Baby Blues
(In behalf of my beloved friend. I want to share her story. It happened way back 2012)
May childhood friend ako nun at ang pangalan niya ay si Danica tapos Nica tawag namin sa kanya. Nung nasa bukid pa kami nakatira, lagi kaming magkasama ni Nica nun. Lagi din kami nakikinig sa mga kwento ng lola niya at nangako pa nga kami na sabay kaming mag aaral at maging nurse sa isang malaking ospital. Pero hindi lang pala ordinaryo si Nica dahil sabi ng lola niya, bukas daw third eye niya. Kaya pala madali siyang natatakot pero lagi naman akong andyan upang pagaanin loob niya.
Nagpursige kaming mag aral hanggang sa di naglaon nakaalis kami sa bukid pero si Nica lang ang nakapagpatuloy sa pagiging nurse samantalang ako, gindi ko na nakayanan at naging busy na lang sa pagiging online seller. Nirespeto niya desisyon ko. Nung nakagraduate talaga siya, sobrang tuwa namin as in dahil atleast isa samin ang nakatupad ng pangarap namin.
A year passed, naging magaling na nurse si Nica at lumago naman business ko. Syempre magkaibigan pa rin kami. Still single pero masaya naman kami sa statuses namin. Hanggang sa di ko ineexpect na after ng araw na yun, magbabago siya.
I received a call sa ospital na pinagtratrabahuan ni Nica. Urgent daw dahil may nangyari sa kanya. Ako lang kase ang malapit na mahihingan niya ng tulong dahil nasa probinsya pa family niya at nag iipon pa siya. Pumunta ako sa nurse desk at tinanong kung nasaan ba siya. Sinabi nila sakin at dali dali akong pinuntahan siya. Nakita kong may mga nurse sa labas ng isang kwarto. Tinanong ko kung andyan ba siya. Sabi nila oo pero ayaw daw silang papasukin. Sinabihan daw sila ni Nica na tawagan ako. Kumatok ako at nagpakilala tapos pinagbuksan niya ako. Pinaalis ko muna ang mga nurse bago ako pumasok. Tumakbo siya papalapit sakin tapos niyakap ako. Iyak lang siya ng iyak. Basang basa na rin yung uniporme niya.
Tinanong ko siya kung ano nangyayari sa kanya. Bakit ba siya ganyan? Tapos, kumalma muna siya at nagsalita. ""Cas kase, may pasyente ako eh. Naglalabor. Walang free na doctor nun kaya ako ang umalalay. Pero biglang sumakit ulo ko eh. Paggising ko may sanggol na nakasabit sa leeg ko! Jusko. Iyak ako ng iyak habang takot na takot! Lumapit sakin ang mga doktor na kumalma daw ako. Ano daw ba nangyayari sakin? Sabi ko 'MAY BATA SA LEEG KO!"" Sabi nila wala naman daw. Dun na ako tumakbo"" Dahil dun inuwi ko muna siya sa kanila. Sinabi niya sakin na dun daw muna ako matulog. Pumayag naman ako. Nasa kama siya nun nung natutulog sya tapos ako sa sofa, nagising ako nung umuungol siya ng malakas tapos kamot ng kamot siya sa kanyang leeg. Buti at napagising ko siya. Iyak ng iyak siya nun.
Inuwi ko muna siya sa probinsya nila para makausap siya ng nanay niya. Mga ilang araw nung nakatanggap ako ng tawag sa nanay niyang umiiyak na namatay na daw siya. Ininom niya daw kasi lahat ng gamot ng tatay niyang may diabetes. Hindi ako makapaniwala na gagawin yun ng bestfriend ko! Bakit naman siya magpapakamatay? As in sobrang lungkot ko nun. Di ko pa rin matanggap hanggang ngayon.
Hanggang sa mga ilang linggo simula nung libing ni Nica, tinawagan ako ng tita niya. Di na daw niya kasi kayang itago ang totoo. Sabi niya tinawagan daw siya ni Nica dahil gusto niyang ipa-abort ang bata sa sinapupunan niya. Di daw pumayag si tita pero nagpumilit daw si Nica na siya ang gagawa kung hindi gagawin ni tita. Natakot na baka mapano si Nica kaya pumayag si tita. Dun ako natigilan. Kaya siguro takot na takot siya sa batang sinasabi niya dahil anak pala niya yun. Batang kanyang pinaabort.
Syempre di ko matanggap na bakit niya yun ginawa? Hindi naman dapat niya ginawa yun dahil mahalaga ang buhay. Pero siguro dahil na rin sa lagi syang sinasabihan ng nanay niya na hindi na siya ituturing na anak kung magiging bastarda ang magiging apo ss kanya. Pero kung nasaan ka man Nica, thank you sa lahat ng nagawa mo. Mahal na mahal kita (At kung sino ka mang pakboy ka na bumuntis sa bestfriend ko! Wag kang magpapahanap sakin! Ikaw naman ang paglalamayan @#$%&! ka!)
So yun po. Salamat po.
EverLovingBff

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!