Ngiti ng isang Professor
Hi sa mga mahihilig sa horror stories na kagaya ko. :)
Hindi ko alam kung matatakot kayo sa ibabahagi kong kwento sainyo tungkol sa panaginip ko.
October 26, 2016 - Wed.
Alam naman nating lahat na karamihan sating mga estudyante ay sembreak na sa ganitong panahon. Pero itong panaginip ko ay school setting. Karamihan sa mga nakita ko sa panaginip ko ay kilala ko. Ang iba pa nga sakanila ay close ko. Pero may iilan na hindi ko na matandaan o mamukhaan.
May isa daw kaming sinalihan na dance contest sa school namin. Syempre, kami nag pa-practice. After naming mag practice, lunch break na. Malaki at maganda ang university pero may iilan sa parte ng eskwelahan ay parang inabandona na. Si Maria lang ang kasama ko that time na kumakain. Nasa parang abandonadong part kami ng eskwelahan. Ang itsura dun ay mala-hotel ang datingan. Hahaha. Sosyal eh noh? Kami lang ni Maria ang nandun. Nag simula na kaming kumain. After ng ilang minuto ay hinanap namin ang dalawa pa naming kaibigan na sila Kyrie at Yuri. Tinex ni Maria ang dalawa at ang reply nila ay nandun sila sa dating kinakainan namin. Agad ko namang sinabi kay Maria na, ""Sabi ko sayo eh! Dun nalang dapat tayo."" Medyo natatakot na kasi ako sa ambiance kung saan kami kumakain. Then mamaya maya.......... Boom! Biglang nagbago kung nasan kami! Shems! Tumingin ako sa paligid namin. Nasa isang kainan kami. Alam ko part parin ng school ito. Pero may iba't-iba ng estudyante kaming kasama. Nang tinignan ko si Maria, ayun kumakain parin. Walangya! Hindi man lang siya nagulat?! What the eff! After ko namang mawindang ay biglang umeksana na ang dalawang estudyanteng babae. Nag uusap sila, napansin ko na yung isang babae ay natatakot. Hindi ko alam kung bakit pero ng dumating ang isang Professor na nagwawala sa entrance dahil sa ayaw siyang papasukin ng isa sa mga staff ay doon ko napagtanto na siya pala ang dahilan kung bakit natatakot ang isang estudyante dito. Nanginginig na ang babaeng nasa gilid lang namin nakatayo ng dahil sa takot habang hawak hawak siya ng kaibigan niya. Nang makapasok na ang Professor sa loob, nilapitan niya kaagad ang dalawang estudyante. Pinag sasabihan niya ito dahil mukhang may ginawa silang kalokohan. Hindi ko man matandaan kung ano ang eksaktong sinasabi nila ay mahahalata mo naman ito sa kilos nila. Pagkatapos sabihan ng Professor ang dalawang babaeng estudyante ay bigla na namang nagbago ang paligid ko. Ang dalawang estudyanteng babae ang nasa harapan ko. Masaya silang nag ba-bonding. Slow motion ko silang nakikitang naghahabulan habang tumatawa. Masayang masaya sila. Nang biglang umeksena na naman ang babaeng Professor na masungit. Bigla silang hinabol ng Professor, madaming pasikot sikot sa paligid nila. Madaming mga malalaking cabinet ang nakapaligid sakanila. Parang nasa isang abandonadong building sila. Ang dalawang estudyanteng babae ay takbo lang ng takbo para matakasan ang kanilang Professor. Pero anak ng tipaklong naman oh! Nahila ng Professor ang laylayan ng damit ng isang estudyante, at dahil sa malakas ang pagkakahila nitong Professor ay na out of balance ang estudyante.
Biglang humampas ng malakas ang ulo nitong estduyante! The f*ck! Tuluyan na ngang naabutan nito ng kanilang Professor at mabilisan siyang niyapak upang hindi na ito makatakas at natumba silang dalawa. Pagka tingin ko sakanilang dalawa ay asdfghjkl !!!!! Yung ulo ng isang estudyante! Biglang gumulong papunta dun sa harap mismo ng Professor!!! Ako na mismong parang nanonood lamang sakanila ay nagulat at natakot malamang! Pero yung Professor! Putek! Imbis na magulat o matakot ay bigla itong ngumiti! At sabay lingon sakin!!!! Shems! Kahit na mukhang nandoon ako mismo sa pinangyarihan ay imposibleng makita niya ako! Dahil para ko lamang silang pinapanood sa isang telebisyon!
Aprust97
Pasig
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorreurTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
