Kasambahay(mga kasama sa bahay)

2K 30 0
                                        

"I just wanna share my story guys about sa bahay namin.. sa Rizal kami nakatira.. subdivision. Dati daw tong bukid..

8 years na tong nakatayo. 3 yrs old ako nung lumipat kami dito. napabless naman yung bahay. tatlong beses pa nga. nagstart lang yung mga kakaibang experiences namin nung first year highschool ako tas college na si kuya. nagdorm na si kuya non kasi malayo yung school tas yung mom ko namam late lagi umuuwi galing work.. edi syempre palaging walang tao sa bahay. ako naman mga 6 na nakakauwi kasi hanggang 5 nasa school ako kasi may training..
eto yung first story..
CR :  dalawa kasi yung cr sa bahay isa sa taas isa sa baba. tapos malapit yung cr sa taas sa kwarto ko kaya kung may gumagamit rinig na rinig ko.. Magisa lang ako non sa bahay nakahiga ako sa kwarto habang nagbabasa ng book tas nagulat ako may parang nagbukas ng gripo.. nagtaka naman ako kasi wala nga akong kasama.. inisip ko na baka naman guni guni ko lang.  mga after ilang mins may nagbuhos naman. yung parang naliligo. nacurious nako kaya lumabas ako. natakot pa nga ako kasi mamaya magnanakaw na pala.. dahan dahan kong binuksan yung pinto pero pag bukas ko wala naman.. kwinento ko sa mommy ko pero sabi niya baka daw tinatakot ko lang sarili ko..

Hagdan : medyo mataas kasi yung hagdan namin sa bahay na pa spiral siya pataas.. tas kapag nakaupo ka sa sala kita dun sa salamin yung mismong hagdan. mga 6 na yon. tas kami lang ni kuya sa bahay. nagkwekwentuhan kami tas bgla siyang napatigil tas nakatingin lang siya dun sa salamin. syempre nagtaka ako tas sabi ko sa kanya bakit.. pero di siya sumagot. tas sobrang putla niya. tas kinulit ko siya sabi niya punta na lang daw kami dun sa pinsan ko.. ang tagal niyang tulala. bago ikwento samin. sabi niya habang naguusap kami may parang telang puti daw na nahulog sa hagdan tas akala niya bath towel lang kasi nga dun kami nagsasabit malapit sa hagdan. tas nagulat daw siya kasi yung puting tela hindi na pababa. paakyat na yung parang naglalakad.. sinubukan din naming ikwento yon sa mom ko pero sabi niya guni guni lang daw yon..

KUSINA :  yung kwento naman sa kusina mommy ko naman yung nakaexperience.. nung time na yon nagluluto siyang dinner tas ako nasa taas. yung cr namin sa baba malapit sa kusina.. habang nagluluto siya my nakita siyang pumasok sa cr.. nagsara pa nga daw ng pinto. Akala niya daw ako.. kaya tinanong niya ako kung bakit ngayon lang ako bumaba.. nagtaka siya kasi di ako sumasagot. tas nagulat na lang ako sumisigaw siya ng grace gulat na gulat siya nung nakita akong pababa ng hagdan sabi niya kung di daw ako nag cr.. sabi ko hindi nasa kwarto ako kanina pa..

pero yung pinkanabobother kami eh yung mga kasama namin sa bahay na madalas kaming paglaruan.. May puno ng mangga  sa likod ng bahay namin.. matagal na yun don bago pa ata magtayo ng bahay andon na yun. ilang beses na din triny putulin kaso ewan parang ayaw magpaputol tas sabe din ng tito ko wag na galawin. kasi baka may nakatira na.. Yung punong yon. malapit sa kwarto ni kuya. tapat na tapat sa bintana.niya kaya laging nakababa yung kurtina niya. naglalaro kami ni kuya ng xbox tas nagulat ako kasi nabukssn yung bintana.. napatingin ako kay kuya pero di niya ata napansin. sinira ko na lang tas maya maya bumukas na naman. nagtaka na ko kase nilock ko naman yung bintana eh bat naman bubukas.. since kitang kita nga yung puno dun sa kwarto ni kuya dahil magkatapat lang.. may nakita akong tao. mukhang tao. kaya akala ko may tao sa baba. sinabi ko kay kuya kaya sumilip din siya. pero wala naman siyang nakita.. sabi niya isara ko na daw.. after non sunod sunod na yung sakit ko. halos one week ako nong nilalagnat tas may tumutubo na kung ano ano. natakot na yung mom ko. kung saang saang doctor na kami nagpunta tas nagpa cbc na den para malaman kung dengue hindi rin naman daw.. nagtry kami dun sa kakilala ng nanay ko na manghihilot daw. nung nakita niya ako sabi niya agad sakin. Bintana.. Puno.. yun yung sinabi niya syempre nagulat kami kasi di rin naman niya talaga alam itsura ng bahay namin.. sabi niya saken. gusto daw ako kuhain. hinilot niya muna ako tas may parang binilung siya sa ulo ko na kung ano tas after non parang may kung anong natanggal sa katawan ko. as in gumaan tas pinagpawisan ko ng sobrang lamig tas basang basa ako. sabi nung manghihilot. napakabas na daw niya. sobrang hilong hilo ako non.. binigyan niya ako ng pangontra after non nawala yung mga pantal pantal sa katawan ko.

AteMoNadine
Rizal

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon