"Bulag Na Nakakakita"
Nagsimula ang lahat november 28, 2014 sa isang di inaasahang aksidente, ako si (sye) 18yrs old, galing akong school nun, around 5-6pm ng hapon kasama ko yung barkada ko pauwi, tahimik lang ako at parang wala sa sarili na para bang alam ko na may masamang mangyayari, kasi naman talaga buong maghapon wala ako sa focus at talagang wala sa wisyo. So ganto nga yun, sa mga panahong yun di kami makapagbyahe (jeep man or tricycle) kasi sobrang traffic at hirap sumakay gawa nung nasirang tulay, that time mas pinili naming magbangka kasi wala naman talagang ibang choice, mas maaga kami makakauwi kung dun kami sasakay, bago makasakay nagdadasal nako na sana kung may mangyayari wag naman muna sana, pero di namin inasahan at hindi ko inasahan na babangga sa kapwa bangka at lulubog yung bangkang sinasakyan namin, akala ko that time mamamatay nako, pero hindi at thanks kay god kasi narinig nyako, after nung aksidenteng yun ang daming nag iba lalo na saken, nag uumpisa na, nagiging makababalaghan na yung nangyayare kasi, dati naman oo nakakakita ako ng mga di nakikita ng iba, yung para bang malikmata lang, pero ng dahil dun sa aksidente mas nakakakita nako at mas nakakaramdam, na magiging dahilan pala ng pagkasira ng pag aaral ko, nag iiba na daw ugali ko at gusto na palagi akong mag isa, madalas ng sumasama ang pakiramdam ko hanggang sa umabot sa point na nagkakaroon na ako ng mga pasa, everytime na nasa school ako, para akong sinusunog at naghahalo halo lahat ng naririnig ko may umiiyak, may tumatawa, may humuhingi ng tulong, samahan pa ng ingay ng mga tao sa paligid, halos mabaliw ako sa nangyayari kaya nagpasya ang nanay ko na ipagamot ako sa lola kong nang gagamot, tinawas ako at ayun nga raw may sumasapi na daw sakin, nag umpisa sa pahilot hilot hanggang sa nagwawala na raw ako at nag iiba ang boses, oo napaalis nila pero pagkalipas ng ilang araw ganun na ulit at iba na naman, ilang buwan akong nagsuffer may time na magigising na lang ako na marami akong kalmot at pasa, nagpagamot ulit ako at ganun na naman may tikbalang at kung ano pa na gustong pumasok raw sa katawan ko, binigyan nila ako ng pangontra pero di parin nagbabago lahat, nahpapausok sila ng ensenso tuwing hapon pero lalo lang akong sumasama ang pakiramdam at nasasaktan na para bang sakin sila bumabawi, ipinapray over na rin ako sa pari pero ganun na naman paglipas ng ilang araw at nagpagamot na rin ako sa isang mediko sa bayan at ang sabi ay wala raw akong sapi ay mayroon lamang akong pasma, at inpeksyon sa ihi niresetahan ako nito ng gamot at wala ring nangyari, June 2015 mas lumalala yung sitwasyon nagpagmot ulit ako at humingi ng tulong sa kakilala kong kamag anak na nagkikita rin ng mga elemento at sinasapian ng dwendeng berde na tumutulong sa kanya sa pang gagamot, doon nasabi sakin na 3 ang nakasapi sakin isang dwende isang elemento at ang isa'y nasabing demonyo, nakakatakot ang itsura sobrang itim ng katawan may maliit na sungay may nanlilisik at namumulang mata ang ngipin ay tilos, ipinaalam din sakin ng kamag anak ko na gusto akong kunin at gamitin ng nilalang na yun, simula nun mas lumala pa yung nangyari, sunod sunod na araw akong ginamot hanggang sa mapaalis ulit nila ito at ang natira na lamang ay ang dwendeng itim na nag aalaga pala sakin simula pagkabata ko, nakausap namin ito at ipinayo na kung gusto nila na tantanan ako at tigilan ng gustong kumuha sakin ipakasal o kaya isama ako ng ilang araw saking kasintahan para mabawi ko lakas ng katawan ko ngunit nagdalwang isip ang nanay ko, isang araw pa lang nakakalipas eto na naman, sabado masama na naman pakiramdam ko, hindi maigalaw ang katawan at kahit konting hawak o dutdut lang e masakit, iyak nako ng iyak at nawalan ng malay, nakita ko yung sarili kong nakagapos sa isang magintong lugar at maraming nakapalibot sakin na itim na nilalang na may mapulang mata, binibigyan nila akong itim na kanin, hanggang sa nagdasal na raw ang mga nanay ko(wala akong alam sa naganap ang alam ko lang is nakagapos ako) tinawagan na nila lahat ng pwedeng tawagan, humingi rin sila ng tulonğ sa dwendeng nagbabantay sakin at sa dwendeng kaibigan namn ng kamag anak ko na maibalik ang kaluluwa ko sa aking katawan, hanggang sa magkamalay ako, July 28 2015 nakapagpasya ang nanay ko na dalhin muna ako sa bahay ng bf ko kahit ilang araw lang, doon naman may nakapagpayo saamin na magpagamot ako sa isang manggagamot(hindi sya albularyo) at tinatawag nila itong ka tiko, that time takot na takot ako kasi ayoko nang masaktan, at dahil na rin sa hinang hina na yung katawan ko sobra nakong payat hindi ko na alam kunh kakayanin pa ng katawan ko pero may kumausap sakin na tiyahin ng bf ko na huwag akong matakot kasi wala naman daw gagawin sakin, dahil pursigido ang nanay ko na mawala na sa buhay ko yung gumagambala sakin nagpasya din sya na ipagamot ako sa sinasabing mang gagamot, August 4, 2015 pinuntahan namin yung manggagamot na sinasabi at nagulat ako sa aking nakita sa kanya, lubha akong napaluha at hindi kapanipaniwala na ang gagamot sa akin ay banal, hindi ko maaninag ang kanyang mukha sa sobrang liwanag ang tanging nakikita ko lang ay ang kanyang butas sa dalawang kamay, at ang kanyang puso, ang mahaba nyang buhok at balbas, akala ko namamalikmata ako at Omg totoo nga si hesukristo nga! di ako makaimik at wala akong masabi ang tanging nagawa ko lang ay ang lumuha, nag umpisya syang magsalita at patayin ang lahat ng masasamang nais na pumasok sa katawan ko at ang demonyong gustong kumuha sakin, pagkatapos ng pangyayaring yun hindi ko inasahang may ipapakita sya sakin, yon ay ang langit at impyerno, hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ang pangyayaring yon, natakot ako ng makita ko ang kamag anak ko at barkada kong namatay sa baba at namangha ako ng makita ko ang kalangitan, kumapit akong ,mahigpit sa bf at nanay ko, kasi dko alam ang mararamdaman ko na baka nanaginip lang ako pero hindi, totoo nga, noong araw na yun ay tinawag rin ang dwendeng itim na sinasabing nag aalaga sakin at yon ay si ruben, binuhay nì hesus ang kanyang angkan at sinabing alagaan ako, simula non nakkakausap ko na at nakakatulong ang dwendeng yon, sya rin ang naging dahilan para makatulong ako ng manggagamot na yon(ni hesus) sa pang gagamot sa pamamagitan ng dwendeng sumasapi sakin, sobrang blessed at unforgettable experience na masama man ang naging umpisa, may maganda namang kapalitm until now 2017 nanggagamot pa rin sya, katulong ako at ang kamag anak ko na may kaibigang dwende, marahil walang nakapapansin sa manggagamot na yun o kay hesukristo pero ang mga "BULAG NA NAKAKAKITA" lamang o sinasabing may THIRD EYE lamang ang makakakita sa kanya. Sa ngayon ay tinutulungan namin sya sa kanyang misyon, ang mapagaling tayo sa ating mga karamdaman, ang maiahon tayo sa kahirapan, at mailigtas tayo sa kasamaan o apoy ng impyero. Aminado ako hindi ako paladasal na tao at hindi rin ako nagbabasa ng bibliya pero simula ng mangyari ang lahat lahat ng yon hanggang sa nararanasan ko ngayon isang malaking pagbabago talaga para sakin. Kaya kayo o tayo ay magbalik loob sana sa panginoon, hindi si hesukristo ang panginoon natin, sya ay bugtong na anak at yun ang ipinararating nya, na ang tunay na diyos ay ang Lumikha sa atin. Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa akin, ang mahalaga sakin ay yung naipamahagi ko ang katotohanan base sa aking karanasan.
"Babaeng pinagpala"
Batangas City
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
