co-trainee

3.4K 68 0
                                        

co-trainee

hello po!! first time ko magsulat dito and i just want to share 'yong experience ko sa isang hospital dito sa amin kung saan ako naging nurse trainee for a year around (2014-2015) so here it goes...

I was assigned for almost 9 months sa ICU. one time 3pm to 11pm yata duty namin, medyo hindi kami busy kaya nag-kwentuhan na lang muna kami about mga bagay-bagay hanggang napunta kami sa topic na horror stories about sa hospital. Nakwento ni Mam Lia (staff ng hospital) na may nakasama rin siya dati na katulad namin ay nurse trainee rin na may 3rd eye. nakikita nya ang mga kaluluwa ng mga pasyenteng malapit na mawala.

nakwento ni Jana (yung may 3rd eye) kay mam lia na isang beses daw nung papasok si Jana sa ICU ay paglingon nya may palakad-lakad na lalaki sa unit at alam nyang isa yon sa mga pasyente nila na comatose kaya tinignan nya ang kama ng pasyenteng ito at nakita nya na natutulog ito maya maya pa biglang nag-flatline ang monitor ng pasyenteng yon. Habang pilit sinasalba nila mam lia ang pasyente ay nakikita ni Jana na ang kaluluwa ay nanunuod sa katawan nito na sini-CPR at naulit pa daw ang mga ganitong pangyayari ng maraming beses kaya sa tuwing duty si Jana, tinatanong nila agad kung may casualty ba sila sa shift nila. Kaya minsan tinanong ni mam lia si Jana kung paano niya nalalaman kung may mamamatay sa unit, ang sabi niya pag-nakita niya na lumabas daw ang kaluluwa sa katawan, mamamatay daw iyon pero kapag sini-CPR ang pasyente pero wla namang kaluluwa siyang nakita ibig sabihin marerevive daw iyon.

may times din sabi ni mam lia na habang nagkukwentohan sila ni jana sa nurse station ay hindi daw ito mapakali at hindi mapirme sa isang lugar palaging lumilipat lipat ng upuan at para daw naiirita. nung nakaalis na sila sa unit at pauwi na, tinanong niya si jana kung anong nangyari sabi ni jana may maitim daw na bata na gustong makipaglaro sa kanya kaya siya palipat lipat ng pwesto kasi ayaw niya pansinin ito pero kinukulit talaga siya. dinagdag din ni jana na may lalaking itim na nakatambay sa medication room at sa tuwing nakakalabas daw ito kasama nung batang itim sa patient's area ay sunod sunod na namamatay ang mga patients nila kahit yung mga hindi comatose ay bigla na lang mamamatay.

matagal na daw bukas ang 3rd eye ni jana since high school pa pero noong bago pa itong bukas ay nanibago siya at natakot, minsan may nakita siyang multo ay pumikit daw siya at nagdasal kaya lng nung nagdadasal siya eh tinabihan daw siya nito at sumabay sa panalangin nya. mula noon mas lalong natakot si jana na kausapin at pansinin ang mga ito pero may mga multo na makulit at talagang nagpapapansin.

hanggang dito na lang pasensiya na hindi nakakatakot at medyo mahaba pero sana nagustuhan niyo ito. marami pa akong kwento pero saka na pagsinipag ulit ako...salamat sa pagbabasa at magandang gabi sa lahat...:)"

nahopia 
mindanao

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon