Aswang in Malaysia

2.3K 56 3
                                    

Aswang in Malaysia

Para po ito sa mga di naniniwala sa aswang, at sa mga nagsasabi na sa pinas lang daw may aswang. Actually guys kahit saang lupalop naman ng mundo may kagaya sa awang na tinutukoy natin sa pinas, iba nga lang ang term nila sa kanilang lengguahe. Aswangs are shape shifters or shape shifting creatures sa english. Hantu, sa Malaysia.

Ok, so ishashare ko na ang kwento ko.

I'm working here in Genting Malaysia, ang Genting ay nasa tuktok ng bundok, City above the clouds nga kung tawagin. Para siyang Baguio version dito sa Malaysia pero times 5 siguro sa lamig. Magubat pa ang mga gilid ng daan kapag aakyat ka dito pero sementado naman ang kalsada.

Ito ay nangyari sa mag-asawa na masugid na guest ng Genting. Most of the time nasa Genting sila para magsugal, casino kasi main attraction dito pero after this incident happened hindi na sila bumalik.

Kakatapos lang magsugal ng mag asawa. Medyo madilim pa nun nung nagdecide sila umuwi so sumakay na sila ng kotse. Dumaan sila sa shortcut at sa lugar na yun liblib talaga at sikat pa sa pagiging haunted road, at ito po ay ang Karak road. Along Karak road habang nasa byahe sila pababa ng bundok eh nasiraan sila ng sasakyan. Chineck ni husband ang makina habang nasa loob si wife. Sa katagalan dahil wala namang humihinto na sasakyan para tulungan sila e nagdecide na si husband na maglakad-lakad kasi kukuha daw siya ng tubig kung san man pwede pag kuhanan, nag over-heat daw kasi ang makina. Sinabihan niya ang wife niya na hintayin daw siya at ilock mabuti ang mga pinto ng kotse. Si wife naman natatakot dahil bukod sa madilim na ang lugar na yun eh worried din siya para sa husband niya. At ayun umalis na nga si husband at naghintay lang si wife sa kotse.

Sa katagalan ng paghihintay, di namalayan ni misis na nakaidlip siya. Nag-alala na rin siya  dahil di pa bumabalik ang asawa niya. Napansin niya rin na yung mga nagdadaang sasakyan sa gilid niya e tinataasan siya ng ilaw, at binubusinahan. Kaya nagtataka siya kung bakit ganon.

Maya-maya may mga dumating na mga police cars at pinababa siya ng pulis sa kotse. Inalalayan siya ng pulis at naglakad sila palayo sa kotse. Sinabihan siya ng pulis na wag na wag titingin sa kotse ng mister niya, pero dahil curious si misis edi sumilip ito. At nakita niya....

Asawa niya na pugot na ang ulo sa bubong ng kotse. Halos mabaliw si misis sa mga sandaling iyon at hindi siya makapaniwala dahil wala naman siyang naramdaman.

Ayon sa report, mula sa mga sasakyan na napadaan eh bago raw mangyari yun, may nakita daw silang nakakatakot na nilalang sa ibabaw ng sasakyan. Mahaba ang buhok na babae, maitim at mabalahibo ang balat at nakaupo na animoy may kinakain na akala mo gutom na gutom. Sobrang nakaktakot daw kaya hindi nila nagawang tulungan. Ulo lang ang natagpuan sa ibabaw ng sasakyan, hanggang ngayon hindi po nakita ang katawan.

Nangyari pa yan wayback early 20's at sa lahat daw ng matatagal ng nagtrabaho sa company namin, imposibleng hindi daw alam ang kwentong yan. Kasi sobrang usap-usapan daw sa lugar yung nangyari sa mag-asawa although hindi na nabalita sa news. Dahil ang mga ganitong malalaking company pag may ganitong insidente eh hindi na nagpapamedia o kaya naman magbabayad agad sa mga tao. Pero totoo talaga to dahil ako mismo and paboritong dealer ng mag-asawang yun at never ko na nakita yung wife after that incident.

Salamat po sa pagbabasa.

Nevermind

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon