Spirit of the Glass

1.4K 19 0
                                        

Itago nyo nalang po ako sa pangalang DONUT. Baguhan lang po ako sa page na ito at first time ko ring mag-share ng kwento kaya kung ma-post man ito Ay laking pasasalamat ko.

Ang kwentong ito Ay real life experience ng aking mama noong bata pa siya. Bale naikwento niya lang po ito sakin.
MGa 11-12 years old pa si mama ng mangyari ito. Pagabi na ng mapagpasyahan ni mama at ng kanyang mGa kaibigan na mag-spirit of the glass kasi gusto daw nilang ma-testing kung totoo ito. Kumuha sila ng isang baso na nilagay nila sa gitna habang napapalibutan ng mGa kandila (ito lang po ang mGa bagay na ginamit nila sa paglalaro). So nagsihawak kamay na silang lahat, yung mama ko at mGa kaibigan niya. Nagsimula na silang maglaro ng spirit of the glass ng biglang lumutang yung baso sa ere, sobrang takot daw nila mama at ng mGa kaibigan niya that they break the circle. Nung binitawan nila yung isa't-isa, yung baso bigla tumalsik sa semento kaya nabasag ito (para bang hinagis ito ng kung ano mang hindi nakikita). Kanya-kanyang nagsitakbuhan at nagsigawan sina mama at mGa kaibigan niya sa sobrang takot. Ang nangyare narinig sila ng may ari ng bahay (bahay ng isa sa mGa kaibigan ni mama) at pinagalitan sila dahil masama daw ang kanilang ginawa.

Fast Forward...

Sabi ni mama, kinabukasan daw sa araw na naglaro sila ng spirit of the glass Ay isa sa mga kaibigan niya ang namatay. Para daw itong sinapian sa dilim ng mukha habang natutulog hanggang sa hindi na raw ito nagising na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Sina mama at ang mGa buhay pa niyang kaibigan ang sinisi sa pagkamatay ng isa nilang kaibigan kaya hindi na nila muling inulit ang paglalaro ng spirit of the glass dahil na rin sa takot

~Venz
Cavite

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon