Multiple Disorder (Part 1)
Hi sa mga avid reader ng spookify katulad.. Gusto ko lang ishare tong Nakakatakot kong experience meron na kong naisend na mga story pero di pa napopost pero this time sana mapost na salamat po. medyo mahaba po ito gusto ko po kasi idetalye lahat kaya may part .
do u ever heard the multiple disorder? this story is based on the true experienced walang halong kalokohan o gawa gawa..
meron akong kapatid na may sakit na ganito yes sakit siya nagsimula ito ng na trauma siya nakidnap siya when she was fourteen years old muntik na rin siya marape that time kung di pa naabutan ng mga pulis sa kuta nila, napakaganda ng kapatid ko as in lagi kami pinagkukumpara ng mother ko kesyo ang ganda at ang talino niya samantalang ako parang pabaya na ewan , lagi siyang top honor since nung elementary , napakabait at napakagalang niya pa pero kahit kelan di ko siya kinaiingitan kumbaga mas sinuportahan ko pa siya sa lahat di katulad ng ibang bata dyan na naiingit.
Fast forward>> that time nainbitahan kami ng classmate ko na pumunta sa birthday party ng kapatid niya , saktong 3 nakarating na kami sa bahay ng classmate ko may mga clown at mascot na nagpapasaya sa mga bata dahil 5yrs old pa lang yung birthday celebrant. di ko nasabi sa inyo na takot pla yung kapatid ko sa Clown and mascot at the age of 14 takot parin siya , nasa kalagitnaan na ng party kung saan nagmamagic na yung clown ,naghanap sila ng volunteer para dun sa magic nila that time todo kuyapit yung kapatid ko dahil ayaw niya talaga nun nagulat na lang kami na tinuro ng clown yung kapatid ko na magvolunteer, nung una ayaw niya talaga kaso pinilit siya ni Faye yung birthday celebrant na magvolunteer kaya napilitan siyang pumunta sa harap , nung mga oras na yun magsisimula na yung magic , nakatitig sakin yung kapatid ko parang may sinasabi na ilayo ko siya dun pero nung time na din yun kinakabahan ako . may makapal na usok na bumuga pero walang amoy nagulat na lang ako wala na yung kapatid ko sa harap nataranta ako ng mga oras na yun samantalang yung ibang manood halos mamangha sa nakita , pumunta ako sa harap at tinanong yung clown kung nasan yung kapatid ko .. bumulong sakin yung clown at sinabing ""hanapin mo"" kinilabutan ako nun mangiyak ngiyak na ko nagtatakbo sa loob ng bahay mahanap lang yung kapatid ko pero wala ,, hanggang sa nakarinig ako ng sigaw sa may garahe , nagtatakbo ako nakita ko siya nakasako bitbit ng malaking mascot na nasa party kanina hinabol ko sila halos madapa ako pero hindi ko naabutan naisakay na nila sa van ..
itutuloy .
Choco
Cavite
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorreurTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!