Tita

1.4K 25 0
                                    

Marami po talaga akong naeexperience na paranormal pero eto talaga isa sa mga nakakapagpatayo ng balahibo ko. Here it goes...

May tita ako, bale pangalawang asawa na siya ng tito ko. Nagwowork siya sa isang dressing plant sa kasunod na bayan namin. Okay naman ang lahat. Matagal na rin siya nagwowork dun until one night nagpaalam siya sa supervisor niya na uuwi siya kasi masama pakiramdam niya. Kaso di siya pinayagan kasi baka nagdadahilan lang daw. After few hours, bigla na lang daw nahimatay si tita tas itinakbo siya sa isang community hospital. Itinawag sa amin na nakaconfine siya dun. So si tito at si nanay (lola ko) dali daling pumunta dun. Un pala dineclare ng dead on arrival ung tita ko at sa morgue na raw nila naabutan.

Ibinurol si tita sa bahay nila nanay. Wala namang creepy dun pero every midnight daw may naririnig silang kumakatok galing sa kabaong. Dinadaan na lang nila sa dasal kasi di naman daw pwedeng iwanan ung bangkay.

Fast forward na... 2years after niya namatay may nasaniban daw dun sa dressing plant na pinagtrabahuan niya. At ang sabi si tita daw sumanib dun. Paano nila nalaman?

Nagtataka raw lahat ng mga kawork ni tita kasi newly hired ung babaeng sinaniban. Itago na lang natin sa pangalang Rea. Kakahire lang kay Rea nun pero kabisado niya lahat ng gawain sa loob ng dressing plant. Nagtataka rin sila kasi kilala niya lahat ng mga datihan dun at di nila nakitang nakikipag usap siya sa mga kabatch niyang nahire. Nung nagbreaktime na, nilapitan si Rea ng leader nila.

L: Rea, okay ka lang ba?
R: Oo, okay lang ako leader.
L: Bakit di ka nakikipag usap sa mga kawork mo? Sure ka wala kang problema?
R: Leader, ako to. Tulungan mo ako.
Leader: *Naguguluhan na)* Kilala mo ba ako?
R: Oo. Kilalang kilala kita. Diba nachismis ka pa dati dun kay Mark?
L: Elena ikaw ba yan? (Di totoong pangalan ni tita)
R: Oo ako to. Tulungan mo ako. Madilim sa kinaroroonan ko ngayon. Wala akong makitang liwanag. Nakalimutan na ata ako dun sa amin.

Bigla na lang nahimatay si Rea pagkatapos nun. At ung leader nila nakatulala. Kinaumagahan napagdesisyunan nilang ipagtirik ng kandila si tita at nagpamisa na rin sila dun sa dressing plant.

Tita kung nasaan ka man ngayon, sana maging masaya ka na. Mahanap mo na sana ung katahimikan na para sayo. Di naman namin pababayaan ung unica hija mo.

Sayc

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon