Ospital

4.9K 97 2
                                    

Sa Ospital ng PGH - My story

May nabasa ko na story dito tungkol sa PGH kaya gusto ko din ibahagi ang maraming kababalaghan na nangyari sa akin sa hospital na yun. Anyway para mas malinawan kayo, napapad ako sa Hospital ng PGH dahil sa pinsan kong may cervical cancer. Second cousin ko sya. 41 sya nung nalaman nyang may stage 3 cervical cancer sya. Simula noon ako na ang tumayong tagapag alaga nya, halos maging bahay na namin ang PGH dahil sa paulit ulit na pagkakaconfine ng pinsan ko. Kaya alam ko na lahat ng pasikot sikot sa hospital na yun.

So here it goes. Nung una hindi talaga ako natatakot sa hospital na yun, nagsimula lang nung nilipat kami ng room sa 5th floor. I think room 551 yun, 6 yung bed pero 4 lang yung pasyente. Pagpasok pa lang may ibang presence na kong naramdaman, nung una hindi ko pinansin dahil inisip ko na naninibago lang ako. Pero habang nag aayos ako ng mga gamit namin yung pintuan ng CR unting unti sumasara. Walang hangin dahil sarado lahat ng bintana kasi may aircon sa room na yun, so nilapitan ko para isara ko nalang ng tuluyan. Pero nung malapit na ko sa pinto biglang bumalik sa pagkaka wide open ang pintuan tapos ibinalibag pasara yung pinto. Nagkatinginan nalang kami ng pinsan ko.

2nd day namin sa room na yun may naghihingalong pasyente sa kabilang bed, padyak sya ng padyak sa bed nya habang tulog kaya nagigising lahat ng ka roommate namin, sabi ng asawa nya dati daw kasi ng kabataan ni lola mananahi sya kaya daw siguro ganon, tapos magtuturo sya sa isang direksyon tapos may sinasabi syang maraming pangalan, nung tinanung ng isang ka roommate namin kung sino yung tinatawag ni lola sabi ng asawa nya mga namatay daw na kamag anak ni lola siguro daw sinusundo na sya kaya napapaiyak nalang yung asawa nya.. Kinabukasan mga 7:00pm binawian ng buhay si lola, so dahil iisang kwarto lang kami natakot kami syempre! lalo na nang ibinalot na si lola, eh ang tagal ng funenaria na mag susundo sa kanya Kaya Ako Hindi Mapakali matulog nalang para hindi ko isipin na may kasama kaming patay sa room.. Pero pagising ko andun parin si lola, lalo akong nilalamig sa room ng mga panahon yun.. Pero after 10mins na pagising ko dumating din yung funeraria na susundo kay lola kaya nakahinga ko ng maluwag. Kinabukasan usap usapan sa room yung pagkamatay ni lola, napatingin ako sa bed ni lola kung pano sya dun humiga ganun yung lubog ng kama nya siguro dahil sa tagal ng pagkuha sa kanya sa room kaya bumigat na sya.. Nag flash back pa sakin kung pano sya binuhat ng dalawang tao hirap na hirap sila, muntikan pang mahulog si lola tapos bumukas yung kumot na nasa parte ng mukha ni lola tumambad yung mukha nyang naka buka ang bibig 😑 pero habang nag fflash back yun sakin biglang tumunog yung kama nya , yung katulad ng pagpadyak nya nung naghihingalo pa si lola pero saglit lang mga 3 padyak siguro.. nagkatinginan kaming mga bantay tapos bigalng balik sa kanya kanyang pasyente nila, sa isip ko *nagalit yata si lola pinag chchismisan nila e* Tumayo nako para bumili ng pagkain pero shut*ngn*m! may kumatok ng 3beses sa kabinet na pinalalagyan namin ng gamit 😑 Sisigaw na sana ko pero Yung mga pasyente tulog kaya hindi ko nalang pinasin.. Pigil yung takot ko

PS. For now eto muna, like whatIi've said marami akong karanasan sa ospital ng PGH. Itutuloy kong ikwento kapag napost na to. Nagtry lang kasi ako kung napopost ba talaga kapag message lang sa page e. Kaya sana admin mapost mo to. Thanks 🙂

Angel of God

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon