HAUNTED SUPERMARKET

6K 122 18
                                    

HAUNTED SUPERMARKET

This spooky story was happened two days before our Halloween Party. I was looking for mason jar for our Halloween design, It was around 7pm, 1 hour nalang bago magsara ang supermarket na kinaroroonan ko.

Wala nang masyadong tao sa loob ng supermarket. Sa first floor ng Supermarket ay naroon ang mga Grocery items at ang Cashier Counter, sa 2nd floor ay ang mga cookwares, furnitures at iba't ibang damit.

Tinungo ko ang 2nd floor gamit ang escalator. Ang high-tech ng escalator dahil may people sensor ito, saka lamang gagana ang escalator kapag may madetect na taong nakatapak dito. Ewan ko kung pano nangyayari ito, basta manghang mangha ako dito.

Pagdating ko sa 2nd floor ay medyo dim light na ang mga ilaw at kita ko rin na naglilinis at nagaayos na ang nga employees dito para sa closing ng supermarket.

Pumunta ako sa section ng mga cookwares di kalayuan sa escalator, katapat niya lamang ito.

Katabi ng mga pinggan at baso ay ang mga Mason Jar at sa likuran ko ay ang mga cabinets at iba't ibang furnitures na tinitinda nila.

Habang namimili ako ng perpektong jar para sa Halloween design ay napansin kong gumalaw yung escalator. Tiningnan ko ito ng puno ng pagtataka dahil wala namang tao doon na pababa ng escalator.

Tiningnan ko lang ito, umaasa na merong lamang bata na naglalaro sa escalator. Ang ginagawa ko kasi dati sa escalator (dahil napakalikot kung bata) yung pababang escalator ay tinatakbo ko pataas. Umaasa ako na may batang gumagawa rin nito ngayon. Pero bigo ako dahil tumigil ang escalator ng wala akong nakikitang tao.

Medyo creepy kung iisipin pero inisip ko nalang na sira yung escalator kaya gumalaw ito magisa. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagpili ng mason jars. Alam ko kasi na matatakutin akong tao baka kumaripas ako ng takbo palabas kapag kinain ako ng takot.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko ng biglang ginapangan ng lamig ang batok ko. Tumingin ako sa likuran ko at wala akong nakita.

Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang isang babae na namimili rin, medyo may kalayuan siya sa akin pero tanaa na tanaw ko siya, naroon siya sa section ng mga damit sa gilid ng escalator.

Sa tingin ko ay nursing student ito dahil nakauniform ito ng pang-nurse. Nakatayo ito at tinitingnan ang mga nakadisplay na sapatos. Napanatag ako ng makita kong may kasama akong namimili.

Napili ko na ang magandang jar para sa Halloween design pero napasimangot ako ng makitang 2 pieces nalang ito, lima kasi ang kailangan ko.

Saktong may parating na employee ng supermarket at tinawag ko ito. Nakauniform ito at mahaba ang buhok na straight.

"Ate, may stocks pa kayo nito? Kelangan ko pa kasi ng tatlong piraso."

Tumago lang siya at umailis agad. Ang sungit ni Ate, ni hindi man lang nagsalita. Hindi yata natrain about customer service.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Hinintay ko ang pagbabalik ni Ate, inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga paninda nilang mugs, ang ku-cute kasi.

Habang tumitingin ako ng mga mugs ay nasulyapan ko yung nursing students na pababa na ng supermarket.

Naglakad siya patungo ng escalator, pinagmasdan ko ang pagbaba niya. Banayad ang pagbaba niya hanggang sa ikinagulat ko na hindi gumagalaw yung escalator pababa, naka steady lang ito.

Pero paano bumababa ang babae?

Halos ikahimatay ko ng makita kong nakalutang siya. Tumigil siya pababa pero nakalutang pa rin ito. Biglang bumalot ang lamig sa katawan ko at ramdam ko na parang lumaki ang ulo ko.

Hindi ko maiwaglit ang paningin ko sa kanya, napako ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa makita ko na ang suot niyang puting damit ay balutin na ng dugo. Duguan na siya at pumapatak ang dugo sa escalator.

Bumilis ang tibok ng puso ko at lalo pa itong bumilis ng mapansin kong pumipihit ang ulo niya paharap sa akin.

Unti-unti ang pagpihit hanggang tumambad sa akin ang basag basag niyang mukha halos nadislocate ang mga parte ng mukha niya at duguan ito.

Gusto kong sumigaw pero para bagang nakatape ang bibig ko. Nakapako parin ang paningin ko sa babae. Hanggang sa pansin kong palapit ito sa kinatatayuan ko.

Palapit siya ng palapit. Nakalutang siya at tumutulo ang dugo mula sa mukha niya. Hindi pa siya nakalapit sa akin ng ipikit ko ang aking mga mata. Ayaw kong makita siya ng malapitan, baka himatayin ako dito ng wala sa oras.

Nagdasal ako habang nakapikit. Nang matapos ko ang dasal na "Our Father" ay dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Pagkamulat ko ay nahimasmasan ako ng hindi ko na makita ang babaeng multo.

Unti-unti kong iginalaw ang mga paa ko at pumihit ako palikod para lumayo sa section na ito, hindi parin kasi nawala ang takot ko.

Ikinagimbal ko ng makita ko ang repleksyon ko sa cabinet na nakadisplay dito. Nasa repleksyon ko ang babaeng nakita ko kanina, kung paano ang pagkakatayo ko ay siya ring pagkakatayo niya.

Tumakbo ako hawak hawak ang dalawang mason jars at nakita ko si Ateng masungit, nakatalikod ito habang inaayos ang mga paninda dito.

"Ate! Ate!"

Tinawag ko siya, nagpapanic pa rin ako dahil sa nakita ko kanina.

Unti-unti niya akong hinarap at ikinasindak ko ng makitang maputla ang kanyang mukha at nakanganga ito, ang mukha niya ay parang nasindak. Ito siguro ang dahilan ng pagkamatay niya. Ilang sandali lang ay lumabas ang dugo sa bibig niya.

Bumilis ang kaba sa dibdib ko at naihulog ko ang hawak hawak kong dalawang mason jars, nabasag ito sa harapan ko habang nakapako ang paningin ko kay Ate.

"Sir! Sir! Ayos lang po kayo?"

Nagising ang diwa ko ng tinapik ako ng employee dito sa Supermartket dalawa sila, isang babae at lalaki. Tiningnan ko sila at nang ibalik ko ang paningin ko sa kinaroroonan nung Ate ay naglaho ito.

"Yung babaeng.."

Paliwanag ko sabay turo sa likuran ko.

"Nakikita niyo rin po siya?"

Tanong nung babae sa akin na ikinagulantang ko.

Dinila nila ako sa 1st floor para kausapin, halos ayaw kong tahakin yung escalator kanina dahil doon ko nakita yung babae pero nilakasan ko ang loob ko dahil may kasama naman ako. Pinaliwanag nila na ang tungkol sa nakita kong babae.

Siya daw si Belen, isa sa mga employee sa Supermarket nila. Nahimatay daw siya 2 months ago at dito sa Supermarket na binawian ng buhay habang naka shift siya.

Ang sabi ng iba ay nawalan ito ng hininga dahil may hika ito pero sabi ng iba ay namatay siya dahil nakita niya yung multo sa 2nd floor.

"Sino yung isa pang babae na naka-nursing uniform?"

Tanong ko at halatang binalot sila ng takot dahil sa kanilang reaksyon.

"Nakita mo rin yung multo sa escalator Sir!?"

Mabilis na tanong nung lalake. Tumango ako para tumugon sa kanya.

Yung babaeng naka-nursing uniform daw ay isa sa mga customer nila last year, nahulog daw ito sa hagdanan noong wala pa silang escalator, nauna daw ang mukha nito. Napuruhan ito sa utak kaya binawian agad ng buhay. Kaya ganoon na lamang na pinalitan nila ang hagdanan ng escalator.

Binayaran ko ang mga jars na nabasag ko at nagpakuha ng stocks nila.

Simula noong pangyayaring iyon ay hindi na ako pumunta sa Supermarket na iyon. Ilang taon din ang nakalipas at tuluyan na itong nagsara.

Patuloy pa rin daw ang pagpaparamdam ni Belen at nung babaeng naghulog sa hagdan, lalo na kapag closing shift.

Sana nagustuhan niyo ang kwento ko.

Arthus from Tarlac City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon