Half half

3.1K 73 3
                                    

PINOY URBAN LEGENDS: The Half-Human Half-Snake of Robinson's Mall

Noong 80's ay sumikat ang issue na ito kung saan may isang "secret room" daw sa Robinson's Galleria. Sinasabi din na si John Gokongwei, may-ari ng Robinson's at Universal Robina Corporation, ang ama nito, at may ibang nagsasabi na alaga lamang niya ito. Ito daw ay ang kambal na kapatid ni Robina Gokongwei, anak ni John Gokongwei. Sumikat ito dahil kay Alice Dixson.

Sinasabi din na mayroon daw spy cam (i think parang cctv room) ang "Snake Man" na ito kaya nakakahanap siya ng mga magagandang babae na pumupunta sa mall. Kung may mapagtripan daw si "Snake Man" ay may pipisilin lang siyang button at bubukas ang sahig ng dressing room. Minalas daw si Alice Dixson at nahulog daw siya sa sahig patungo sa lungaan ni "Snake Man" pero nakatakas siya.

Tinanong si Alice Dixson tungkol dito sa isang TV talk show, ngunit sa di malamang dahilan ay bigla na lang naputol ang palabas at pagbalik ay wala na si Alice. Ngayon ay nananahimik na lang si Alice tungkol sa issue na ito tuwing tinatanong siya tungkol dito.

Ayon sa bali-balita ay binayaran ng mga Gokongwei si Alice Dixon upang hindi na siya magsalita tungkol sa issue at sinabihan siyang pumunta na lang sa Canada.

Hindi natin malalaman kung totoo ba ito, pero ang katahimikan ni Alice Dixon ay kataka-taka.

Meron ding nabalitang dalawang babaeng empleyado ng mall na ito na biglang nawala na lang. Hinanap sila ng mga magulang nila nang di sila umuwi pagkatapos ng trabaho, at nang tiningnan nila ang time card sa trabaho, hindi pa sila nago-out.

Ang nilalang na ito ay nabuhay nang matagal at namatay na lang daw nang hindi nalalaman ng publik

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon