NagTrabaho,KinaInggitan,Binarang

1.8K 40 1
                                    

Naniniwala ba kayo sa kulam o barang? Kung oo, hayaan niyong ikwento ang istorya ng nanay ko way back november 2009.

Itago niyo na lang ako sa pangalang Obet, 3rd year High School ako nung nangyare 'to.

Nagtatrabaho ang nanay ko sa isang pagawaan ng plastic sa Valenzuela, mabait at mahusay siyang makitungo sa mga katrabaho niya. Bukod sa paggawa ng plastic eh may mga raket ang nanay ko sa loob ng pabrika katulad ng pagpapautang ng pagkain, pagpapahulugan ng pera at pagtitinda ng mga damit. Madaming kumukuha sa kanya dahil sobrang baba lang ng tubo unlike sa iba kaya naman hindi naiwasang may mainggit sa kanya. Meron siyang kasamahan na itago natin sa pangalang bruhilda dahil siya ang dahilan ng pagkakasakit ng nanay ko. Itong si bruhilda ay nainggit sa nanay ko at ginaya niya lahat ng raket ng nanay ko at hindi naman siya nabigo dahil nakakuha naman siya ng mga customer. Wala lang sa nanay ko yun dahil hindi lang naman daw siya ang may karapatang magnegosyo. Kaya naman hinayaan na lang niya ito dahil madami pa din siyang customers. Gumawa ng paraan si bruhilda para mawalan ng customer ang nanay ko at sa kanya na kumuha lahat.

October 2009 ay inalok kumain ni bruhilda ang nanay ko ng waffle na may hotdog na palaman sa loob. Bilang panggabi sila nung mga panahon na yun, kinuha at ginawang meryenda ng nanay ko dahil walang bukas na tindahan pag madaling araw. Mula nang nakain ng nanay ko ung waffle na un ee madalas na siyang may nararamdaman na kakaiba! Sumasakit ang tiyan, masakit ang ulo, ang likod, nasusuka sa hindi maipaliwanag na dahilan. Dumating pa nga sa punto na nagpaospital na siya dahil hindi na niya kaya. Pero ang malala, ayaw siyang tanggapin ng hospital dahil wala naman silang nakikitang masama sa nanay ko or kahit anong diperensya. Maayos ang BP, maayos ang x-ray, walang diperensya sa dugo, sa ihi, etc. kaya umuwe na lang kame.

After that day, napag isipan ng nanay ko na tawagin si aling estela. Si aling estela ay galing siquijor at aminadong good witch kaya nagpatawas siya dito.

Unang araw ng gamutan ay martes kung saan active daw ang mga mangkukulam at mambabarang. Yung dilaw ng itlog ay naging dalawa, tumayo ang itlog sa piso, sa isip isip ko, meron naman talagang itlog na dalawa ang yolk kaya parang di ako naniwala

Pangalawang araw ay biyernes dahil active din daw at mas effective ang mga witch. Pinainom ang nanay ko ng isang basong langis at lugaw at dinasalan. Walang nangyare nong araw na un kaya maaga umuwe si aling estela!

Huling araw ng gamutan ay martes ulit. Nagkaroon ng pagpatay ng itim na manok na nakukuha lang sa bulubunduking lugar ng benguet! Ung manok ay literal na itim, pati laman ay itim kaya namangha kame lahat. Pinalibutan ng kandila ang nanay ko at dinsalan ni manang estela. Maya maya ay nagpakuha si manang estela ng palanggana para doon sumuka ang nanay ko sa susunod na sesyon. Huminto muna siya sa panggagamot sa hindi namin malaman na dahilan. Ung nanay ko bes nasusuka na! Nagulat kame dahil ung lugaw at langis na pinakain ni manang estela sa nanay ko noong biyernes ay ayun din ang isinuka niya! Pero mas nagulat kame sa susunod na lumabas sa bunganga ng nanay ko! Ung waffle! Ung waffle na matgal na niyang kinain! Ung waffle na binigay ni bruhilda sa nanay ko ay isinuka niya! Hindi namin maipaliwanag ang nangyayare! Lahat kame ay nagulat!!

After ng session ay nagkainan muna kame ng tanghalian. Dahil may susunod pa daw na dasalan.

May inilabas si manang estela na bote ng tikitiki at pinahugasan sakin, hinugasan ko naman para matapos na. Pinahiga ang nanay ko at pinataas ang damit. Nagdasal si manang estela, habang ang bote ay nakataob sa pusod ng nanay ko. Ung butas ng bote at siyang nakapasok sa butas ng pusod ng nanay ko. Maya maya ay sumisigaw na ang nanay ko. Naaawa kame sa aming nakikita dahil umiiyak na siya sa sobrang sakit. Kaya naman hindi niya nakayanan at nawalan siya ng malay. Biglang itinaas ni manang estela ang bote galing sa pusod ng nanay ko. Nawindang kame sa nakita namin!! Ung bote may laman na lupa, kuhol, alupihan, langaw at iba pang insekto. Ayun daw ang ipinasok sa katawan ng nanay ko para manghina at ayun din daw ang dahilan kung bakit nagkakasakit ang nanay ko pero walang makita ang mga doctor. Laking pasasalamat namin nang muling magising ang nanay ko. Si manang estela ay may sinabi sa amin. Na eto daw si bruhilda ay mararanasan din ang ginawa niya sa nanay ko. Kumbaga, ibabalik ni manang esetela ung sakit doon kay bruhilda.

After a week, pumasok ang nanay ko pero hindi na niya nakita si bruhilda. May sakit daw ito at kailangan umuwe ng probinsya para magpagamot. Binigyan ni manang estela ang nanay ko ng pangontra sa kulam/barang at nagbilin na huwag tumanggap ng kahit anong pagkain sa kahit kaninong tao. Dahil baka tuluyan na daw siya pag nagkataon.

Ngayon, masaya at puro rayuma na lang ang nararamdaman ng nanay ko!

Maraming salamat po! Sana po ay mabigyan ako ng chance na mapost ito! Pasensya sa mahabang istorya! Di ko alam kung paano paiiksiin ee.

Obet

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon