Wildest Dreams

6.6K 120 2
                                    

Wildest Dreams

Wala akong makita, madilim. Yabag lang ng paa ko ang naririnig ko. Sinubukan kong hanapin ang pintuan o bintana para may pumasok na liwanag sa loob. Pagbuka ko ng kurtina, yung mga bintana napakuan ng mga kahoy. Pero may maliit na butas kung saan nakakapasok ang onteng liwanag. Sumilip ako sa butas. Puro pine trees. Sa harap may kalsada. Ahhh... Baguio. Pero may mali. Pansin kong walang katao tao man lang ang dumadaan o sasakyan. Wala bukod sa isang jeep pansundalo na mga armadong lalaki ang nakasakay. Mukha silang mga sundalo, mukhang mga hapon. Something tells me di dapat ako lumabas. Pero sinubukan kong hanapin ang pinto. Sarado. Sinadyang sarhan. Pinakuan. Madilim talaga sa loob. Di ko alam ang gagawin ko. Sa paglalakad ko nadapa ako. When I hit the ground, naramdaman kong may ingay na nanggaling sa ilalim ng sahig. May boses akong naririnig. Di ko maintindihan kung anong sinasabi pero alam ko lalaki ang naririnig ko. Sa kamay ko may nakapa akong bakal. Ilang segundo pa bago marealize na pintuan ang nasa harap ko. Pinto pababa. May cellar sa loob ng bahay!

Inangat ko ang pinto at dahan dahang bumaba. Sobrang dilim. Sa paglalakad ko, agaw pansin ang mahinang liwanag na nanggaling di kalayuan. Sinubukan kong lumapit sa pinanggalingan ng ilaw, sa pag aakalang doon ang daan palabas. Pero nung makalapit ako, isa lang pala siyang kwarto na may pintong gawa sa tabla na may espasyo para paglabasan ng ilaw. Hahawakan ko na sana ang pinto para buksan nang marinig ko yung lalaki na narinig ko kanina. Pero di ko talaga maintindihan kung ano yung sinasabi niya, parang intsik. Tingin ko japanese yung lalaki. Sa tono ng boses niya, para siyang takot na takot, like pleading for his life. Naisip kong sumilip na lang sa silong kaysa sa kumatok, hindi ko kasi alam kung ano susunod na mangyayari kapag bigla bigla nalang ako pumasok. Sa silong, may naaninag akong paa, sa harap may kahoy na sa tingin ko ay paa ng lamesa. Dahan dahang naglakad ang paa palapit sa mesa at ilang saglit pa may narinig akong ilang taga at malakas na sigaw ng lalaki na parang kinakatay. Napalayo ako sa pinto kung saan ako kanina nakadapa para sumilip na nagcause para makatok ko yung pinto. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Di ko alam ang gagawin ko. Narinig ko yung door knob na nagbubukas at bago pa man magbukas, nagbukas na din yung mata ko at marealize na panaginip lang ang lahat.

Ganyan yung eksena sa panaginip ko na ilang beses naulit kaya tumatak na sa utak ko noong nanirahan ako somewhere in baguio ilang dekada na rin nakaraan. Kadalasan nagtatapos din that way. Year 1990 noon: Fresh grad filled with dreams. Somewhere in Baguio, naisip magtrabaho. Malayo ang Pangasinan sa Baguio, so naturally kailangan kong magboard o humanap ng apartment. And that's how I ended up in that house where I used to stay. Bahay na bato, pero yung sahig kahoy, medyo isolated sa ibang residential houses. Eh mura eh, sino pa ba ako para tumanggi, di naman ako maarte.

Ayos lang naman lahat, except sa hindi maganda ang gising ko. Araw araw. Basta everytime na pagkagising ko, yung katawan ko feels like in tension, nanginginig na parang puno ng trauma at guilt. Habang nagtatagal ako sa bahay na yon, palala ng palala yung sleeping problem ko. Dahan dahan ko ding naalala yung panaginip ko at marealize na ilang beses ko ng napanaginipan ang tungkol doon. One time habang bumibili ako sa palengke ng karne, nafixate yung mata ko sa karneng tinataga ng nagtitinda at may nagflashback na scene sa utak ko, umiiyak na lalaki, puro dugo, at tunog ng tinataga. ""Sir, baka po?? Bibili po ba kayo o hindi????"" Natulala na pala ako. Di na ako nakabili ng karne o kung anuman yung dapat kong bilhin nung araw na yon. Sa workplace, sa taxi, sa mga puno sa baguio, piece by piece naaalala ko yung panaginip ko.

Pangarap ko noong bata ako na maalala ang mga panaginip ko, dati kasi nakakainggit yung mga kalaro ko na nakakapagkwento ng tungkol sa mga panaginip nila, ako walang maishare. Pero di ko akalain na magkakatotoo yung pangarap kong yan sa paraang hindi kapanga-pangarap.

""Be careful what you wish for 'cause you just might get it.""
I should have known.

Di ko na makayanan yung nangyayari sa akin so I tried to ask for help. Una sa doktor tapos sa psychiatrist. Ang explanation nila, yung lalaking napapanaginipan ko raw, ay posibleng representation ng sarili ko. Yung tumataga ay ang kinatatakutan ko at yung madilim na bahay symbolizes my fear of unknown, at yung ako mismo na nasa panaginip ko ay representation naman ng frustration ko na wala akong magawa sa mga takot ko. Pero paano yung ""japanese occupation"" setting sa labas? At bakit japanese ang representation ko sa sarili ko sa panaginip ko? Ang sagot nila, posible daw na hindi nakakabuti para sa akin yung place na pinagtitirhan ko at baka raw I may want to consider finding a new place. Wala na akong choice kundi sundin na lang yung professional advice nila. Wala akong kaalam alam na sa last day mangyayari yung worst nightmare ko.

Napanaginipan ko ulet yung panaginip kong iyon. Pero this time, nasa loob ako ng kwartong yun, nagtatago sa likod ng aparador. Naririnig ko ang boses ng lalaki na marahang umiiyak. Sumilip ako at nakitang wala yung nagtataga. Nang masilip ko yung lamesa, nagulantang ako sa nakita ko. Isang katawan, hubad, chop-chop. No arms and legs. At biglang umangat ang anyo ng tao sa harap ng lamesa, babae. Mahaba ang buhok, kayumanggi ang balat, duguan ang suot na damit na tulad ng sinusuot noong panahon ng katipunan na tinernuhan ng mahabang paldang nagmukha ng basahan. Ang mukha niya galit na galit, at titig na titig sa mata ng hapon na nakahilata sa lamesa. ""Kulang pa yan. Ang dapat sa mga tulad niyo mamatay!"" at iniangat niya ang hawak na itak para tagain ang lalake. Bawat strike ng itak ay puno ng panggigigil. Ilang taga sa leeg ng lalake at naputol ang ulo niya. Madugo. Literal na naligo sa dugo ang babae. Ang ulo ay tumilapon palayo sa lamesa habang ang babae ay tulala ng ilang segundo bago nagsimulang tumawa hysterically. Gumulong ang ulo sa kinauupuan ko at nang matapat sa akin ay bumukas ang mata at bibig, ""Help..."" di na natapos ang sasabihin nang apakan ang ulo at pulutin ito ng babae.

At nang makita ko siya face to face, bigla siyang sumigaw ng malakas na animo ay puno ng galit na sa sobrang lakas ay nakakabingi. Nagising ako ng sumisigaw bago mahimasmasan. Tagaktak ako ng pawis. Tinignan ko ang oras. 3:00 AM. Nakasindi ang mga ilaw. Aktong babangon ako para kumuha ng tubig nang biglang umuga ang sahig na tila may nahulog. Dahan dahan akong sumilip sa ilalim ng kama at tumambad sa akin ang katawan ng hapon na walang ulo, kamay at paa. Agad akong napahiga pabalik sa kama at aktong magtatalukbong nang biglang mahulog sa harap ko ang ulo ng hapon. Nagpatay sindi ang ilaw. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto. At sa pagtakbo ko naririnig ko ang tawa ng babae. Sa pagtakbo ko papunta sa pinto, narealize ko na, ang bahay na tinitirhan ko ay siya ring abandonadong bahay sa panaginip ko. Napaatras ako at may nabunggong tao. ""Saan ka pupunta, hindi ligtas sa labas."" Nang lingunin ko, ay ang babae, na duguan, hawak pa rin ang itak. ""Wag ka munang umalis. Kumain ka muna. Nagluto ako ng nilaga. Masarap ang karne ng mga hapon.""

At sa pangalawang pagkakataon, nagising ako. Mataas na ang sikat ng araw. Nakasindi pa rin ang ilaw. Aktong babangon na ako nang bigla na namang may kung anong tumunog sa silong ng kama. Di ko na sinilip. This time, inusog ko ang kama at inalis ang mga lumang gamit na nakalagay sa silong na ngayon ko lang napansin. Sa sahig nakita ko yung pinto. Nang mahawakan ko ang bakal na nagsisilbing door knob, walang duda. Ito nga ang nasa panaginip ko. Sinubukan kong hilain ang pinto pero hindi na mabuksan. Pinilit kong hilain nang mawarak ito at tumambad ang semento. Tinakpan na ng semento ang daan. Hindi ko na nagawang mag isip ng susunod na gagawin kasi biglang lumindol. Sobrang lakas ng lindol at kinailangan kong lumabas ng bahay immediately. Wala akong naisalba. Gumuho ang bahay. Yep, 1990 earthquake. At yun na ang huling tulog ko sa bahay na yon. Umuwi ako sa pangasinan na walang gamit. Akala ko end of the world na non. Kung paano ako nakauwi, ibang istorya na iyon.

Anyway, I tried to make a research about the house pero walang lumalabas. But one thing is general, that a lot of filipino women in that era were raped by japanese soldiers. Siguro rape victim ang babae sa panaginip ko ng hapon. Who knows? Her story was left untold. Left buried with the house. According naman dun sa kahera, inangkin lang daw nila yung bahay at lupa taong 1945 nang ipamigay ng gobyerno ang lupa na ""para naman talaga sa atin"". Dati na daw nakatayo ang bahay doon, inayos ng kaunti ang ilang parte ng bahay pero never nilang nalaman ang tungkol sa cellar. Ilang taon din daw silang nanirahan doon at yung kapatid niya may naririnig ding iyak ng lalaki sa silong ng kama niya tuwing gabi noon.

Sa awa naman ng Diyos di ko na napanaginipan pa ang tungkol dito. For some reasons, medyo naarouse ang nationalism sa pagkatao ko dahil sa mga nangyari, siguro kasi saka lang ako nagkainteres sa history, dahil pa doon.

Noong sumikat ang kanta ni Taylor Swift, napangiti na lang ako kasi ito ang Wildest dreams ko. :) Tanda ko na pero bagets pa rin ako. Haha. Happily married here. ;)

Cottonmouth

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon