3 A.M

4K 81 3
                                    

3 a.m

Isa po akong High School student. Kung iniisip nyo na ako yung tipong bulakbol ehh hindi po. Nasa higher section kasi ako kaya sobrang hectic ng schedule ko. Orgs at clubs dito, assignment and project don, presentation dito, reporting naman jan at maraming kakemerluhang nagaganap sa buhay ko dahil sa mga pesteng gawain.

So eto na nga. May nabangggit samin yung isa kong classmate na isang way or para sa kanya effective way raw niya para magawa lahat ng gagawin namin. Kasi usually kahit umaga yung pasok namin mga 9 pm na kami nakakauwi kasi dumidiretso na kami sa practice namin. Tapos so ayun. Nagkwento siya samin na ang ginagawa nya raw ehh matutulog raw siya ng maaga tapos gigising ng madaling araw mga 2-3 am tapos dun nya gagawin lahat ng mga kailangan gawin at tapusing schoolworks. Kinausap ko siya. Sabi ko pa nga baka di ko kayanin kasi nga takot ako. Tapos imagine-in mo ako lang gising.

Tapos isa pang factor kung bakit ayaw ko sanang i-try yung ginagawa nya ehh kasi naman naniniwala talaga ako sa mga multo, supernaturals at lalo na sa Devil's Hour nga na 3 a.m.

So eto na nga. No choice kung di i-try yung suggestion nya samin. Syempre gusto ko ring matapos lahat ng gagawin ko noh. Kasi lagi kaming busy.

Sakto yung orasan ko. Nag-alarm talaga siya ng 3 am. So ayun tumayo na ko sa kama namin tapos bumaba ako't pumwesto sa may gilid ng kama. Kinuha ko na yung notebook ko tsaka nag-start magreview.

Nasa gilid ko yung kama tapos nasa likod ko yung bintana namin. Nung mga panahong yun nawala sa isip ko yung takot sa 3 am na yan kasi ang tanging goal ko lang talaga ehh ang magreview.

Yung feeling na pangatlong word pa lang nababasa ko(bilang ko yun! Tinandaan ko talaga!) nagulat ako kasi may sumitsit. Isang beses. Edi ako napatigil sa ginagawa ko. Pero tinuloy ko ulet. 
Pero natakot na talaga ako nung masundan pa ng dalawang sitsit galing sa bintana. So ako yung napatingin agad sa bintana na nakasarado naman. Tapos inayos ko na ung upo ko't nakaharap na ngayon sa bintana.

Dun na talaga ako natakot nung sinabi nya yung pangalan ko ng dalawang beses! My gosh Bes! Ang bilis kong bumalik sa higaan ehh tas walang patay patay ng ilaw shet!

Kaya ayun simula nung nangyari yun, never ko ng ti-nry ulet yun. Di na ko gumigising ng 3 am 3:30 am na lang. HAHAHA.

P.S
Ang baba tuloy ng score ko dahil dun. Shetness!

Sitsit Girl 
Pasig City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon