NGITI (SPG)
Hi, I'm Jane, 22 years old. I just wanted share my not so scary story with you. It happened about 5 years ago nang kuhanin ako ni Tita Mel, pinsan ni Mama para magtrabaho sa kanila pansamantala para makaipon ako ng pang-aral sa college.
Sila Tita Mel ay nakatira sa isang village somewhere in Bacolod with her mother. Kakaseparate pa lang niya sa asawa niya when she found out that she was pregnant 3 months after she gave birth to her eldest child, Marah. Kaya naman nang ipanganak niya ulit ang kanyang bunso ay pinangalanan niya itong Marco dahil parang totoong kambal ang dalawa. Hindi lang dahil sa lapit ng edad ng mga ito, ngunit dahil sa parehong birthmark nila sa noo.
Dahil sa super demanding ng work ni Tita Mel, halos gabi nalang kung makita niya ang dalawa. Ako ang nakatokang mag alaga kay Marco at si Nanay Paz naman (Nanay ni Tita) kay Marah.
Si Marco ay iyong baby na napakadaling alagaan kumpara kay Marah. Hindi siya basta-basta umiiyak or should I say - I've never seen him cry even once. At first syempre thankful ako dahil hindi niya ako pinupuyat sa gabi, kaya ang ginagawa namin ni Nanay Paz every time na iiyak si Marah para magdede o kaya kailangan magpalit ng diaper, isinasabay nalang namin siyang timplahan o kaya tingnan din ang diaper niya kung kailangan ng palitan.
Pero habang tumatagal, padagdag ng padagdag iyong mga weird things na nangyayari, I think mag iisang taon na siya non.
Sa tuwing patutulugin ko siya sa tanghali sa playing room nila ni Marah (Iyong buong floor na yon ay puro foam para iwas disgrasya), sumasabay ako umidlip para makapagpahinga. Siguro mga around 30 mins. to 1 hr pa lang akong tulog nang pakiramdam ko'y mayroong nagmamasid sa akin. Kaya minulat ko ang aking mga mata, pagmulat ko ay eksakto naman ng pagsara ng mga mata ni Marco, he was lying facing my direction.
Everyday ay ganon ang nangyayari, I felt that he's watching me while I'm sleeping tapos kapag gigising na ako sabay naman ng pagpikit niya na parang nagtutulug-tulugan lang. I thought before, I was just imagining things kaya ang ginawa ko one time para mapatunayan kung guni-guni ko lang ba 'yon o hindi, kahit gising na ako ay hindi ko minulat ng todo 'yong mga mata ko, but enough for me to see him.
Oh sh*t! Totoo nga. Grabe iyong pintig ng puso ko nun. He's staring at me wearing a half smile on his lips. Iyong ngiti na parang may binabalak, hindi man lang siya kumukurap. Sobrang kinilabutan ako dahil doon kaya ang ginawa ko, tumayo ako bigla tapos tumakbo sa may pinto.
Alam ko normal sa mga bata na kapag may biglang ganoong reaksyon ay magugulat sila at iiyak. Pero siya, ni wala akong narinig na kahit na ano sa kanya. Paglingon ko sa kanya, nakatihaya na siya at nakaturo iyong ulo niya paharap sa akin, nakatingala siya at titig na titig sa mga mata ko, he was smiling. Pinapadyak-padyak niya iyong mga paa niya palit-palitan kaya dahan-dahan siyang umaandar papunta sa akin.
Nakataas din yung dalawa niyang kamay na parang gusto niyang kargahin ko siya. Pero bago pa man siya makarating sakin, dahil sa sobrang takot ko, ini-lock ko siya sa loob ng room then nag tatatakbo ako papunta ka Nanay Paz. Hindi ko kinuwento sa kanya iyong nangyari, ang sinabi ko lang na patingnan muna sandali si Marco dahil naiihi ako.
After non, hindi ko na hinayaang maiwan kami ni Marco sa iisang lugar dahil naging iba na iyong pakiramdam ko sa kanya at lagi nalang siyang nakamasid sa akin. Everytime I'm staring at him, he just stare back at me and always wear his freaking half smile na parang sinasabing "I know what your thinking."
One time, monthly check up ni Marco non, usually si Tita Mel, Marah at Nanay Paz ang sumasama sa kanya at maiiwan ako sa bahay. But unfortunately, that time may importanteng meeting si Tita Mel at may lagnat naman si Marah. So I have no choice but to accompany him to his pedia.
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!