Future
So eto dahil may nag post sa Spookify ng about sa panaginip nyang weird share ko yung sa akin...
Since grade 2 ako, nananaginip na ako madalas ng eeird na panaginip tapos mangyayari yun.
Example: Napanaginipan ko exam namin tapos hirap na hirap daw ako dun tapos binasa ko ng paulit ulit yubg question hanggang hinulaan ko nalang lahat.
Guess what? Yung mga tanong sa panaginip ko? Yun din ang mismong lumabas sa exam. Kaya minsan tina-try ko ulit gawin para maka perfect.
Isa pang example: Napanaginipan ko yung scene na: nanghihingi ako sa papa ko ng 300 pesos tapos binigyan nya naman ako. Then pagdating sa school nawala.
Kinabukasan humingi na nga akong 300 sa papa ko (kasi kailangan talaga nun) pagdating sa school, dahil alam kong mawawala na yung pera ko tinago kong maigi...pero nawala parin. (Parang sya lang kinapitan mong maigi pero dumulas parin charr)
Tapos marami pang ganon na nangyayari sa akin pero di naman ako natatakot kadi nagagamit ko rin naman like sa exam hahaha.
Pero ito mas wierd. Nakikita ko yung mga bagay na mahalaga sa akin na nawawala sa pamamagitan ng pagpikit.
Ewan ko ba anong nangyayari pero mga 5 times ko na syang nagagawa.
Ito yung first time n hindi ko malilimutan hahaha.
Papasok na ako nun, male-late na nga ako. Eh yung ni-ready kong panty, ko di ko makita kung saan ko nailagay. Eh nagmamadali ako nung araw na yun alanganamang pumasok ako ng walang panty. Kaya nagdasal ako kay God na sana ipakita n'ya sa akin yung panty ko then pumikit ako tapos nakita ko yung panty ko na may katabing blue na shirt, tsaka parang zinoom out ko syan nasa laundry net.Tapos hinanap ko, nandun nga.
Nagamit ko din yan sa nawawalang cellphone ko, hikaw, ballpen at nalimutan ko yung isa.
Oh diba? Sobrang weird nitong mga nangyayari sa akin! Alam kong maraming si maniniwala pero bahala kayo, buhay nyo yan.
Ano yun ako si future Manang Bola at Madam Auring?
Ewang-seer
Rizal, Philippines.
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
رعبTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!