Kambal
My past experience way back in my childhood. Avid reader ako ng spookify, pero ngayon lang ako magtatry magpublish ng true story ko 😊
6 years old ako nung nakatira kame sa may pasig. A very cheap place to live. Tagpi tagping bubong, haliging kahoy, at sa likod bahay ay isang malawak na bukirin na sobrang daming malalaking puno (Marami din kaming kapitbahay).
11 na kaming magkakapatid ngayon, pero nung mangyari ang isang insidenteng di ko lubos akalain na mangyayari sakin, 5 pa lang kaming magkakapatid nun. Every night nagkakaroon ako ng masamang panaginip, panaginip na kahit sinong anak ay hindi papangaraping mangyari. Nasa trabaho si mama that time kase isa siyang call center agent sa may ortigas. 2am I was still awake that time at nanonood ako ng favorite kong movie na LION KING. Actually favorite naming lahat yun magkakapatid. That very night when I fell asleep,my nightmares had started. Unang panaginip ko ay namatay ako, sabay iniwan ako ni mama sa isang abandunadong bahay . Madilim, isang butas ng yero lang na maliit ang nagpapailaw sa malaking kwartong pinag iwanan saken ni mama. Nagising ako, niyakap ko ang papa ko sabay hagulgol ng iyak. Wala si mama kase night ang shift sya. Di na ako makatulog kaya inantay ko na si mama.
Umaga nag open up na ako kay mama tungkol sa mga hindi kanais nais kong panaginip. Sabi niya "Magdasal ka bago ka matulog, nakakalimutan mo na kasing magdasal." Bigla akong napaisip at sinunod ko siya nung kinagabihan ring yun. Pero iba naman ang naging eksena sa panaginip ko, namatay si mama at iniwan akong nag iisa sa isang madilim at puro monsters na nakapaligid sa lugar. Binuhusan ako ni papa ng tubig dahil binabangungot na ako. Niyakap ako ng papa ko habang basa at umiiyak ako. Nagmadaling umuwi si mama pagkatext sa kanya ni papa. Niyakap ako ni mama at sinabi sakin na "Tahan na, tandaan mo hinding hindi kita iiwan." Lalong humigpit ang yakap ko kay mama at lalong bumuhos ang aking luha. Ang sinambit niya kasi kanina ay ang sinambit niya sakin bago siya mamatay sa panaginip ko 😔 Hanggang sa umaga na ako nakatulog.
Lumipas ang mga gabi at patuloy pa rin ang aking masasamang panaginip. Hanggang sa nakaidlip ako isang gabi. Bigla akong nagising, nanunuyo ang aking lalamunan at nanginginig ang aking mga tuhod. Nagmadali akong bumaba sa unang palapag ng aming bahay nang biglang....Biglang may dumaan sa harapan kong isang pigurang puti at aninong itim na magkasunod lamang na parang naghabulan sa harapan ko. Nanikip ang dibdib ko at bigla akong nahulog sa hagdan. Narinig nila ang pagkahulog ko dahil kahoy lang ang hagdan at haligi sa bahay namin. Nagising ang dalawang kuya ko at si papa. Namumutla, may bukol sa noo, may pilay at pagdilat ng aking mata ay puting puti at wala kang makikitang kahit anong bahid ng itim sa paligid kahit sa gitna. Natakot sila papa at nagsisigaw ng tulong. Nagmadali lahat ng kapit bahay namin dahil sa sobrang lakas ng sigaw nila kuya ko at papa. Lahat sila nakasaksi. Mahigit 1 oras na dilat na dilat ang aking mata at walang kulay itim. Dumating si mama na umiiyak dahil nag aalala sa akin. May nalaman ako nung umagang iyon. Hindi ko alam na ganun pala ang storya ko. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdan ko.
Maayos na ang pakiramdam ko at nakaantabay sakin sila mama, papa, pati ang apat kong kapatid. Biglang nagsalita si mama. Sabi niya "Dun muna kayo sa labas, may sasabihin ako sa kuya ot-ot niyo." Lumabas ang mga kapatid ko. Inaasahan kong sasabihin ni mama ay dadalhin niya muna ako sa pampanga para magstay sa lolo ko. Pero mali ako. Nagulantang ako sa naikwento sakin ni mama. "Ipinagbubuntis pa lang kita, masayang masaya na ako, dahil inasahan namin na babae ka 😊 Ayaw sayo ng lola mo (mama ni papa) kase pangatlo na daw ikaw at marami na siyang apo. Sinabi niya sakin na ipalaglag kita pero di namin magagawa ng papa mo yun. Kaya nagpasya kaming buhayin ka, tutal maayos naman ang trabaho ko at trabaho ni papa mo. 8 months pa lang ikaw sinugod ka na sa hospital dahil sobrang sakit na ng tiyan ko. Doon nalaman ko na kambal pala kayo ng kapatid mo. Oo may kakambal ka. Kakambal na lalake. Pinapili ako ng doctor kung sino ang pipiliin ko. Syempre mahirap para sakin pero sabi ng doctor mas okay na ikaw, dahil mahina ang baga ng kambal mo. Malusog at mataba ka nung nailabas kita. Tuwa at lungkot ang nadarama namin ng papa mo nung nalaman naming di na talaga kinaya ng kambal mo."
Bigla nalang akong naiyak, di ko alam pero ang sakit sakit. Napagtanto ko na kaya ako nanaginip ng ganun ay dahil sa kambal ko. Pinakita niya sakin ang naranasan niya. Kung nabubuhay siya ngayon? Siguro best brother ko siya. Luminaw na sakin lahat. Magmula noon hindi na ako nanaginip ng masama. Kaya pala ganun sila kaingat sakin. Masaya ako kase nalaman ko na nagkaroon ako ng kakambal. Di ko alam pero baka inaantabayanan niya ako habang sinusulat ko to. 18 years old na ako at ganun din siya. Sa kaarawan namin dinadalaw ko ang puntod niya sa likod ng aming bahay. Maraming salamat kapatid. Alam kong lagi mo kong inaalalayan at sinusubaybayan 🙂
Otskie

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!