Ang Kaibigang Aswang

1.7K 34 0
                                        

Ang kwento ibabahagi ko ay hango sa karanasan at kwento ng lolo ko (Papa ng mama ko). Namayapa na siya (Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Sa probinsya sila nakatira noon kaya naman maraming karanasan si lolo pagdating sa mga katatakutan. Kinukwento niya ito sa mga anak niya (Isa na doon ang mama ko) at ibinahagi nya rin ito sa amin.

Nagtatrabaho ang lolo ko bilang taga ayos ng mga bahay sa probinsya. Nadestino silang magbabarkada sa kabilang bayan dahil nga sa kailangan din nila ng pangkaen ay pinatos nila ito.

Isang gabi. Nagkayayaan silang mag inuman na magbabarkada. May ilan na umuwi sa kani kanilang tahanan. Nagboluntaryo ang isa nilang kaibigan na sa kanila na lamang sila mag inuman tutal naman daw ay malapit naman doon ang bahay ng kapatid nitong babae.

Nag alinlangan si lolo nung una kase kakaiba yung nasesense nya. Pumayag ang mga kasama nila kaya naman pumayag na din si lolo. Pagdating nila sa bahay ay agad silang pumwesto sa gilid ng bahay, sa may mesang kawayan na napapalibutan ng upuan na gawa din sa kawayan.

Ang itsura ng bahay ng kaibigan niya ay kubo sa taas na may parang kusina or imbakan sa baba na closed space din dahil sa napapalibutan ng kawayan na bakod. Typical na bahay sa probinsya.

Nagsimula na silang mag inom ng tuba (Eto yung alak sa probinsya) nang magtanong ang isa nilang kasama kung nasaan ang pulutan dahil nga sa nakakailang baso na sila ay wala pa din. Ang sabi ng kaibigan nila ay niluluto pa daw ng kapatid niyang babae ang pulutan nila. Kaya naman pinagpatuloy na nila ulit ang kwentuhan at inuman.

Tumayo muna si lolo saka siya nagpaalam sa mga kasama na iihi muna sandali. Naghanap siya ng lugar kung saan siya pwedeng umihi at napadpad siya sa may gilid ng kusina/imbakan ng bahay. Umihi na siya saka lumakad paalis pagkatapos nang mapansin niya ang isang babaeng maganda sa loob (Yung bakod na kawayan kase ay may mga siwang kaya naman kita sa loob). Yun yung kapatid na babae na may ari ng bahay. Sobrang ganda daw nito at ang ganda ng katawan. Ang ipinagtataka lang ni lolo ay kung bakit ito nakahubad at may kung anong ipinapahid sa katawan nito. Kinutuban na siya. Biglang itong lumingon sa gawi niya.

Agad siyang bumalik sa pwesto nila kung saan sila nag iinuman. At tinanong ang kaibigan nilang may-ari ng bahay kung bakit wala pa ang pulutan. Ang sabi nito ay hindi pa daw ito luto. Kaya naman nagpaalam na ang lolo ko na uuwi na dahil sa gumagabi na at sumama ang kanyang pakiramdam. Ayaw pa sanang sumama ng mga kasama niya ngunit pinilit niya ang mga ito na umuwi na. Nagtaka naman ang kaibigan nila kung bakit kakasimula pa lang nila ay nagyaya na siyang umuwi. Ilang ulit sila nitong pinilit na magstay, ngunit paulit ulit din siyang tinanggihan ni lolo kaya hinayaan na lamang sila nito umuwi.

Tanging liwanag lamang ng buwan ang ilaw nila habang naglalakad sila. Lumakas bigla ang ihip ng hangin. Umingay ang mga puno, na para bang nagsasayaw dahil nga sa lakas ng hampas ng hangin. Lumamig ang paligid. Napahawak si lolo sa itak niya (Lagi niya itong dala kahit saan man siya magpunta bilang proteksyon sa kanyang sarili). Nakita niya ang babaeng kapatid ng kaibigan nila na nasa taas ng mga puno habang nakatingin sa kanila.

Nagkayayaan ulit ng inuman sa bahay ng kapatid na babae ng kaibigan ng lolo ko. Di ko alam kung umaga ba, o tanghali or gabi ito nangyare. Basta kinwento lang ni mama.

Kahit alam na ni lolo kong may lahing aswang ang kaibigan niya ay sumige pa din sila (Btw, hindi niya ikinwento sa iba niyang kaibigan ang nalaman niya. Kase kaibigan niya pa din naman yun).

Nagsimula na ulit silang mag inuman. This time may nakahanda ng pulutan sa mesa. Umalis na muna yung kaibigan nila kase nga daw may kukunin pang pagkaen sa loob (Di ko alam kung naroroon ba yung kapatid niyang babae o wala).

Hindi naman siguro bago sa pandinig niyo yung paggamit ng kalamansi? Dahil nga sa talamak ang mga aswang sa probinsya laging may baon si lolo ko na kalamansi. Saka alam niya din na bahay ng aswang yung pupuntahan nila kaya naman nagdala talaga siya.

Pinagbawalan niya yung mga kaibigan niya na kumaen. Nilabas niya yung dala niyang kalamansi saka piniga sa pulutan na nakahain sa mesa. Nagulat at nandiri daw ang mga kaibigan niya nang biglang gumalaw yung sahog na karne. At nag iba yung itsura (Ang alam ko kase once na kumaen ka ng inihain ng aswang ay unti unti ka na din magiging aswang).

Sinabihan niya yung mga kasama niya na umakto na kunwari ay nasasarapan sa mga pagkaen na nakahain saka niya pinuntahan yung kaibigan nila na may ari ng bahay.

Saktong papalapit naman sa kanya ito kaya kinausap niya ito. Sinabi niyang alam niyang aswang sila. Pero di niya pinagsabi dahil nga sa kaibigan ang turing niya dito. Sinabi din ni lolo na di niya sukat akalain na magagawa silang bigyan nito ng ganoong klaseng pagkaen. Samantalang magkakaibigan sila. Kaya sinabi ni lolo na yun na ang huling beses na tatapak sila sa pamamahay na yun. And that time, friendship over na sila.

Among The Hidden

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon