She's still missing
This is my first time to share my not-so-scary story in social media. Actually isang cousin ko ang avid reader dito ang naghikayat sa akin upang sumulat. Baka sakali kasing may makatulong para masagot ang aking matagal ng katanungan. Thank you in advance Admin if ever maipost.
Hi, I'm Jerome from a one of a famous province in Mindanao, 25 years old. Year 2014 nung magpakasal kami nung college girlfriend ko na si Arianne, we're both 22 that time. She's my first love, my first girlfriend, and sad to say my first heartache. Wanna know why? Dahil iniwan niya ako sa unang taon namin bilang mag-asawa. Madali sanang tanggapin kung sumama lang siya sa iba, pero hindi, bigla siyang naglahong parang bula without any trace kasama ang bata sa kaniyang sinapupunan.
January 23, 2015 Friday nung nangyari ito, bago ako umuwi galing work ay tumawag pa ako sa kaniya na magbihis na siya dahil balak kong sa parents ko kami magpalipas ng weekends. Pero pagdating ko sa aming pad, wala na siya. Hinanap ko siya pero hindi ko nakita, iniwan lang niya ang phone niya sa sofa. Akala ko lumabas lang siya at may binili, matiyaga akong naghintay pero kinakabahan na ako habang lumilipas ang mga oras na hindi pa rin siya dumarating. Nakatulog ako, paggising ko nga kinaumagahan ay wala pa rin siya. And the rest has been a nightmare I would never forget. Para akong masisiraan ng bait sa kahahanap sa kaniya pero wala talagang nakakaalam kung saan siya maaaring nagpunta. Nagreport na ako sa pulis, ipinasilip ko na rin ang mga CCTV sa aming lugar pero hindi talaga siya natagpuan. Marami na akong inupahang imbestigador, but until now bigo pa rin ako. Maraming version at opinyon ang narinig ko mula sa pamilya at mga kaibigan namin that she must have been raped and killed or baka kinuha ng engkanto, things like that happened anywhere in this mysterious world. Pero wala akong gustong paniwalaan, I wanted closure, buhay o patay gusto ko pa ring malaman. Kahit sa mga albularyo lumapit na ako, pero iisa ang sagot nila.. kinuha ng isang engkanto si Arianne at dinala sa lugar na hindi matatagpuan ninuman.
Three months after her disappearance, hawak ko nun yung isang picture namin na nakalagay sa isang frame. It was taken on the beach, on summer vacation in Boracay. Pero sa paglingat ko, kung bakit nag-iba bigla ang kaniyang anyo, nawalan ng itim ang kaniyang mga mata, nakabuka ang bibig at may maitim na batik sa mukha. Bigla ko itong nabitawan sa labis na pagkagulat at takot, nabasag ito. Marahan kong pinulot muli, at sa pagtingin ko nga ay back to normal na ang itsura niya. Kinilabutan ako, parang may masamang pangitain ito. Pinilit kong ignorahin, patuloy kong hinahanap ang asawa ko.
Isa pa, lately lang ay madalas kong maramdaman na sobrang lamig ng kwarto pagtuntong ng hatinggabi kahit patay ang aircon. Hindi ko alam pero parang may nakayakap lagi sa akin sa pagtulog kahit alam kong mag-isa na lamang ako. Nasasamyo ko pa rin ang natural na amoy niya sa buong kabahayan. Tumutulo ang luha ko, I really miss her so much my heart aches. My whole heart was filled with bittersweet memories of her that had kept me going. Ayokong bitawan ang tanging pinanghahawakan ko, ayokong isiping patay na siya dahil hindi ko pa nakikita maski labî niya.
Paano akong maniniwala na kinuha siya ng engkanto gayung nasa lungsod na kami at malayo na sa kabundukan? At paano siya napatay kung wala man lang nakitang bakas sa mga CCTV at walang lumutang na saksi? Anong ang meaning ng mga pangitain? May pag-asa pa ba akong makita siya?
Arianne, Mahal, please lang magpakita ka sa akin kahit sa panaginip lang. Ano man ang nangyari sayo gusto kong malaman, kahit masakit man ito tatanggapin ko. Maawa ka sa akin, give me closure, I want to give myself another chance to be happy. Pero kung hindi man ay patuloy pa rin kitang hahanapin sa natitirang mga taon ng buhay ko, maghihintay pa rin ako. Mahal na mahal kita, nasasabik na akong makasama kayo ng anak ko. I don't think my heart had the capacity to beat for another woman.
P.S. Mahalaga sa akin ang mga opinyon ninyo, magbabasa ako ng comments pero hindi ako magrereply. Sana nga ay may makatulong pa rin sa akin na ipaliwanag kung anong klaseng pangyayari ang maaaring nangyari sa kaniya, sa mundo kong puno na ng kawalan ng pag-asa.
Jerianne16
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!