Kadena"
January 12, 2013 gumising ako ng maaga, mga 4:30 para hindi ako malate sa school. Habang naliligo ako, may naririnig akong ingay galing sa bintana, hindi ko na lamang ito pinansin. Tuloy ang pagligo. Paglabas ko ng banyo nagising na si mama para magluto ng breakfast. Habang nagluluto si mama naririnig nya si lola na umiiyak, hindi mapakali, parang gustong tumayo. Ngayon si mama tinulungan muna si lola para bumangon, magsi-cr daw si lola. Pinagpatuloy ko ang pagluluto. (Fast forward) 4:00 ng hapon nasa school ako nang tumawag ang tita ko.
Ako: Hello tita bakit?
Tita: Umuwi ka na dahil ang lola mo nasa ospital (Umiiyak)
Ako: Sige po! (Paiyak na)
Dali dali akong pumunta ng ospital, wala akong pake sa ibang tao, uunahin ko pamilya ko. Pagdating ko dun lahat sila umiiyak.
Papa: Patay na ang lola mo
Ako: *Umiiyak habang lumalapit kay lola
Kinabukasan binurol na si lola. Hindi muna ako pumasok at tumulong muna ako sa pag aasikaso ng mga pagkain at gagamitin para sa mga dadalaw. (Fast forward) Ubos na ang mga tao, nagliligpit na lang ako ng mga pinag gamitan. Umupo ako saglit sa harapan at kinakausap ko ang sarili ko. *Gring gring* maingay na kadena na kumakaladkad sa sahig at mabagal pa ang paghakbang nito. Lumabas ako at sumigaw hoy! Ang ingay mo! Umaga na! Nagising si tito.
Tito: Bakit ka nasigaw ang ingay mo!
Ako: Tito may naglalakad kasi sa labas, may hawak na kadena. Ang ingay kasi e.
Sinilip ko ang paligid, wala namang tao, ako lang at yung guard sa parking lot. Lumapit ako at nagtanong sa guard.
Ako: Manong kapag may nakita kayong nagkakaladkad ng kadena barilin nyo ah?
Manong Guard: (Nagpatawa) Barilin agad, di ba pwedeng sawayin lang? Ako: (Pabulong) P*ky*!
Naglalakad na ako pabalik. Kinilabutan ako at dahan dahan akong pumasok sa loob. 4:00 am na, bumalik ako sa dati kong pwesto sa harapan nang mapansin kong umuusok ang kabaong ni lola. Makapal na usok at pataas ang direksyon nito, palibot ang usok. Lumapit ako at tinignan ko ang paligid, baka may umaapoy. Tumakbo ako sa kwarto at ginising si papa. Nang makita namin ang usok, nagulat din ang tatay ko. Kumuha ako ng tubig, baka may nasusunog lang. Ngunit nagtaka ako, walang amoy ang usok nito. Ginising namin ang mga kapatid ni papa at pagsilip nila ay nawala ang usok. Nagalit pa sila at sabing wag magbiro at ang sabi ko meron talagang usok na makapal, nakita namin ni papa. Pagsilip ko sa may pintuan ay may taong nakatayo na naka black na may hawak na kadena. Nagulat ako at hindi na lamang ako umimik. (Fast forward) Nagising na ako ng gabi, umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga gagamitin kinabukasan para sa libing ni lola. Kumain ako at naligo at bumalik na ako sa chapel.
Tumambay ako sa labas at kausap ang guar. Nang tumingin ako sa may pinto, andun na naman yung lalaking may hawak ng kadena. Sinabihan ko ang guard at nilapitan namin, sinita ng guard yung lalaki at ang bilis nito tumakbo habang kumakaladkad ang kadena nito sa sahig. Sinabi ko ito kina papa at mama ngunit sabi nito sakin wag nalang pansinin. Kinabukasan 9:00 ng umaga naghanda na kami para sa libing ni lola. Pagdating namin dun pumwesto ako sa bandang likuran. Hindi ako maiyak iyak dahil pagod na pagod ako kakaasikaso kaya pagkatapos ng libing ay umuwi na agad ako. Pag uwi ko ay humiga at nakatulog agad ako. Nagising ako ng bandang 3:07 ng umaga para magcr. Bumalik ako sa kama at humiga, hindi na ako makatulog. Binuksan ko ang bintana dahil init na init ako, pinatay ko ang ilaw. Paghiga ko, may naririnig akong naka boots na sapatos at ang ingay ng sapatos nito. Mabagal ang hakbang nito at kumakaladkad ang hawak nitong kadena. At ang tagal nitong makarating sa bintana.
Habang tumatagal lumalakas ang hakbang papalapit sa bintana . Lumapit ako sa bintana para isara ito dahil natatakot ako sa magiging mukha nito kapag sumilip. Nakayuko ako at dahan dahang sinasara ang bintana. Mabilis akong bumalik sa kama at nagkumot. Huminto ang paglalakad at pagkaladkad ng kadena. Tinanggal ko ang kumot at dahan dahang tumitingin sa bintana. Nang makita ko ang bintana, nakatayo sya at nakasabit ang kadena sa leeg at tumutulo ang dugo sa bintana. Napaiyak ako sa sobrang takot at sumigaw. Nagising sila papa at pinuntahan ako. Kwinento ko ang pangyayare at kinabukasan umuwi muna ako sa cabuyao para makalimutan ang nangyare.
Yun lang! Sana mapost to spookify
🙂 thanks
🙂
#KADENA
#BINTANA
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
