"Bata,Babae at Ako?"
Hi Admin, I am a silent reader of this page and this will be my very first confession ever. lel, I adore this page so much. More power. Since, this is my first time to share a story. I'll suck but please bare with me.
2012- Lumipat kami ng bahay kasi kakamatay lang ng Mom ko eh ayaw naman nila na manatili kami don sa dati naming bahay kasi nga may memories. Una, Wala naman talaga akong nararamdaman. Okay lang naman yung bahay hindi mabigat sa pakiramdam may mga daga pero Daga lang. Yung itsura ng Bahay eh may maliit na gate tas pag pasok Sala na agad tas Hagdan paakyat sa tabi ng Hagdan banyo, katapat ng banyo Bintana. Tapos sa taas may parang Hallway, 4 Rooms and yung Balcony na.
2013- Lumipat yung Ate ko sa side ni Papa dito sa bahay namin, madaling araw na siya nauwi from work kasi Nurse. Maliit lang yung ate ko kaya mapagkakamalang Bata, so yon, Madaling araw ako nagigising kasi 6AM Start ng klase namin. So yun, Yung pinto namin de-slide lang siya kaya madaling mabuksan pero nagulat ako sa Ate ko kumatok siya. Since naliligo ako diko mapagbubuksan pero katok parin siya ng katok kaya sumigaw na lang ako na patapos na ko, Paglabas ko ng Banyo which is katapat ng Bintana may nakita akong Babae nakaputi, So since Nurse ate ko akala ko siya, Pagbukas ko ng Pinto hindi pumapasok kaya sinilip ko sa labas pagtingin ko wala namang tao na nakasilip sa Bintana. Natakot ako syempre pero pagharap ko sa hagdan may nakatayong bata na para bang nagdadasal. Hindi ko alam kung saan ako dadaan kaya sumigaw ako kaya nagising sila Papa.
2014- Yung mga classmates ko nung Gr. 7 di ko na classmate this time so Since tambayan ang bahay namin pinapunta ko sila bonding bonding kami. Uso pa non yung Hide and Clap? Naglaro sila kasama yung mga pamangkin ko hanggang sa nag uwian na yung isa kong friend na bakla na lang yung natira sa bahay. Chikahan kami hanggang nagtatakutan kami dahil parang may babaeng naglalakad sa hallway. Bumaba kami kasi nga takutan ganon pag akyat namin hinahanap niya yung Phone niya edi ako hanap din hinalughog na talaga namin yung Buong kwarto kahit saan pero wala talaga and naisipan naming tawagan na lang pero 'unattended' siguro twice yon na ganon but yung pangatlong try namin may sumagot kasi nagka-count eh mga 1 min. Na ang ingay sa simula tas biglang tahimik. Naiiyak na siya sa takot kasi imposibleng mawala yon sa loob ng kwarto ko lang na wala namang napasok so after ng ilang minuto hinanap ulit namin nakita namin doon sa taas ng computer table na ang ayos ng pagkakalagay hindi nakahiga, nakatayo yung phone niya at parang dinesplay. Pag check namin may 'Missed Call' Unknown # so tinawagan ko sumagot tas Maingay sa simula biglang tahimik. Feeling namin pinaglalaruan kami ng babae that time.
2016- Eto lately lang pero ilang beses ko na nararanasan. Kapag natutulog ako, Napapanaginipan ko yung sarili kong natutulog. Nakatayo ako sa harapan ko kitang kita ko yung itsura kong tulog na tulog. Minsan kinakausap ko yung sarili ko ng maayos pero minsan parang hindi ko maintindihan ang bigat sa pakiramdam. Noon hindi ko pa sinasaktan yung sarili ko but recently, Nanaginip ako ganon pa din nakikita ko yung sarili ko pero this time parang pinapatulog ko sarili ko hindi ko na matandaan yung iba pero tandang tanda ko pa na habang pinapatulog ko sarili ko hinihimas ko binti ko tas hindi ko na alam kung ano nangyari sunod basta paggising ko puro kalmot yung likod ng paa ko parang kinamot. Malapit na kami mag Moving Up noon hiyang hiya ako kasi nakapalda makikita yung mga Kalmot sa likod ko na alam kong Ako yung may gawa sa pamamagitan ng panaginip ko.
THEN RECENTLY LANG NAMIN NALAMAN NA YUNG ANAK NG MAY ARI NG BAHAY AY NAMATAY SA MISMONG KWARTO KO DAHIL SA BANGUNGOT!
I'll try to continue kung ano yung sinabi sakin ng Lolo ko dati bago siya mamatay....
Nightmary
Manila
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
