LUMANG BAHAY

1.8K 30 1
                                    

SA LUMANG BAHAY
Good day spookify. Sobrang avid reader po ako dito. Sana po ma i-post ang nakakakilabot ko po na experience sa mga "di ingon nato" tawag nang mga bisaya sa mga engkanto.
Tawagin niyo lang po ako sa palayaw na vin, 24 na ako. Actually it happened way back 2006. Ganito po nangyari kasi nga elementary days pa ako neto. Mga 6pm na, kakauwi ko lang po galing sa pakikipaglaro sa mga kapitbahay ko (gala kasi ako nung bata pa ako) eh di nagutom na, tpos kumain, punas na kasi sobramg strikto nang kuya ko. Hindi niya kami pinapayagan nang nakababata kong kapatid na hindi nagpupunas bago matulog.
10pm na nang gabi ata nun, na alimpungatan ako sa sobrang init . Sa sala kami natutulog nang kapatid ko that time, so eto na. Biglang uminit yung paligid, sobra para kang nasa beach yung nakakapaso yung init, eh di ako hinubad ko suot kong damit para ma relax. Puchaks paghiga ko di ako mapakali sa nkita ko. Nakatalikod kpatid ko na natu2log, biglang may taong naka itim na bumangon sa gilid niya, tpos nakatingin sa akin, yung mata niya pulang-pula, tinitigan niya ako. Halos mamatay na ako sa nangyari, yung gusto kong sumigaw pero parang walang lumalabas sa bibig ko. Nakakakilabot pare. Naihi tuloy ako sa salawal ko. Tumalikod ako at nagdasal hanggang sa nakatulog na ako. Kung ano posisyon ko natulog yun din yung posisyon ko paggising. Grabe. Kinuwento ko sa mama ko, sabi niya lang na wag na sila gambalain dhil hindi lang daw tayo ang nakatira dito sa mundong ibabaw.
Pinakahuli is yung lumipat na kami, 2013 na yun. Sirang sira na talga yung bahay na yun. Sabi kasi nang kamag-anak nang may-ari nang bahay late 60's pa daw ginawa yung bahay. As in lahat kami nang kpitbahay nakasaksi sa lahat2. Nakalubog na ito sa tubig kasi inabandona na namin. Nakatagilid na ito, eh mga 3pm yun, lahat kami inantay na masira na eto, nakatitig kami habang dahan dahan itong nalubog sa tubig. (Dagat kasi lugar namin dito noon kaya may tubig) eto na nasira na yung bahay. Biglang may boses nang lalaki na sumigaw sa loob mismo nang bahay. Pasigaw niyang sinabi ang "tabang". (Tulong) yung tipo nang boses niya is parang nasa ilalim nang lupa. Nakarinig lahat nang tao dun banda sa amin. Natakot sila pati na kami. Then may kapitbahay kami mangagamot, umakyat siya sa kabilang bahay tpos sinabuyan niya nang kung ano yung bahay. Tpos narinig ulit namin yung sigaw nang lalaki. Pagkatapos tatlong sunod2 na yapak nang paa ang narinig din namin. Nagulat na ako at umalis na. Nakakatakot na sobra. Puchaks. Tapos nun binendisyunan nang pari kinabukasan. Nawala din naman. Ngayon may nakatayo nang bahay dun, paupahan ata. Dami din daw nararamdaman mga boarders dun sabi nila sa tuwing dumadalaw ako sa lugar namin dati. .
Yun lang. Nanginginig ako sa takot grabe.. sana ma i-post ito. Slamat.
Vin
Davao

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon