Guardians

1.5K 39 5
                                        

Hello Spookifiers! Let me share this story, hindi sya ganun kacreepy pero sana magustuhan niyo 😀😗

Siguro karamihan satin may mga alagang mga cats and dogs. Para kapag wala tayo sa bahay ay may bantay pa rin tayo. Well kami din naman meron, we have two dogs, one cat, love birds (Buti pa ang birds may love), snakes din (Wala na sa gubat ang ahas, minsan nasa kapit bahay nyo na lang hahaha). Hindi ko alam pero malapit talaga ako sa mga hayop, pero bukod sa kanila meron pa kaming ibang bantay. Kung sino at ano sila? Eto na nga ikwekwento ko na.

15 years ago meron kaming kapit bahay na mahilig sa mga halaman. Since mahilig din si mommy sa mga halaman naging close sila. Minsan pa nga eh sabay silang nagtatanim ng mga halaman papasok sa village namin. Just to give a view, yung lugar namin ay medyo mapuno, bago ka pa makapasok sa village namin eh dadaan ka muna sa isang farm. Sa mga taga Antipolo siguro alam nyo na kung saang lugar yun! Back to the story. Dahil magmimigrate na sa ibang bansa ang kaibigan ni Mommy wala ng magbabantay sa mga halaman nya. Ibinigay kay Mommy ang mga orchids, roses, at mga cactus. Hindi naman kalakihan ang bakod namin nun pero nagawan ng paraan ni Mommy para magkasya lahat. May isang maliit na puno naman na kulay chocolate yung mga dahon. Iniligay naman ni Mommy yung chocolate tree na yun dun sa gilid ng bahay namin. At first hindi namin alam na balete pala yung puno na yun kasi nakalagay lang sa timba ng boysen. Hanggang sa lumaki sya at lumago, hindi naman kami nakaramdam ng takot sa puno na yun.

Sa totoo lang ang laking tulong ng puno na yun sa buhay namin. Bukod sa nagpapapresko yung puno kapag mainit, naging malago din ang business ni Mommy. 2014 nang umuwi yung Daddy ko galing abroad, dahil balak nyang iparenovate yung bahay napagdesisyunan nila ni Mommy na ipaputol yung balete tree namin. Nung mga panahon na yun sabay sabay nagkasakit yung mga kapatid ko, pati nga din si Mommy eh. One time bumisita samin yung mga tita ko na kapatid ni Daddy, kasama din nila yung mga bata kong pinsan. Si Red 4 years old, kamukha ko sya at parehas kaming gwapo haha joke! That time naglalaro sya sa bakuran mag isa, nang may biglang pumasok sa bakuran namin na malaking aso. Kilala yung aso na yun na nanghahabol at nangangagat. Hinabol yung pinsan kong si Red, napatakbo ako nun para bugawin yung aso. Pero dahil mas mabilis yung aso tumakbo kesa sakin, napasigaw na lang ako para marinig nila Daddy. Nung akmang susunggaban na ni asong ulol si Red, may isang usok na bumuhat kay Red. Oo usok sya mga bes! Yung usok galing dun sa balete tree! Kita namin lahat yung pangyayare dahil nakalabas na sila Daddy para tulungan sana si Red. Kinarga ng usok si Red para mailayo dun kay asong ulol. Maya maya pa yung aso mga bes, biglang umiyak at takot na tumakbo ng mabilis paalis samin. Tapos ayun ibinaba din ng usok si Red at umakyat na parang tao yung usok sa balete tree. After nun mas lalong gusto na ipaputol ni Daddy yung puno. Baka daw kasi kunin yung mga pinsan ko lalo na si Red.

Sa totoo lang ayokong ipaputol yung puno kasi magaan yung pakiramdam ko kay Super Usok (Tawag ko dun). One week after that incident umuwi kami ng province para sulitin ni Daddy yung bakasyon nya dito sa pinas. Nang makabalik kami galing probinsya, nagkwento yung kapit bahay namin na pinasok daw yung bahay namin ng mga magnanakaw. Wala naman daw nakuha pero yung 3 lalaking magnanakaw eh nakita ng mga tanod na nakasabit patiwarik sa puno ng balete namin. Oo mga bes nakatiwarik sila! Humihingi daw sila ng tulong nang napadaan yung mga tanod. Sabi pa ng mga magnanakaw na ikulong na lang daw sila kesa ipatiwarik at paglaruan ng engkanto sa puno ng balete namin. Dahil sa nangyare, napaisip si Daddy na isang bantay ang nakatira dun sa balete tree namin. Bantay na ayaw mapahamak ang mga amo nya, bantay na kagaya din namin na nakatira ng payapa. Dahil dun hindi na pinatanggal ang balete tree namin. Bago umalis si Daddy nilagyan namin ng Christmas lights yung puno ng balete para hindi masyadong nakakatakot tignan.

PS. Narenovate naman ang bahay namin pero hindi namin pinakialaman yung balete tree.
PPS. Naglagay din kami ng maliit na bahay dun sa ilalim ng puno para kung sakali man na may titira pa eh dun na lang sila sa balete para hindi na sila pumasok dun sa bahay. Nag iiwan din kami ng pagkain dun, baka kasi pag nagutom sila eh pumasok sila sa bahay at kalkalin ang refrigerator namin.
PPPS. Hindi na din nagkasakit sina Mommy at mga kapatid ko simula nun.

RobinWood

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon