sya doon at ung barkong yun nasa 31 years na.

Madami pa akong naranasan na nakakatakot sa ibang barko. Pero ikwekwento ko yun sa susunod. Sige na po at magduduty pa ako. Walang elevator.

jackTense

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon