Island Park
This happened last year. Can't remember lang the specific date or month.
Yung girlfriend ko nakatira sa molino. Ako naman sa dasma malapit na sa pa GMA. Kadalasan, kapag ihahatid ko na sya galing samin, nadaan ako sa Island Park kasi shortcut yon. Ok naman yung island park kapag may araw pa. Tahimik. Private eh. Pero sa sobrang private parang walang nakatira. Pag pabalik naman papunta samin dun ulit ako nadaan. Kadalasan inaabutan na ako ng gabi kasi nagsstay pa din ako sa bahay nila. Tapos isang beses nung pauwi na ako, dun ako dumaan. Madilim, tahimik. Tapos nung nandon na ko sa bandang wala masyadong ilaw, parang may tao sa passenger seat. Syempre as a driver alam ko kung may tao sa passenger seat. Peripheral vision. So nacurious ako, tinignan ko. Pagtingin ko, may pasahero nga! Babae. Di ko nakita mukha kasi nakatakip ng buhok.
Kinabahan ako kaya binilisan ko pagddrive. Tapos nagsabi ako ng ""In Jesus' name"" after non, may narinig akong parang nagcrumple na papel sa glovebox ko. Pag uwi ko ng bahay, nagcrumple nga yung Sunday word (Papel na binibigay sa church namin)! Nakauwi naman ako ng maayos. Pero akala ko dun na natapos yon. Hindi pala.Hindi ko inisip na mangyayari pa ulit so dun pa din ako dumaan. Though minor na lang yung iba. Isang beses pauwi ako, ganon ulit, gabi, nagpapatugtog ako sa phone ko kasi sira radio ng sasakyan ko. Biglang nagstatic yung kanta. Maiintindihan ko kung tunog sa radyo magsstatic. Pero mp3 from phone? Magsstatic? Same place yon nung sumakay yung kung ano man sya. Tapos meron pa ulit. Hahatid ko na girlfriend ko pauwi. Dun kami dumaan. May nakita kaming aso na itim. Ang weird lang kase, magkaiba kami ng napansin sa aso. Distorted yung mukha nya. Parang misplaced yung parts ng mukha. Binilisan ko lang patakbo ko tapos nagtaka sya bakit daw. Sabi ko mamaya ko na kkwento pag nakalabas na kami ng subdivision. Paglabas namin, parehas kami ng sinabi. Na parehas nga kami ng nakita. So meaning, may something talaga don.
And, di pa pala sya tapos. Kasi nagkasakit ako. Binisita ako ng girlfriend ko sa bahay. Nung pauwi na sya, hinatid sya ng mom ko kasi gabi na. Ako naman nagstay lang sa baba ng bahay kasi bubuksan ko yung gate pagdating ng mom ko. Habang naghihintay ako, humiga muna ako sa sofa. Nakahiga ako pero di ako makatulog. Paikot ikot ako. Pagtingin ko sa may wall clock, nasa baba non yung babae na sumakay sa sasakyan ko! Nakatingin lang sakin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinabahan. Kasi tinignan ko lang din sya. Siguro sanay na lang din ako na palaging merong something dito sa bahay.
Sa ngayon, wala pa namang nangyayari ulit. Binebenta ko na din yung sasakyan ko. One of the reasons is medyo luma na nga and 2nd owner na ako. Another is sabi ng kuya ko, possible din daw na sa sasakyan ko nakatira yon. Or may connection sya dun sa sasakyan. Di kasi namin chineck masyado yun nung binili namin so baka may history sya. And to note na din, since bata pa lang ako, nakakakita na ko. Suki din ako ng sleep paralysis. And for me, ang panlaban lang palagi is, prayer. So always, always pray. Pagkagising, bago umalis ng bahay, pag uwi.
😁
😁
Driver

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!