Nilalang sa dagat

1.7K 35 0
                                    

Nilalang sa dagat

Hindi pa pinanganak ang mama ko nung nangyari ito. Tungkol ito sa lola ko na kinwento ni mama sa akin. Nakatira sila lola at mga kapatid ni mama noon sa tabing dagat sa probinsya at dahil matagal na yun, wala pang masyadong tao sa lugar nila. Madalas pag gabi sinasampay daw ni lola ang kanyang mga undies sa labas ng bahay nila. At dahil nga wala pang msyadong tao sa lugar nila di maiwasan na may mga malignong nakatira sa paligid. Yong mga malignong di natin nakikita pero nakikita nila tayo. Kinaumagahan sinuot ni lola ang undies na yon kahit medyo malamig at medyo basa pa.

Fast forward. Lumipas ang tatlong buwan hindi pa dinadatnan ng period si lola kaya akala nya noon ay buntis sya, kaya naglilihi din sya. Lumipas ang isang buwan may kakaiba syang naramdaman na parang may gumagalaw daw sa knyang tiyan pero binalewala nya lang ito. Fast forward. Makalipas ulit ang isang buwan bigla daw sumakit ang kanyang tyan na napakasakit at dinudugo si lola kaya akala nya noon ay nakunan sya. Nabigla nalang daw sila nang may lumabas na pusit. Nagtaka sila at takot na takot na daw si lola dahil hindi tao ang lumabas sa kanya kundi isang pusit. Tinapon nila ito at pumunta sila sa manggagamot. Sabi ng manggagamot ay inuray daw si lola (Hindi ko alam kung ano yan sa tagalog, basta oray ang tawag nyan sa probinsya namin).

Sabi nito na ang undies daw ni lola na sinampay sa labas ng bahay ay pinaglaruan ng mga maligno o engkanto - kiniyo*kiyoran (kinan*o*) daw ito ng engkanto. At yung basa na nanatili sa undies ay yun daw ang senyales na may oray yon. Sabi ng manggagamot para malaman daw kung may oray ba ang undies, ay kapag hindi ito tuyo kahit matagal ng nakasampay sa labas, ay kailangan mo daw itong itago sa lagaya. At pagdaan ng ilang araw kapag may mga langgam o ibang klaseng insekto ang dumapo dun, ito daw ay may oray (galing sa engkanto). Kaya sabi ni mama simula nang may lumabas na pusit kay lola, hindi na sya kumakain nito at natatakot na sya.

PS. Kaya daw pusit ang nasa tyan nya dahil nasa tabing dagat nakatira ang engkantong yon.

PPS. Kapag magsampay po ng undies, siguraduhing nasa loob ng bahay at may yero o kisame sa ibabaw ang dapat pagsampayan.

Ate Mil

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon