12:00 am
Hi admin. I'm Mark from San Pedro, Laguna. Share ko lang yung story ko na hindi naman masyadong nakakatakot haha. Hindi to yung typical na storya na tuwing alas dose ng madaling araw ay may nagpapakita na mga multo haha.
Alas dose ng hatinggabi. Ito kase ang oras na nagigising ako para lang kumain, di ko alam, pero lagi na lang ako naaalimpungatan sa ganitong oras at parang laging gutom na gutom. Sa oras na yun, tulog na rin ang mga tao sa bahay, kaya ako na lang din ang kumakain mag isa sa kusina. Hindi ako naniniwala sa mga multo o kung ano pa mang mga kaek ekan na yan hahaha.
Pero nung oras na yun habang nakain ako, meron akong narinig na kumalabog sa sala na para bang may nahulog o bumagsak na kung anong bagay. Hindi naman kami mayaman haha pero tatlong hakbang mula sa kusina makakarating ka na sa sala. Hindi ko rin binuksan ang ilaw sa parteng sala at tanging ang ilaw lang sa kusina ang binuksan ko. Habang nakain ako ay may narinig akong kumalabog mga dalawang beses din ata yun na paulit ulit, kasabay nun ay may naaninag akong kulay puti dun sa parteng sala kung saan may kumalabog.
Hindi ko na yun masyadong inusisa pa, dahil baka yung pusa lang namin yun na umakyat sa divider saka tumalon. Pagkatapos kong kumain, ay nagpalipas muna ako ng mga ilang minuto bago ako bumalik sa kwarto para matulog. Kinabukasan nanood ako ng morning news, may balita tungkol sa katabing barangay namin, nakuhaan ng CCTV na isang bangkay ng babae ang isinilid sa sakong puti at basta na lang itinapon sa abandonadong establishment.
At ako naman, humigop lang ng mainit na kape, sabay sabing "okay". Maya maya pa ay lumapit ang pusa namin sa akin, napatitig ako sa pusa at napaisip, hindi nga pala kulay puti ang pusa namin. Hindi na ko nag isip pa ng kung ano ano at pumasok na ko sa trabaho. Mga alas nuebe na ng gabi ako nakauwi galing ng trabaho, bago ako makarating sa amin ay may nadaanan ako sa katabing block lang namin na lamay. Dahil na rin sa pagod ay hindi ko na nagawa pang sumilip pa sa kapitbahay at dumeretso na ko ng uwi.
(Ilang oras ang nakalipas)
Kagaya pa rin ng dati, nagising na naman ako ng alas dose ng hatinggabi para kumain. Habang nakain ako ay may narinig ako na kumakatok sa pinto ng paulit ulit. Kaya itinigil ko muna ang pagkain at sumilip ako sa bintana, ngunit wala naman akong nakita sa harap ng pinto. Binuksan ko pa rin ang pinto para makita ang labas, ngunit wala naman akong nakitang tao sa labas. Sinara ko ang pinto at bumalik uli sa kusina para ituloy ang pagkain. At maya maya ay natulog na rin ako.Kinabukasan, kinausap ko ang mama ko tungkol sa kapitbahay naming namatayan. Sabi nya anak daw yun ng kumare nya na, na hit and run ng isang motor. Mahilig kasing maglaro sa labas yung batang yun, kaso nung pinapapasok na ng magulang sa bahay nila ayaw pang pumasok, kaya pinagsarhan sya ng pinto ng nanay nya. Sobra nga daw ang paghihinagpis ng mga magulang ng bata, at paulit ulit na sinisisi ang sarili nila. Hindi kasi nila pinagbuksan ng pinto yung bata kahit na nagmamakaawa ito at panay din ang iyak. At kahit na anong katok nung bata hindi sya pinagbuksan ng pinto, kaya naisipan ng bata na pumunta sa kamag anak nila sa katapat lang na bahay nila. Kaso nung patawid na yung bata, dun na sya na hit and run habang naglalakad.
Bigla uli ako napaisip at sinabi sa sarili. "At least binuksan ko yung pinto, at mukhang may kasabay na rin akong kumain tuwing alas dose ng hatinggabi..."
Demise_M.A.
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!