Sigbin
Hello Spookifiers. Isa akong silent reader sa page na to ng Spookify. I really hope mapost to kasi I need advices e. Taga probinsya nga pala mga pre.
Started december, nakalimutan ko yung date eh, pero sunod-sunod lang yung date nun basta ganun haha.
Natutulog na kami nun nang magising ako sa tunog na may pumapalakpak. Kaagad ko naman ginising yung lola ko which is yung katabi ko matulog kasi natatakot ako pag ako lang mag isa sa higaan. Back sa present nakikinig lang ako sa plak plak plak ng tenga ng sigbin na para ngang pumapalakpak. FF Umaga na nun nang pumunta ako sa bahay ng aking Tito na sabi ng lola ko laging pinupuntahan yung likod bahay ng Tito ko sapagkat may bulaklak ng kalabasa na kung saan kinakain daw ng mga sigbin.
Nagulat talaga ako nun then wala kasi akong alam sa itsura kaya nagsearch ako sa kung ano ang sigbin, thanks to Ategoogle. Para daw itong kangaroo na kambing tsaka makapangyarihan daw ito. Tapos sa gabi talaga siya magpaparamdam o pupunta man lang etc. Madami pang info. Pero wag na haha.
3 days na siyang laging pumapasyal dito sa probinsya kaya nagtataka na ako. Di ko alam kung gutom lang ba o ano? Tsaka nung gabi nun (Kahapon po) pinailawan namin yung sa labas tsaka sinabihan ko rin yung Tito ko na maglagay ng ilaw sa harap kaya naman di nagparamdam yung sigbin kahapon.
Tapos ngayon while typing hindi namin ngayon papailawan para naman daw tumunog, baka naman kasi nagutom lang yun, hindi naman kasi mang aano kung hindi aanuhin, nagets nyo? Haha. Still hoping lang ako na sana wag ng bumalik yung sigbin bukas o sa makalawa kasi hindi ako makaalis o makaihi man lang. Kasi nakakatakot kaya daw yung mukha nun. Huhuhummzzz. Ano ba yung kailangan mo sigbin?
Ms.Loner

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!