Vulnerable

1.8K 34 0
                                    

Vulnerable

Hi sa readers and admins, thank you sa pagpost ng unang story na sinend ko(pera ni inang).  Nasa abroad na ako ngayon so isshare ko yung experience ko bago ako umalis ng pinas. So eto ang story,

Sa totoo lang ayaw ko umalis non, kasi mas gusto ko sa pinas talaga lalo na at nandoon yung mga barkada. So stress na ako nun kase konting araw nalang aalis na ako, gusto ko mag spend ng time nun kasama mga kaibigan ko, ang problema ayaw ako payagan ni mama, magstay nalang daw ako sa bahay at magalaga ng bata(pamangkin), eh di syempre ako naman itong nagtampo, umiiyak ako twing hindi ako pinapayagan sa lakad ko, kasi nga naman malapit na akong umalis, di ko man lang nasusulit ang pagstay ko sa pinas.

Ang dami ko na naiisip non, tulad ng wala akong kakilala doon, paano kung ma-bully lang ako sa abroad, paano pagaaral ko, iba environment sa abroad hindi ako sanay, pwede naman na sa pinas magstay. Basta nakakastress lalo na labag naman talaga sa akin ang pagalis ko.

2 weeks nlng aalis na kami. Nakakaramdam na ako ng lungkot, kasabay noon ang pagpaparamdam at pagpapakita sa akin ng mga itim na tao(or di ko alam kung tao nga ba sila).

First encounter:
Umaga ng mga 6 am nagising ako katabi ko non ang pamangkin ko na 1 yr old, pagdilat ko nakita ko may babae na itim, parang anino lang siya or hollow yung figure, hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pamangkin ko, saglit lang yon tapos nawala na siya.

Second encounter:
Naghuhugas ako ng mga plato sa labas noon(kase nakahiwalay yung mismong lababo kaya sa labas kami naghuhugas) habang ginagawa ko yun napatingin ako sa may gilid ko, may nakita akong bata, katulad din siya ng babae, itim rin tapos parang hollow figure, natakot at kinilabutan ako noon kase kahit purong itim lang ang nakikita ko(wala silang mukha as in pure black lang), alam kong sa akin siya nakatingin, saktong tapos na ako sa ginagawa ko kaya pumasok na ako agad. Pagpasok ko inayos ko na agad sa lagayan yung mga plato, pero sheeeet lang! pagtingin ko sa pintuan (may screen yung pintuan naming kaya kita ang mga nasa labas) nandun na yung bata nakadungaw at nakatingin sakin, sinundan ako mga bes T_T

Bukod sa mga dalawang encounter na yan, the rest is puro paramdam lang or makikita ko lang sa peripheral vision ko or minsan may hahawak nalang sa paa ko tapos hahatakin. Kinuwento ko sa kapatid ko yung mga nangyari sa akin, ang sagot niya sakin,

“kaya ka nagkakaganyan or nakakaranas ng ganyan kasi naiistress ka, and dami mong iniisip, ayaw mo umalis, saka mga kaibigan mo mamimiss mo, tapos ayaw kapa payagan ni mama, puro negative ang naiisip mo at nararamdaman mo, kaya negative din ang vibes mo, ang mga demons or mga multo ay naa-attract sa mga negative. Vulnerable ka kaya ganyan. Weak ka kaya sila nagpaparamdam.”

Ang ginawa ko lang is nag pray, lagi kong sinasabi ang “in Jesus name” kapag alam kong natatakot na ako, and it helps 
Sensya na kung mahaba, gusto ko lang naman na maging aware kayo, the more na negative kayo, mas lalong maattract ang mga di kanais nais 
Maayos naman po kami ni mama haha xD minsan lang talaga di kami nagkakasundo xD .. nakwento ko to sa isang friend ko, and avid reader siya! hello sayo haha xD

sadako
USA

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon