Sundo
Sabi nila, pag mamamatay na daw ang isang tao, may susundo sa kanya. Saan man tayo pupunta afterlife, walang nakakaalam. Ang alam ko, nakita kong sunduin ang mama ko bago siya mamaalam sa mundong to.
23 years old ako nung panahong yon, nurse sa abroad pero umuwi kasi malala na sakit ni mama, gusto ko ako yung mag alaga sa kanya. Bilang anak, andami kong pagkukulang sa kanya at kahit papano sana maiparamdam ko kung gaano ko sya kamahal sa huling pagkakataon.
59 years old na si mama noon, stage 4 liver cancer. Wala na ding buhok, lagas na sa chemo. Kaya nagpasya na lang kaming iuwi siya. Di na din makaalala si mama. Madalas akala niya bata siya, madalas tawagin niya mama niya.
""Nay! Nay! Nanay ko!"" Yun ang palaging pambungad niya kapag nagigising siya. Simula nong iuwi namin siya sa bahay, parang araw araw binabangungot siya.
One time habang pinapalitan ko yung diaper niya, habang kinakausap ko siya. ""Anak, sino yang bisita mo na dumadalaw sa akin? Hindi ko siya gusto."" Sinubukan pa niyang iangat yung kamay niya para ituro kung saan nakapwesto yung ""bisita"" ko, pero nang lingunin ko, wala naman. ""Ma, wala naman po akong...."" ""Ayan oh, puro itim! Ayoko sa kanya!"" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maghysterical si mama ""Nay! Nay! Ayoko sa kanya! Paalisin niyo siya."" Iyak na ng iyak si mama. Di ko alam ang gagawin ko para pakalmahin pa siya, dumating din sila ate para alamin kung anong nangyayari. Sabi ni mama ""Paalisin nyo yong lalaki.""
Ilang lingo ding ganon si mama. May makikitang lalaking ""itim"" tapos tatawagin ang nanay niya.
Isang gabi, nakatulugan ko ang pagbabantay kay mama nang magising ako kasi may naramdaman akong dumaan. Nang imulat ko ang mata ko, laking gulat ko. Si mama, nakatayo, may kausap na babae na parang kamukha ng ate ko, at kasama ng babae, isang silhouette ng lalaki. At ang mas ikinagulat ko, habang si mama, nakatayo at kausap ang mga yon, sa kama niya ay nakahiga rin ang katawan na siguradong si mama. Nakuha ko yata ang atensyon nila at napalingon si mama at nakita kong naghover siya palapit sa akin, napapikit ako at nakaramdam ako ng malamig na hangin sa noo ko. Pagdilat ko ng mga mata ko wala na sila. Agad kong nilapitan ang mama ko, only to find out na patay na siya.
Before I could call my sister to tell the news, tumawag siya sa akin para kamustahin si mama kasi daw napanaginipan niya daw si mama na kinukuha ng anino. Di ko mapigilan ang pag iyak ko at kahit siguro di ko na sabihin ay alam na niya kung anong maririnig niya sa akin. Di ko alam kung paano ko nagawang sabihin pero ang nasagot ko na lang ""Ate, wala na si mama.""
Budd the Sidewinder

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!