ATE

1.8K 36 4
                                    

ATE

Kwento ito ng friend ko na may lola na teacher. It was 1991 nung nangyare itong story ng lola nya. So eto na nga, habang nasa school si Teacher Gina (not the real name), nakatanggap sya ng tawag mula sa amo ng kapatid nya na noon ay namamasukan bilang kasambahay sa isang konserbatibong pamilya. Ibinalita na may matinding sakit ang kapatid ni teacher gina, Agad naman syang lumuwas duon sa bahay na tinutuluyan ng ate nya.
Malaki ang bahay, parang mansyon na nga kung tatawagin. 1st time lang din nya madadalaw ang ate nya buhat ng magpasya itong magtrabaho bilang kasambahay. Pagpasok sa gate ay may sumalubong na matandang lalaki sa kanya, siguro kung titignan ay hardinero nila duon. Agad namang nagpakilala si teacher gina sa lalaki at agad ding sinabi nya ang pakay nito. Hindi na rin nabigla ang hardinero dahil siguro namanduhan na sila na pupunta si teacher Gina, hinatid agad sya sa parang office na kwarto ng may-ari na si Mr. at Mrs. Alcantara (screen name).

Duon ay nagkamustahan nga sila, napag alaman din nyang doktor pala ang mag asawa. Kaya siguro ay dito na sa mansyon inalagaan ang ate nyang may sakit. Sinabi kay teacher ang sakit ng ate nya na medyo malubha na daw. Kahit papano ay laking pasasalamat ni teacher gina na hindi pinabayaan ang kanyang ate. Inutusan uli ang hardinero upang samahan si teacher gina sa kwarto kung saan naroroon ang kapatid nya. Sobrang tuwa nya at makikita nya uli ang kapatid nya matapos ang mahabang panahon. Ngunit laking gulat nya sa pagpasok sa kwarto, medyo may amoy na at nakita nga nya ang kapatid nya na nakadungaw lamang sa bintana. Balak sana nyang gulatin ito habang nakatalikod nang maapakan nya yung kadenang nakatali sa paa ng ate nya. Nagulat sya, kung bakit nakatali ng kadena ang mga paa ng ate nya, minabuti nya nang harapin ang ate nya. Ngunit tinignan lamang sya nito at muling ibinaling ang tingin sa bintana. Kinakausap nya ang ate nya ngunit hindi sya nito iniimik, kalunos lunos ang tingin ni teacher gina sa ate nya,. Di nya na rin mapigilang umiyak at yakapin ang ate nya ng mahigpit at humingi ng pasensya sa matagal na panahong di sila nagkita.

Malungkot man si teacher gina ngunit di rin maalis ang kanyang labis na pagtataka dahil malayo sa deskripsyon ang sinabing sakit ng ate nya sa mga nakikita niya ngayon. Agad tuloy syang komunsulta sa mag asawa kung ano ba talaga ang pinagdadaanan ng ate nya. Kung bakit hindi sya nito magawang kausapin at para saan ang mga kadenang nakakabit sa ate nya. Umasang magsasabi pa ang mag asawa tungkol sa mga nangyayare sa ate nya ngunit ganun lang daw yun dahil sa epekto ng mga gamot na pinaiinom nila sa ate ni teacher gina. Mismo ang pagkain ay hindi basta basta, dahil ang mag asawa ang mismong nagpapasya sa kakainin ng ate nya. Dahil hindi panatag na nanduon lamang ang ate nya, humiling sya na iuwi na lang ang sya at duon na mismo magpagaling sa probinsya. Ngunit hindi pumayag ang mag asawa at sinabing mas makakasama kung ibbyahe pa nya ito pauwe. Gayunpaman ay wala ng nagawa si teacher gina kundi hintaying mapabilis ang paggaling ng ate nya.
Kinabukasan minabuti nyang magpahangin sa labas, nais nya sanang isama man lang ang ate nya ngunit hindi rin pumayag ang magasawa na nuo'y paalis at papunta sa ospital na pinagttrabahuan.

Siya na lamang ang nagpasyang lumabas, nasa gate pa lang sya ay nakita nya na ang isang lalaking nangangahoy. Sumabay ito sa paglalakad sa kanya, medyo naweirduhan sya sa lalake, agad nalang napukaw ang atensyon nya nang magtanong ang lalake. 
"Miss, bagong Miyembro ka?" Nagulat si teacher gina. " Miyembro ng alin?" sagot naman nya. Nagtanong uli ang lalake. "Bagong miyembro ka ba dyan sa mga kulto na yan?" "Ha?" sabi ni teacher gina. "Anong pinagsasabi mo? Anong mga kulto?"
"Kaano ano mo ba sila Mr. Alcantara?" balik na tanong ng lalake. Sumagot agad si teacher gina " Wala, andito ako para sa ate ko, may sakit kasi sya kaya pinatawag ako ng may-ari ng bahay".
"Sya ba yung namamasukan dyan?" sagot ng lalake"
"Oo ate ko yun" Nagulat si teacher gina sa naging reaksyon ng lalaki, agad sya nitong nilapitan at sinabi "Miss, matagal nang patay ang kapatid mo! Isang buwan ng nakakalipas" Nagulat si teacher gina sa mga nasambit ng lalaki, at nainis din kung baket ganun yung mga sinasabi ng lalaking yun. Gusto pa man din nyang magtanong nang tumawag mula sa gate ang hardinero at pinapauwi na sya. Agad namang lumakad ng papalayo yung lalaking kanina lamang ay kausap nya,. Minabuti nang pumasok na lang ni teacher gina. Agad syang nilapitan ng hardinero at sinabing nakatakas sa pagkakakadena ang ate nya, na agad naman syang naghanap. Nagulat na lamang sya nang makita nyang pagulong gulong ang ate nya sa lupa sa bakuran. Agad nya itong nilapitan para pigilan ngunit pinipilit ng ate nya na maglupasay sa lupa. At kung minsan ay aakmang bubungkal ito. Umiiyak na nuon si teacher gina sa mga nangyayare, hindi nya alam kung ano talaga ang nangyayare.

Buti na lang ay dumating ang hardinero at nagpatulong sya ihatid sa kwarto. Noon ay gulong gulo na si teacher gina, minabuti nyang lumabas ulet ng mansyon, umaasang makita nya ang lalakeng nkausap nya kanina. Ilang saglit pa ay nakita nya agad ito sa kanto, agad nya itong nilapitan at nagtanong sa mga nalalaman nya. Ito ang kwento ng lalaki:
"Matagal ng usap-usapan ang mag-asawa na yan, hindi sila normal na mga doktor. May sinasamba sila na iba sa mga sinasamba ng ilan. May mga kasama din silang mga miyembro na madalas sumamba sa loob ng mansyon. Taun-taon ay may pinapatay sila upang ialay sa diyos na sinasamba nila. Kayo ko yan nalaman ay minsan napag-utusan akong magbuhat ng mga gamit papasok sa loob ng mansyon. May mga ilang tao duon akong nakita sa loob ng maliit na kwarto bandang kanan papuntang garahe. Nakita ko ang kapatid mo nuon ay nakaupo sa loob ng silid na yun. Nagtataka lang ako dahil minsan napansin ko yan nang napadaan ako sa harap ng gate ay nagdidilig ng halaman, malakas, masigla. Pero nang makita ko nung araw na yun ay parang hinang-hina at parang puyat na puyat. Hindi ko na masyado pang nakita ang eksena sa loob dahil isinara nila ang pinto nang mapansing nakasilip ako. "Miss, kailangan mo nang ilibing ang kapatid mo, gusto na nyang mamahinga!" Buong salaysay ng lalake. Sobrang gulat na gulat si teacher gina sa mga isinilaysay ng lalaki at mangiyak-ngiyak din ito sa habag na nadadama para sa kapatid.

Nagtanong si teacher gina kung bakit walang nagsusumbong sa mga pulis. Sabi naman ng lalake ay matagal ng maraming sumubok na magsumbong. Ngunit dahil makapangyarihan ang mag-asawa ay madali nilang napapaikot ang kaso kung may maisampa man laban sa kanila. Nakipagkasundo sya sa lalaki na tulungan syang maitakas ang ate nya, sumang-ayon naman ang lalake sa pagtulong kay teacher gina. Agad bumalik si teacher gina sa mansyon, kasunod nya din ang van na papasok sa gate, hindi na nya nagawang magtago pa. Nakita pa nyang bumaba sa kotse ang mag asawa at bumungad sa kanya ng pagbati. Kinakabahan ma'y pinilit pa rin nyang ngumiti. Sabay sa pagbaba ng mga asawa ay diretso ito sa isang silid, silid kung saan itinuro ng lalake ang nagaganap na pagsamba. Maya maya nakita na rin nyang may mga bumabang iilang tao mula sa van, lahat ay nakaitim at ang iba;y may mga bitbit na libro. Nuong masaksihan nya iyon ay wala na syang inaksayang panahon. Mula sa kwarto ay kinuha nya ang injection kung saan tinuturok sa ate nya upang makatulog. Agad syang bumaba sa kusina at tinignan ang hardinero na noo'y abala sa pagluluto. Agad nyang tinarak ang injection sa leeg at tinakpan nya ng panyo ang bibig upang di makasigaw. Unti unting nawalan ng malay ang hardinero at agad nyang kinuha ang susi para sa mga kadena ng ate nya. Tyempo naman na nakadungaw na sa pintuan ng kusina ang lalake, at agad itinuro ang direksyon kung saan papunta sa kwarto ng ate nya, dala-dala ang susi. Agad naman sumilip sa garahe si teacher gina upang magbantay, sinamantala nya ang oras ng pagsamba at ang pagtakas nilang magkapatid.

Sa di kalayuan ay nakita nya na ang lalaki na ikinakaway ang isang kamay, senyales na maaari na silang lumabas ng gate. Agad namang sumunod si teacher gina sa lalaki habang pasan nito ang kapatid nya, at mula sa labas ay tuluyan na silang nakatakas sakay ng isang inarkilang tricycle.

JA

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon