Till Death Do Us Part
To my Dear Kath,
I don't want to leave you. But I have to live my life, again.
Itago niyo nalang po ako sa pangalang Drew. Gusto kung ibahagi sa inyo ang kwento namin ng girlfriend kong si Kath.
I'm honestly not a good person, until Kath came into my life. Isa akong pilyong lalaking, masyadong malibog. Bawat babaeng nakikita ko sa paningin ko nakahubad sila. Yes, marami ng dumaan sa kamay ko
😂 Pero syempre, nagbago ako.
Si Kath ang dating nerd sa amin noong highschool. With braces na kulot at mahaba ang buhok. Nagulat ako noong nagcollege na, biglang gumanda. Sobrang ganda. Lahat nga nagulat kasi sinong mag aakalang magiging kami pala. Yung dating nerd at famous heartthrob noong highschool pala ang magkakatuluyan in the future.
Nang maging kami ni Kath ang dami kong kaweirduhang nanotice sa kanya. Kung ano siya noong highschool, ganun na ganun pa rin siya ngayon. Tulad ng pagsusulat ng love stories na ang laging ending ay namamatay ang babae. Hindi ko alam kung bakit.
One day we decided to live together. Para mas makasave kami dahil pareho kaming nakatira sa apartment habang nag-aaral. Legal na rin naman kami sa parents namin. We're both 21 at malapit nang grumadweyt. Naging masaya ang pagsasama namin. Para kaming mag-asawa na pinaghahandaan niya ng almusal, tanghalian at hapunan. Pinagpaplantsa ako, pinaglalaba at.. alam niyo na
😂
Hanggang sa nakapagtapos kami, nakapasa sa board at nakapagtrabaho. Hindi naging madali ang pinagdaanan namin ngunit habang dumadaan ang taon, lalo kaming tumitibay.
Pero dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay namin. Nagkasakit siya. Nagkaron siya ng lupus. Pero kahit ganun ay hindi iyon naging hadlang para masira kami. Masipag pa rin siya. Nakahiga pa ako sa kama naririnig ko na ang ingay mula sa kusina na naghahanda siya ng almusal. Laging niyang pinapatugtog ang favorite song namin na ""Your love"".
Isang araw pumasok sa isip ko habang nakatingin ako sa kisame. Mahigit anim na taon na kami. Sobrang dami na naming pinagdaanan. I couldn't love anyone in this world. Hindi ko maisip ang sarili ko sa iba. Siguro panahon na. Panahon na para pakasalan ko siya.
The next day I brought a ring and habang nanunuod kami ng tv inabot ko lang sa kanya. She cried. Pati ako. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa mukha niya. And she said YES.
Sumunod na buwan, nagsimula ang mga weird na ginagawa niya every night. Nagsi-sleep walking siya. Lumalabas siya sa kwarto at umuupo sa hagdan. Nakakatakot pero inaalalayan ko siya pabalik sa kwarto. Halos gabi-gabi ganito ginagawa niya.
Isang gabi rin nang umuwi ako. Pagod na pagod galing trabaho. Nadatnan ko siyang may hawak na kutsilyo sa kusina. Sobrang nagulat ako kasi nakatayo pa naman siya sa likod ng ref. Mabilis na inagaw ko ito sa kanya at bigla nalang siyang nahilo.
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
