4th life

2.7K 50 1
                                    

4th life

Sana po mapost to. Since di ko na ren alam nangyayare saken.

Year 2012 nang magkaron ako ng sakit na diabetes at the age of 13. Madaming nagtataka kung bakit ako nagkaron ng diabetes kase nga bukod sa bata pa ko, wala naman sa lahi namen ang may diabetes. So eto na nga. Bata pa lang ako, siguro mga 5 or 7. Sakitin na talaga ko, konting galaw dadalawin ka na ni lagnat. Kung hindi naman dengue, uti, etc. So since nga sakitin ako at laging dinadalaw ni lagnat, may isa ding di ko alam kung tao ba sya o ano na lagi den na nandyan nagbabantay. Tuwing nilalagnat lang naman ako saka ko sya nakikita. Isa syang hugis tao. Alam nyo yung anino naten? Ganon. Maitim sya pero may mata. Yung mata nya puro lang puti. Mmatangkad sya, isang malaking tao.

Yung bahay namen before malaki. Di naman sya masyadong malaki. Pero yung cr namen non walang ilaw. Kase may ground na yung pinaka lalagyanan nya nung ilaw. So pag gabe pag nadudumi ka tiisan mga bes. Kase total black out talaga sya. Yung kwarto ko dati walang pinto kase nga sakitin ako tapos every night pabigla bigla nalang akong sisigaw. Kaya tinanggal nila yung pinto para marinig nila pagka sumigaw ako. Yung kwarto kong yun malapit sa cr. Every 1am lagi ko syang nakikitang dumadaan don na parang dun yung bahay nya? Nung kinagabihan non nanaginip ako. Hindi ko alam kung panaginip ba sya kase parang totoo talaga sya. Yung lalaking laging nakabantay saken kada may sakit ako, is nakatitig saken. Tas unti-unti syang lumalapit saken at sinasama ko. Good thing hindi ako sumama sa kanya non. Pagkagising ko mag 3 na ata ng hapon yun? Tapos pawis na pawis ako. Then after so many years lumipat na kami dito banda sa may bulacan. Simula nung tumungtong ako ng 1st year hs dun na ko dinapuan ng diabetes. Ang sabe sa mga kinakain ko daw yun nakuha. Eh since malapit school at bahay namin sa sm marilao, puro fast food nalang lagi naming kinakain. Bihira nalang kaming magluto.

Yun na nga. Kaya nga 4th life yung title kase nga pang apat na buhay ko na to. Dinaig ko pa yung pusa no? Haha pero maswerte pa rin ako kase nga kahit na pang apat na buhay ko na to, eto pa rin ako.😊

So eto talaga yun. Haha since nung madiagnose ako na may diabetes ako, labas pasok na ko sa hospital. Napayaman na namin yung mga hospital na pinupuntahan ko. Kase every month nasa hospital ako. Unang beseng kong mahospital bigla nalang daw akong nagcollapse sa mismong gate namin. Pagkauwi galing school. So eto na naman sya nakabantay saken sa likod ng kurtina. Nandon lang sya pag umaga. Then second visit ko sa hospital, sinakay naman ako sa ambulansya non. Yun lang ang tanda ko. Nung sinakay na ko ng wheel chair nandun sya sa pintuan ng morgue. Na may tinuturo, di ko alam kung ano pero nung mga time na yon bigla nalang akong kinilbutan. Third time medyo ok na ko nun, mga kinabukasan siguro pwede na kong lumabas ng hospital. Gabe nun sobrang lamig. Nakabukas pa yung aircon. Nung palalim na yung tulog ko nanaginip ako. Nakita ko yung mismong ako! Na lumabas mula sa cr. Tapos mabilis yung kilos nya na dire-diretso papunta sa higaan ko. Basang basa ako non. Eh yung cr nasa bandang ulunan ko lang. Eh diba pag sobrang lamig ng paligid mo meron kang 101% na magka nigthmare. Pero saken kase para syang totoo. Nakakatakot.

Then the last time na mahospital ako diretso daw ako non sa icu eh. Pero ang alam ko ang nakikita ko lang is yung lola ko, asawa ng tito ko, at yung lalaking laging nakabantay saken which is mga wala na. As in mga patay na. Nasa dulo sila nun na sobrang liwanag. Dahil lola's girl ako, mas pinili kong puntahan sila kesa umuwi. Nung malapit ko ng mahawakan kamay ng lola bigla nalang dumilim tapos yung mga itsura nila nakakatakot! Paiyak na ko non nang bigla akong hilahin nung lalaking itim. And then parang may flashback na nangyare saken. Simula nung bata ako hanggang sa ngayon, lahat yun nakita ko! May nakita na naman akong liwanag. Nang bigla nyang sabihin na r*** hindi mo pa oras. Masyado ka pang bata. And then booom! Nagising nalang ako out of nowhere. Biglang tumawag papa ko at sinabing yung teacher ko na kapit bahay namin na laging tumutulong saken is wala na. Laging ganun, kada mahohospital ako may namamatay na malapit saken. Na para bang sila yung sumasalo saken na dapat ako yung makakatanggap? And simula din non, di ko na rin sya nakita. Di na rin ako nahohospital. Never na din tumaas sugar ko. It's a blessing lang na di nya pa ko isinama 😊 Ang pinagtataka ko, sino kaya sya? Until now di ko pa den alam kung anong meron sa kanya.

Sorry po if medyo mahaba at kung di nyo maintindihan kwento ko. Basta be thankful po kung anong meron kayo kase di nyo nararanasan mga nararanasan ng isang type 1 diabetic.

RAINDROPS

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon